Epekto ng mainit na panahon sa buntis: Nakita sa research na ang mga maiinit na lugar ay may masamang epekto sa mga buntis na babae. Maaaring ito ay magdulot sa kanila ng premature births, stillbirth o kaya naman mababang timbang ng sanggol paglabas nito.
Sa patuloy na pag-init ng panahon, nagiging banta na ang pabago-bagong klima sa kalusugan ng bawat isa lalo na sa mga buntis. Ito ay ayon sa isang pag-aaral mula sa BMJ journal noong November 4. Sa pamumuno ni Matthew Chersich kasama ang grupo nito, masusi nilang tinignan ang kaugnayan ng epekto ng mainit na panahon sa pagbubuntis ng babae.
Talaan ng Nilalaman
Epekto ng mainit na panahon sa buntis
Epekto ng mainit na panahon sa buntis | Image from Unsplash
Ang research na ito mula sa 70 studies at kinabibilangan ng 27 na bansa. Nakita rito na may kaugnayan ang mainit na panahon sa delikadong resulta ng pagbubuntis. Pumapasok dito ang usapin sa premature birth, stillbirth at mababang timbang ng sanggol pagkalabas nito.
Base sa report ng World Health Organization (WHO), nakita na ang 15 milyon na sanggol na ipinapanganak kada taon ay premature. Isa rin itong dahilan ng pagkamatay ng mga batang nasa limang taong gulang pababa.
Out of 47 na pag-aaral, ang 40 dito ay napag-alamang premature births sa gitna ng mainit na panahon. Habang maaaring tumaas naman ng 5% hanggang 16% ang premature birth sa panahon na ito.
Sa pag-akyat ng 1°C ng temperatura, agad nitong napapataas ng 5% ang risk ng stillbirth sa mga buntis. Karamihan sa mga kaso nito ay nakita na ang stillbirth ay nangyayari sa huling buwan o linggo ng pagbubuntis.
Habang hindi gaanong mataaas naman ang mga kaso ng mababang timbang ng mga sanggol.
Ngunit ayon sa mga researcher, “even apparently minor decrements in birth weight could have a major impact on public health as exposure to high temperatures is common and escalating.”
Dagdag pa rito, mas mataaas ang tyansa ng mga buntis na babae na nakatira sa maiinit na bansa dahil sa heat exposure.
Hindi lang ito dahil sa mainit na panahon
Paglilinaw ng mga researcher na mayroong limitasyon ang kanilang pag-aaral. Kasama na rin sa inaalala nilang factor ay ang air pollution sa mga lugar na maiinit. Maaaring isa ito sa dahilan ng “poor pregnancy” ng kababaihan. May pagkakaiba ang mga temperatura sa bawat pag-aaral. Kaya naman hindi ito matibay na dahilan para masabing may epekto ang mainit na panahon sa buntis lalo na sa panahon ng polusyon.
Nagbigay pa rin sila ng findings para sa pag-aaral na ito. Ayon sa kanila, “This review suggests that exposures to high temperature might be associated with birth outcomes, with evidence most consistent and effect sizes largest for preterm birth and stillbirth.”
“Overall, the review highlights the need to identify interventions targeting heat-related conditions in pregnant women, especially in women at the age extremes and in lower socioeconomic groups, and to determine their effectiveness,”
Dagdag pa nila na.
Epekto ng mainit na panahon sa buntis | Image from iStock
Ang pagligo ng buntis: Ano ang mga dapat tandaan?
Sa paniniwala sa Pilipinas tungkol sa pagligo ng mga buntis sa gabi, marami pa rin ang patuloy na ginagawa ito. “Magkakasakit o malalamigan.” Ito ang ilan sa mga paalala sa mga buntis kapag nais maligo sa hapon.
Ngunit, may katotohanan nga ba ito?
Maaaring maligo ang isang buntis na babae sa gabi ngunit dapat tandaan niya ang mga dapat at bawal gawin sa pagligo. Unang-una na diyan ay ang tamang temperatura ng tubig kapag maliligo.
Bawal nilang ipang-ligo ang mainit na tubig na nasa 38°C sa loob ng sampung minuto. Ito ay dahil kapag tumaas ang body temperature ng isang buntis ay maaari itong magkaroon ng hyperthermia.
Ayon sa ibang pag-aaral, ang pagkakaroon ng mataas na body temperature ay maaaring magdulot sa buntis ng spina bifida. Isang kondisyon kung saan wala sa ayos ang pag-form ng spine at spinal cord sa bata.
Ang pagligo ng mainit na tubig sa buntis ay maaaring magdulot ng pagbaba ng blood pressure, pagkahina, pagkahilo at birth defect.
Mas healthy para sa buntis ang maligamgam na tubig. Makapagdudulot ito sa kanya ng comfortable at soothing na pakiramdam.
Say no no na rin muna mommy sa mga bath bomb, scented oil o iba pang mga palamuti o pampabangong nilalagay sa bath tub at pagligo. Maaaari kasi itong makaapekto sa ari at magkaroon ng yeast infection.
Epekto ng mainit na panahon sa buntis | Image from Unsplash
Tamang oras ng pagligo ng buntis: 1st trimester
Mahalaga ang first trimester para sa iyong baby. Ito ay dahil dito na unti-unting nagde-develop ang organs ng iyong anak. Ang sobra-sobrang init sa katawan ng buntis ay maaaring makapagdulot ng kompliasyon sa bata katulad ng congenital disabilities. Upang maiwasan ito, narito ang mga kailangang tandaan:
- Gumamit ng warm water sa pagligo
- Gumamit ng organic products sa pagligo
- ‘Wag magbabad sa tubig ng matagal
Tamang oras ng pagligo ng buntis: 2nd trimester
Pagsapit ng iyong 2nd trimester ng iyong pagbubuntis, mararamdaman mo ang paglaki ng iyong baby bump. Nangangalay kana din at mabilis mapagod. Ang pagligo na lamang ang iyong relaxing moment sa pagkakataong ito.
- Makakatulong ang hot water sa pananakit ng binti
- ‘Wag tagalan ang pagligo
- Warm water pa rin ang ugaliing gamitin
Tamang oras ng pagligo ng buntis: 3rd trimester
Pagsapit ng iyong 3rd trimester, dito mo na mararamdaman ng todo ang tunay na hirap ng pagbubuntis. Pananakit ng likod, pagkahilo, mabilis mapagod at iba pang pangkaraniwang nararanasan ng isang buntis sa kanyang 3rd trimester.
- Doble ingat sa pagpunta sa banyo dahil maaaring makadulas o makapatid sa’yo ang madulas na sahig.
- I-relax ang sarili sa warm water bawal ba sa buntis ang maligo sa gabi
Translated with permission from theAsianparent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!