Ayon sa World Health Organization, sa pagitan ng taong 1998-2017, ang mga paglindol ay nagdulot ng halos 750,000 pagkamatay sa buong mundo, higit sa kalahati ng lahat ng pagkamatay ay dulot ng epekto ng nasabing sakuna. Mahalagang malaman kung ano ang dapat gawin upang maiwasan ang malaking bilang ng pagkasawi.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dapat gawing hakbang para sa mga sanggol at toddlers, at mga bata edad 3 pataas kapag may lindol
- Mga dapat gawin sa paghahanda sa lindol, kapag may lindol, at pagkatapos lumindol
Ang lindol ay isang marahas at biglaang pagyanig ng lupa, sanhi ng paggalaw sa pagitan ng mga tectonic plate sa isang fault line sa crust ng lupa. Maaaring magresulta ito sa pagyanig ng lupa, pagkatunaw ng lupa, pagguho ng lupa, mga bitak, avalanches, sunog at tsunami.
Ang lindol, ‘di tulad ng ibang natural na kalamidad, ay biglaang nangyayari. Kailangan ay mananatiling laging handa sa lindol. Kailangan i-ayon ang paghahanda sa lindol sa edad ng kasamang bata. Ito ang ilang tips para sa bawat edad ng bata.
Larawan mula sa Shutterstock
Para sa mga sanggol at toddlers (0-2)
Para sa mga bata na may edad 2 taon pababa, kailangan siguraduhin ang kaligtasan ng kapaligiran nila.
- Ilayo ang mga crib sa mga bintana at mga istante na maaaring tumumba o mahulugan ng gamit.
- Maghanda ng mga gamit ng bata na maaaring tumagal nang 3 araw. Kasama dito ang mga gatas, tubig, bote, pagkain, damit, diapers, pamunas at mga gamot. Ilagay ito sa emergency kit na madaling makukuha kahit nagmamadali. Maglagay ng extra emergency kit sa sasakyan.
- Magtabi ng stroller, kumot o crib kung kakailanganin i-evacuate ang mga sanggol.
- Takpan ang mga kanto ng crib upang maproteksyunan ang mga sanggol sa pag-alog.
- Siguraduhin na hindi bubukas pati ang mga cabinet na hindi abot ng mga bata upang hindi sila mahulugan ng mga gamit dito.
Para sa mga bata (3-pataas)
Para sa may mga batang may edad 3 taong gulang pataas, masmadali nang maintindihan ng mga ito ang sakuna at ang kakailanganin na paghahanda sa lindol. Isama ang mga bata sa paghahanda at pagpa-plano para sa mga kalamidad.
- Ipakita sa mga bata ang mga pinakaligtas na lugar sa bawat kwarto kung sakaling magkalindol. Ipakita rin ang posibleng daanan palabas ng gusali kung kakailanganin.
- Gumamit ng mga matitibay na mesa at ipakita sa bata kung paano sumilong sa mga ito kapag may lindol.
- Ituro sa mga bata kung ano ang kailangan nilang gawin nasaan man sila.
- Gumawa ng emergency cards para sa mga bata na nakalagay ang panggalan at contact number ng mga magulang. Siguraduhin na tama ang mga impormasyon dito.
- Kahit hindi pinapayagan ang mga bata magsara ng mga gas, kailangan alam nila ang amoy nito. Ituro sa mga bata na sabihan ang matatanda kung maamoy nila ito matapos ang lindol.
Malaki ang maitutulong ng pagsama sa mga bata sa paghahanda sa lindol. Magiging pamilyar sila sa mga kailangan gawin at mag-eensayo ang kaalaman nila sa oras ng sakuna.
Ugaliin na gawin ang pageensayong ito kada 6 na buwan. Ang paghahandang ito ang maaaring magligtas sa kanila sa di inaaasahang kalamidad.
Mga dapat gawin sa paghahanda sa lindol, kapag may lindol, at pagkatapos lumindol
Upang mas masiguro ang kaligtasan ng bawat isa lalo na ng mga bata. Mahalagang alam nila ang ang mga dapat gawin sa paghandaan ang lindol, kung lumilindol na, at pagkatapos ng lindol.
Dapat gawin sa PAGHAHANDA sa lindol
1. Ipaliwanag sa iyong anak ang tungkol sa lindol.
Ipaliwanag sa iyong anak kung ano ang maaaring mangyari, gamit ang simple, naaangkop sa edad upang kanilang mas maunawaan kung ano ang lindol at maaaring idulot nito.
Magbalangkas ng planong pang-emergency para sa buong pamilya tulad ng paglikas at lokasyon ng pagkikitaan at bigyang-diin na ang kanilang kaligtasan ang pinakamahalagang prioridad.
Maghanda rin ng disaster checklist upang walang makaligtaan sa paghahanda. Ito ay naglalaman ng mga kakailanganin tulad ng family plan, communication strategy at laman ng go kit.
Ang family plan ay sumasagot sa mga tanong na:
- Anong pasilidad ang gagamitin ng inyong komunidad kung sakaling may sakuna tulad ng lindol?
- Saan kayo magkikita kung sakaling lumindol at magkakahiwalay ang bawat isa?
- Sino ang inyong contact person na hindi apektado ng sakuna kung sakaling magkaroon ng kalamidad?
Larawan mula sa Shutterstock
2. Magkaroon ng communication strategy.
Ang cellphone ng bawat miyembro ng pamilya ay dapat na may “ICE” (In Case of Emergency) na naka-program sa listahan ng contact ng telepono kasama ang lahat ng mga numero ng telepono ng pamilya.
Paalalahanan ang pamilya na gumamit ng text message. Ito ay mas madali na makakararating sa panahon ng sakuna.
Maghanda ng backpack o portable bag para sa bawat miyembro ng pamilya na may essential hygiene items. Bukod sa bottled water, flashlight at batteries, maaaring ilagay sa go kit ang mga sumusunod:
- Baby wipes
- Diapers
- Nursing pads
- Nursing supplies
- Formula
- Pre-packaged baby food
- Juice pouches
- Dry cereals, nuts, at protein bars
- Vitamins
- Fever reducer
- Antibacterial ointment
- Rash ointment
Larawan mula sa Shutterstock
3. Maghanap ng mga ligtas na lugar sa iyong bahay.
Tukuyin at talakayin ang pinakaligtas na lugar sa iyong bahay kung sakaling lumindol at sabihin sa mga bata na pumunta agad doon kung makaramdam sila ng lindol.
Ang pinakaligtas na lugar ng bahay ay isang silid na kung saan walang anumang mga bintana at aparador. Kung maaari, magtago sa ilalim ng matibay na bagay tulad ng mesa.
4. Magsanay ng earthquake drill.
Kapag nagawa mo na ang iyong plano sa paglikas sa lindol at nakipag-usap sa iyong mga anak tungkol dito, oras na para magsanay.
Ang pagsasanay sa earthquake drill ay makakatulong sa mga bata na maunawaan kung ano ang gagawin at kung paano manatiling ligtas sa panahon ng lindol.
5. Alamin ang mga plano ng kalamidad sa paaralan o daycare ng iyong anak.
Kung ang paaralan ng iyong anak ay malapit sa fault line, alamin kung paano tinutugunan ng kanilang emergency plan ang lindol. Alamin ang kanilang mga pamamaraan para sa paglikas, pag-abiso sa mga magulang, at kung mayroong alternatibong pick-up location.
BASAHIN:
May paparating na bagyo? 6 na bagay na dapat gawin para maging handa para sa kalamidad
LIST: Important emergency and delivery hotlines na dapat mong malaman
Emergency first aid for common household injuries: Important info for parents
6. Panatilihing updated ang contact information
Panatilihing updated ang impormasyon na binibigay sa paaralan ng iyong anak at kunin ang updated na contact information ng paaralan, upang kung magkaroon ng lindol, malalaman mo kung nasaan ang iyong anak at kung sino ang maaari mong tawagan para sa kanilang kalagayan.
Ang mga impormasyong ding ito ay dapat na alam ng mga bata.
Dapat gawin KAPAG may lindol
1. Mag-drop, cover, at hold on.
Kung ikaw ay nasa loob ng isang gusali. Mag-drop sa sahig at humawak sa matibay na bagay. Mag-cover sa ilalim ng mesa o iba pang bagay na maaaring pruteksyunan ang iyong ulo.
Sa isang kamay ay humawak sa ulo at leeg at ang isang kamay ay ihawak sa mesa. Kung walang anumang bagay na pwedeng tumakip sa iyong ulo, tumabi sa pader na walang anumang bagay na nakasabit. Manatili sa loob hanggang sa huminto ang lindol at lumabas kung ito’y huminto na.
2. Maghanap ng open area.
Kung nasa labas ka, ang pinakaligtas na lugar ay open area na malayo sa mga gusali, puno, ilaw sa kalye at linya ng kuryente. Mag-drop sa lupa at manatili hanggang sa tumigil ang pagyanig.
Larawan mula sa Shutterstock
3. Huminto sa pagmamaneho kung nasa loob ng sasakyan.
Huminto sa lugar na walang gusali at mga puno. Huwag tanggalin ang seatbelt. Manatili sa kinauupuan hanggang sa huminto ang lindol.
Dapat gawin PAGKATAPOS ng lindol
1. Isama ang mga bata sa clean-up recovery
Pagkatapos ng lindol, isama ang mga bata sa mga aktibidad sa paglilinis kung ligtas itong gawin. Magdudulot ito ng aliw sa mga bata. Nagbibigay ito ng recovery sa kanilang emosyon habang nakikita ang pamilya na bumabalik na sa normal ang kalagayan.
2. Makinig sa mga bata.
Hikayatin ang iyong anak na ipahayag ang damdamin ng takot, pagkabalisa o galit. Makinig nang mabuti, magpakita ng pang-unawa, at magbigay ng katiyakan.
Sabihin sa iyong anak na ang sitwasyon ay hindi permanente, at magbigay ng pisikal na katiyakan sa pamamagitan ng oras na kasama siya at pagpapakita ng pagmamahal.
Makipag-ugnayan sa mga lokal na organisasyon, boluntaryong organisasyon, o mga propesyonal para sa pagpapayo kung kailangan ng karagdagang tulong.
Source:
savethechildren.org, Carson.org
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!