Mahirap magkaroon ng allergy lalo na sa ating mga baby. Kaya naman bilang magulang, nais nating masolusyonan ito hanggang maaga pa lang. Ngayon, sa tulong ng research, maaari na nating malaman kung anong allergy ang maaaring makuha ni baby habang nasa loob pa lang ito ng tiyan.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Pag-aaral tungkol sa kung paano maipapasa ng nanay ang allergy sa fetus
- Ang findings na ito ay maaaring makatulong sa prevention
- Allergy ng baby
Allergy ng baby, maaaring nakuha sa nanay habang nagbubuntis | Image from Unsplash
Nalaman sa isang pag-aaral na inilimbag sa Science by the Agency for Science, Technology and Research (A*STAR), KK Women’s and Children’s Hospital (KKH) at Duke-NUS Medical School sa Singapore na maaaring maipasa ng nanay habang buntis ang kaniyang allergy sa baby nito.
Allergy ng baby, maaaring nakuha sa kanilang nanay
Bilang parte ng testing, gumamit ng animal model ang mga scientist na bagong panganak na daga at ang nanay nito. Nalaman sa pag-aaral na ito na ang immunoglobulin E (IgE), isang antibody na may kaugnayan sa allegic reaction ng katawan ay naipapasa sa placenta papunta sa fetus. Ito ang dahilan kung bakit sumasama ang antibody na ito sa immune cells ng fetus na responsable sa pagpapakawala ng kemikal na umuugnay sa allergic reaction katulad ng asthma at runny nose.
Nang ipinanganak ang baby mice, napagalaman na ito ay nagkaroon ng kaparehong allergic reaction kaatulad sa mother mice. Dagdag pa rito, mas na-tigger ang allergens ng newborn mice sa unang exposure niya.
Allergy ng baby, maaaring nakuha sa nanay habang nagbubuntis | Image from Dreamstime
Ayon pa kay Dr. Florent Ginhoux, ang senior co-author ng nasabing pag-aaral,
“There is currently a significant lack of knowledge on mast cells that are present early on in the developing foetus. Here, we discovered that foetal mast cells phenotypically mature through the course of pregnancy. And can be sensitised by IgE of maternal origin that crosses the placental barrier. The study suggests that a highly allergic pregnant mother may potentially transfer her IgE to her baby that consequently develop allergic reactions when exposed to the first time to the allergen.”
Bilang resulta ng pag-aaral, ang maternal IgE ay maaaring pumunta sa placenta at posible rin na mangyari sa tao.
BASAHIN:
Sintomas, gamot at sanhi ng food allergy sa bata
STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak
STUDY: Mga pagkaing nakaka-allergy dapat ibigay agad sa mga babies
Ang protina na FcRN ay malaking ginagampanan sa IgE transfer process. Ang mga daga na walang FcRN ay nalamang wala rin na maternal IgE sa kanilang mast cell. Ito ang dahilan kung bakit walang allergy silang nakukuha kapag ipinanganak sila.
Ang findings ay makakatulong sa prevention
Para sa mga researcher, isa itong malaking hakbang para sa bagong strategy kung paano maiiwasan ang pagpasa ng allergy mula nanay hanggang baby. Umaabot na ng 10% hanggang 30% ang porsiyento ng allergy case sa mundo sa patuloy na pagtaas ng kaso nito. Isang solusyon para mabawasan ito ay ang prevention sa pagpasa ng allergy mula nanay hanggang baby.
Allergy ng baby, maaaring nakuha sa nanay habang nagbubuntis | Image from Unsplash
Makakatulong ang pag-aaral na ito sa paghahanap ng ibang impormasyon tungkol sa pagdaan ng IgE sa placenta na diretso sa fetus sa loob ng tiyan ng nanay. Kung paano rin maapektuhan, “the skin physiology after birth.”
“From a clinical point of view, developing a further understanding in placental transfer of IgE, and the mechanism of foetal mast cell activation would be key to developing strategies to reduce the chance of eczema or other allergies from being transferred from mother to baby.”
Ayon ito sa Vice Chair of Research ng Obstetrics and Gynaecology Academic Clinical Programme sa SingHealth Duke-NUS Academic Medical Centre na si Professor Jerry Chan.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!