Epekto ng pesticide sa buntis, baby mas maliit kumpara sa normal. Ito ay ayon sa isang bagong pag-aaral.
Pag-aaral tungkol sa epekto ng pesticide sa buntis
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng National Institute of Child Health and Human Development sa US, ang exposure ng isang buntis sa mga persistent organic pollutants o POPs na tulad ng pesticide ay nakakaapekto sa paglaki ng fetus na nasa loob ng kaniyang sinapupunan.
Natuklasan nila ito matapos pag-aralan at subaybayan ang pagbubuntis ng 2,284 na healthy ba babae magmula sa kanilang first trimester. Sila ay dumaan sa limang ultrasounds para ma-assess ang kanilang fetal growth. Habang sinusukat din ang kanilang exposure sa mga persistent organic pollutants.
Ang pagsukat sa exposure ng mga buntis sa mga nasabing organic pollutants ay naisagawa sa pamamagitan ng pag-eeksamin ng kanilang plasma samples. Doon nakita na bagamat matagal ng ipinagbabawal ang ilan sa mga organic pollutants na tulad ng DDT ay traceable parin ito at may epekto parin sa mga tao.
“The take-home message is that even though most of these chemicals have been banned or restricted for decades, they’re still measurable in the human population and we still see effects.”
Ito ang pahayag ni Pauline Mendola. Siya ay isa sa mga researcher na nagsagawa ng pag-aaral na mula sa National Institutes of Health sa Bethesda, Maryland.
Ang ilan pa nga sa organic pollutant na natukoy sa pag-aaral ay perfluorinated at polyfluorinated chemicals. Pati na ang mga flame retardants o polybrominated diphenylethers o PBDEs na tinataglay ngayon ng ilang electronic products, carpets, at foam mattresses.
Mga epekto ng pesticide sa buntis
Ayon sa mga researcher ng ginawang pag-aaral, hindi lamang low-birthweight ng sanggol ang epekto ng pesticide sa buntis. Ang exposure ng mga buntis sa insecticides at nasabing mga organic pollutants ay nakakaapekto sa overall growth ng fetus na nasa loob pa ng sinapupunan. Tulad nalang ng mas mababang abdominal circumference o mas maliit na tiyan, mas mababang femur length o mas maliit na sanggol at mas maliit na fetal head o ulo ng sanggol.
Dagdag ng mga researchers natuklasan nila ang mga epekto na ito sa kabila ng low exposure ng mga buntis sa nabanggit na mga organic pollutants.
Pahayag ng mga eksperto
Maliban naman sa mga natuklasan ng mga researcher ng ginawang pag-aaral, ang iba pang epekto ng pesticides sa buntis ay miscarriage, preterm birth, birth defect at learning problem sa mga bata. Ito ay ayon naman sa Association of Farmworker Opportunity Programs o AFOP.
Sinuportahan naman ang mga pahayag na ito ng isang artikulo ng World Health Organization o WHO. Ayon sa WHO, ang low-level exposure ng mga tao sa organic pollutants tulad ng pesticides ay nagpapataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng cancer at reproductive disorder. Nagdudulot rin ito ng alteration sa immune system, neurobehavioural impairment, endocrine disruption, genotoxicity at birth defects sa isang sanggol.
Tuluyan ng itigil ang paggamit ng mga organic pollutans
Kaya naman payo ng mga eksperto dapat ng gumawa ng hakbang ang gobyerno at international agencies. Upang matigil na ng tuluyan ang paggamit ng mga organic pollutants na ito. Dahil ang mga kemikal na ito ay nadedegrade ng dahan-dahan sa kalikasan at maaring bumalik ng paulit-ulit sa pamamagitan ng food chain. O sa pamamagitan ng pagkain at pagdumi ng tao sa mga pagkaing na-sprayhan ng mga pesticides na taglay ang mg harmful chemicals na ito.
“The results of the present study demonstrated that low exposures do matter. Although the fetal growth decrements found in this study may appear subtle, on a population level in aggregate, these outcomes add up.”
Ito ang isinulat na pahayag ng mga editorialist na sina Marissa Hauptman, MD, MPH, at Blair Wylie, MD, MPH. Sila ay parehong mula sa Harvard Medical School sa Boston, USA.
“The bottom line is that no chemical that persists in the environment should be introduced in the first place. Individuals are unlikely to have much agency to control their own exposure. And therefore rely on governmental bodies and international agencies to create and enforce policies that restrict use of POPs.”
Ito ang dagdag pa nilang pahayag.
Paano makakaiwas sa epekto ng polusyon ang isang buntis
Samantala, upang makaiwas sa epekto ng pollutants ang isang buntis, narito ang mga paraan na maaring gawin:
- Huwag gumamit o umiwas magpunta sa mga lugar na kung saan ginagamit ang pesticides. Tulad sa taniman o palayan at iba pang lugar na maaring ma-expose dito. Iwasan ring kumain ng mga pagkain na nai-sprayhan o ginamitan nito.
- Subaybayan o magbasa tungkol sa Air Quality Index o AQI ng iyong lugar. Saka gumawa ng ibayong hakbang kung lalabas ng bahay tulad ng pagsusuot ng mask. O kaya naman ay pag-iwas na lumabas para mas lalong hindi ma-expose sa polusyon. Dahil maliban sa ating ilong, ang ating balat ay maari ring madikitan ng polusyon.
- Gumamit ng air purifier sa loob ng inyong bahay. Dahil sa tulong nito ay maaring matangal ang mga usok, allergens, molds at germs na nasa hangin.
- Gumamit ng mga natural household cleaners sa bahay. At iwasan rin ang paggamit ng hair spray at pintura. Dahil ang mga ito ay may taglay ng mga nasabing harmful chemicals.
- Magtanim ng air-purifying plants sa inyong bahay. Ang mga halaman na ito tulad ng spider at snake plants ay ninilinis at tinatanggal ang mga volatile organic compounds na taglay ng hangin.
Source: MedPageToday, WHO, American Pregnancy Association, AFOP
Basahin: 4 na bagay na dapat gawin para sa healthy na pagbubuntis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!