Nakapag-desisyon na kayo ng asawa mo na magka-baby? Una sa lahat, congratulations! Ang pagbubuntis ay maaaring maging isa sa pinakamasasayang bahagi ng buhay mag-asawa. May ibang pagbubuntis ay nangyayari lang, habang iba ay plinano. Ang paghahanda ng katawan para sa pagbubuntis ay makakabuti hindi lang para sa iyong baby kundi para sayo din. Kaya kung nagplaplano na magbuntis, ang susunod na dapat ihanda bago magbuntis ay makakatulong i-enjoy ang smooth at masayang pagbubuntis na walang komplikasyon.
Mga bagay na dapat ihanda bago magbuntis
Ang mga babae ngayon ay masgusto ang magpakasal at magka-anak kapag masmatanda na. Maaaring dahil ito sa ilang personal o propesyonal na rason. Ngunit, ayon sa associate professor na si Tan Thiam Chye at Dr TAN Shu Qi ng KK Women’s and Children’s Hospital, mabilis bumababa ang fertility pagdating ng 35 taong gulang. Ang pagkakaroon ng anak kapag masmatanda na ay nagpapataas ng tsansa na magka-genetic abnormality at komplikasyon ang pagbubuntis. Ayon sa mga duktor: “magsimula agad habang nasa prime – sa pagitan ng 20 hanggang 24 taong gulang!” Subalit, kapag masmatanda na, makakatulong ang pagkonsulta sa obstetrician.
Medical check-ups
Kapag nakapagdesisyon na kayong magka-anak, magbook agad ng appointment para sa pre-conception screening test. Mahalaga ito para mabawasan ang panganib ng birth defect at na makunan. Uba, iimbestigahan ng duktor ang iyong medical history. Magtatanong din tungkol sa medical background ng para sa abnormality tulad ng achondroplasia (tulad ng dwarfism). Ang iba pang tests na kasama ay Pap smear, ultrasound ng reproductive system, at blood tests para sa sexually transmitted diseases. Kung hindi pa nabakunahan, maaaring magmungkahi ng bakuna ang duktor laban sa hepatitis B at rubella. Maaari rin siyang mag-reseta ng prenatal supplements tulad ng folic acid, calcium at iron.
Healthy lifestyle at eating habits
Image source: iStock
Mahalaga ang tamang pagtulog at masustansyang pagkain para sa improved na fertility at masiglang pagbubuntis. Magsama ng lean meats, itlog, gulay, prutas, whole milk, mani at yoghurt sa iyong diet. Iwasan ang junk food at dessert para makontrol ang blood sugar levels. Iwasan din ang alak, kape, oily na pagkain, soft drinks, sushi at iba pang hilaw na karne, soft cheese at mga ready-made na sauce. Payo ng fertility specialist na si Dr. Yeong Cheng Toh, “Mahalaga ang paghahanda sa pagbubuntis. Ang lifestyle, kasanayan sa pagkain at pisikal na aktibidad na sinusundan ng mga mag-asawa araw-araw ay makaka-impluwensya sa tagumpay ng pagbuo.”
Magsimula ng exercise routine
Image source: iStock
Ang pag-eehersisyo ay isa sa mga bagay na dapat ihanda bago magbuntis. Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), makakatulong ito sa masmabilis na pagbuo at makakabawas ng komplikasyon sa pagbubuntis. Subalit, pinapayo rin nila na iwasan ang mabigat na pageehersisyo. May ilang aktibidad na maaaring isama sa fitness regime tulad ng jogging, pagtakbo at aerobics. Ang yoga ay isa ring magandang workout para ma-stimulate ang ovaries at uterus. Napapalakas din nito ang blood supply sa reproductive organs, nakakabawas ng stress at anxiety, at nagagawang flexible ang groin at hips.
Magpakasawa sa bakasyon
Kahit pa ang pagbubuntis ay maganda sa pakiramdam, nagiging stressful din ito. Kaya, ito ang tamang oras para magpakasawa sa bakasyon kasama ang asawa o mga kaibigan. Handugan ang sarili ng adventurous na sports tulad ng paragliding, snorkelling, at iba pa. Magbook ng villa, mag-enjoy sa ilalim ng araw, mag-nature walk, at iba pa.
Matapos makabuo, siguraduhin na sundin ang mga bagong natanim sa isip na magagandang kaugalian. Siguraduhin na hindi ma-miss ang mga appointments sa inyong duktor. Panghuli, sulitin ang bawat oras ng priceless at masayang paglalakbay na motherhood.
Source: theAsianparent Singapore
Basahin: STUDY: Nakaka-apekto ang kape sa kalusugan ng ipinagbubuntis