X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#AskDok: May ibig sabihin ba ang hugis ng tiyan ng buntis?

5 min read
#AskDok: May ibig sabihin ba ang hugis ng tiyan ng buntis?#AskDok: May ibig sabihin ba ang hugis ng tiyan ng buntis?

May kinalaman ba sa gender ng baby ang hugis ng tiyan ni Mommy? O may iba pang ibig sabihin ito? Narito ang pagliliwanag ng mga doktor tungkol dito.

May kinalaman ba sa gender ng baby ang hugis ng tiyan kapag buntis? O may iba pang ibig sabihin ito? Narito ang pagliliwanag ng mga doktor tungkol sa paniniwalang nakagisnan na.

Kapag mataas at matulis, lalaki daw ang pinagbubuntis. Kapag mababa at bilog na bilog, babae ito. Depende rin sa kausap, minsan ay may nagsasabing kapag Mababa ay lalaki, at kapag mataas ay babae. Maraming hinuha at hula ang lola, tiyahin, kapitbahay, hilot at mga kamag-anak sa gender ng baby mo, hindi ba? Minsan ay nakikinig at naniniwala ang mag-asawa dahil excited din kasi silang malaman kung ano nga ang gender ni baby.

Bakit nga ba iba-iba ang hugis ng tiyan kapag buntis?

hugis ng tiyan kapag buntis

Image from Freepik

Ayon kay Dr. Nikki Turaray, MD, walang kinalaman sa gender ang baba, taas, o hugis ng tiyan kapag buntis. Kapag sobrang laki ng tiyan, hindi rin ibig sabihin ay malaki at mabigat ang bata.

Sabi nila: Lalaki ang baby kapag mababa ang tiyan at matulis. Ito daw ay dahil sa mas independent ang mga lalaki kaya’t mababa ang pagdadala nito. Mataas kapag babae dahil kailangan ng proteksiyon nito. Maliwanag ang gender stereotype sa paniniwalang ito, kaya’t tinatawanan ng marami. At kapag iba naman ang nakausap mo, maaaring baligtad naman ang hula.

Ang totoo: Ang hugis ng tiyan at taas o baba nito, ay maraming posibleng dahilan o sanhi, pero wala ni isa man sa mga sanhing ito ay may kinalaman sa gender ng baby.

1. Lakas o tigas ng muscles sa tiyan.

Paliwanag ni Dr. Turaray, kung ito ang unang pagbubuntis, o kung malakas ang abdominal muscles ng nagbubuntis, natural na mataas ang puwesto ng baby sa tiyan dahil hindi nababanat o nahihila pababa ang abdominal wall. Kung hindi ito ang unang pagbubuntis, madalas ay nabanat na ang abdominal wall sa nakaraang pagbubuntis, kaya mas mababa ang tiyan. Abdominal musculature ang tawag dito.

hugis ng tiyan kapag buntis

Image from Freepik

Para sa mga Mommies na fit at may abdominal muscles o “tight abs” na tinatawag, mataas ang pagdadala nito ng tiyan kapag buntis dahil matigas o malakas ang abdominal muscles nito.

2. Posisyon ni baby.

Nag-iiba din ang posisyon ng bata sa loob ng tiyan habang sa loob ng 9 na buwan, kaya nag-iiba din ang hugis ng tiyan kapag buntis. Halimbawa, kapag malapit na ang kabuwanan, bumababa na talaga ang bata. Pero kung breach ito o nakaturo ang paa sa puwerta, hindi ito bumababa agad, Kaya mataas pa ang posisyon. Minsan din ay may cord coil, kaya hindi bumababa kahit na kabuwanan na.

Minsan din sa harapan nakatutok ang puwitan ng bata, kaya pwedeng matulis o mabilog. Napakaraming posibleng dahilan, pero ang sigurado ay nag-iiba iba ang hugis nito kada linggo, o kada buwan.

3. Height ni Mommy.

Kung mabilog ang tiyan kapag buntis, ito ay dahil matangkad ang ina. Kapag matangkad ang babae, mas maraming lugar sa itaas at ibaba ng uterus at abdomen, kaya’t mas marming Lugar para makagalaw si baby. Kapag mas maliit si mommy, mas madalas na mababa din ang tiyan at bahagyang matulis. Wala kasing masyadong lugar para galawan ng bata.

Sabi nila: Kapag malaki ang tiyan, malaki ang bata.

Ang totoo: Sinusukat ang tiyan ng buntis o fundal height para masipat ang laki ng sanggol sa sinapupunan base sa gestational age o edad ng pagbubuntis, ayon kay Dr. Turaray at sa Mayo Clinic. Pero ang sukat na ito ay hindi sakto sa aktuwal na timbang ng baby. Kapag inestima ang timbang ng baby sa pamamagitan ng abdominal exam o pagsukat sa tiyan, outline lamang ng baby sa loob ng uterus ang nakakapa.

Katulad ng nabanggit, ang malaking tiyan ay kadalasang sanhi ng mahinang abdominal muscles o kaya ay dahil sa height ni Mommy. May mga pagkakataon din na may muscular tumors o fibroids sa tiyan kaya malaki ito. Hindi naman ito delikado pero nakakadagdag din sa laki ng tiyan. Ang mga fibroids na ito ay dahil na rin sa mga pregnancy hormones, paliwanag naman ni Dr. Arsenio B. Meru, MD.

hugis ng tiyan kapag buntis

Image from Freepik

Kailan ba nakikita ang gender o kasarian ng baby sa sinapupunan?

Malalaman ang gender ng baby sa tiyan ni Mommy sa pamamagitan ng transabdominal ultrasound. Bagamat hindi dinisenyo ang makinang ito para sa “gender prediction”, ito na ang nakasanayang paraan. Dahil na rin sa advanced technology ngayon, may mga ultrasound mula ika-14 linggo hanggang ika-20 linggo pa lang ng pagbubuntis. Mayron Nang 3D at 4D ultrasound ngayon para makakita ng detalyadong “image” ng sanggol. Sa ganitong uri ng mga ultrasound makikita ng doktor ang mga impormasyong kailangan para masuri kung malusog ang bata o kung may komplikasyon.

Sa isang medical article ng LiveScience, pinaliwanag ni Dr. Stephen Carr, MD, direktor ng Prenatal Diagnosis Center at ng maternal-fetal medicine diagnostic imaging sa Women & Infants Hospital sa Rhode Island, Providence, USA, higit sa 90% ang accuracy rate ng ultrasound kung gender prediction ang pag-uusapan. May mga pagkakamali pa din minsan dahil na rin sa posisyon ng fetus sa tiyan at sa liwanag o sharpness ng nakukunang image. May mga pagkakataon na akala ay babae, iyon pala ay nakatago lang ang ari na panlalaki kaya’t hindi naaninag sa ultrasaound.

May mga cell-free prenatal DNA tests din na pwedeng gawin mula sa ika-10 linggo ng pagbubuntis, para ma-eksamin ang fetal cells kung mayroong mga chromosomal abnormalities. Nalalalaman din ang kasarian ng baby sa pamamagitan ng test na ito.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

 

Sources:

Arsenio B. Meru, MD; Nikki Turaray, MD; Dr. Stephen Carr, MD; LiveScience; MayoClinic

Partner Stories
Grab PH, theAsianparent Philippines to enrich parents' shopping experience on everyday essentials
Grab PH, theAsianparent Philippines to enrich parents' shopping experience on everyday essentials
Choose the best for your family only with the best-tasting Jollibee Chickenjoy
Choose the best for your family only with the best-tasting Jollibee Chickenjoy
It’s better at home with Samsung’s exciting new offers
It’s better at home with Samsung’s exciting new offers
Leveled-up convenience: Western Union remittance now available via eCebuana app
Leveled-up convenience: Western Union remittance now available via eCebuana app

Basahin:

#AskDok: Ano ang normal na size ng tiyan ng buntis?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • #AskDok: May ibig sabihin ba ang hugis ng tiyan ng buntis?
Share:
  • #AskDok: Paghilab ng tiyan ng buntis, bakit ito nangyayari?

    #AskDok: Paghilab ng tiyan ng buntis, bakit ito nangyayari?

  • #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

    #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

  • Mas masama ang epekto sa bata kapag nararamdaman niyang  ayaw sa kanya ng sariling ama

    Mas masama ang epekto sa bata kapag nararamdaman niyang ayaw sa kanya ng sariling ama

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

app info
get app banner
  • #AskDok: Paghilab ng tiyan ng buntis, bakit ito nangyayari?

    #AskDok: Paghilab ng tiyan ng buntis, bakit ito nangyayari?

  • #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

    #AskDok: Paano malalaman kung tama lang ang laki ng tiyan ng buntis?

  • Mas masama ang epekto sa bata kapag nararamdaman niyang  ayaw sa kanya ng sariling ama

    Mas masama ang epekto sa bata kapag nararamdaman niyang ayaw sa kanya ng sariling ama

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.