Alamin ang sanhi at lunas ng mga bukol sa leeg

lead image

Iba't-ibang mga sanhi, dahilan, sintomas at paraan ng pagsusuri at pagpapagaling sa iba't ibang klase, tipo at uri ng bukol sa leeg.

Kahit sino ay maaaring magkaroon ng bukol sa iba't-ibang bahagi ng katawan, tulad na ng leeg. Kadalasan, hindi ito senyales ng pagkakaroon ng malubhang karamdaman. Ngunit may mga bukol sa leeg na sintomas ng impeksiyon o pagkalat ng cancer cells. Ating alamin kung ano nga ba ang sanhi ng mga ganitong klaseng bukol.

Karaniwang sanhi ng bukol sa leeg

Ang kadalasan na sanhi ng pagkakaroon ng bukol sa iyong leeg ay ang pamamaga ng mga lymph nodes na nangyayari upang malabanan ang sakit, impeksiyon o mga cancer cells.

Ang pangkaraniwan na lumalabas sa pagsusuri ay hindi delikado ang ganitong buko ngunit posible parin na ito ay dahil sa cancer. Madalas na nagkakaroon nito ay ang may mga edad 50 pataas. Ang paninigarilyo at pag-inom ay kadalasang rason ng pagkakaroon nito.

Marami rin ang nagkakabukol sa leeg dahil sa mga virus. Kabilang na rito ang sipon hanggang sa HIV ay posibleng dahilan para dito.

Ang pagkakaroon ng bukol sa leeg na sanhi ng impeksiyon na dala ng bacteria maaaring gamutin ng pag-inom ng antibiotics.

Marami pang maaaring sanhi ng pagkakaroon ng bukol sa leeg tulad ng allergies, pagbara sa daanan ng laway o kaya naman nakukuha mula pa sa kapanganakan.

19 Posibleng dahilan ng bukol sa leeg

Heto ang 19 bagay na posibleng maging dahilan ng pagkakaroon mo ng bukol sa iyong leeg.

  • Infectious mononucleosis - Bukol na dulot ng Epstein-Barr Virus at karaniwang nakukuha ng mga estudyante sa highschool at kolehiyo.
  • Thyroid nodules - Matigas o puno ng tubig na mga bukol  na nagsisimula sa throid gland.
  • Branchial cleft cyst - Bukol na depekto mula sa pagka-panganak sa isa o dalawang bahagi ng leeg, o sa ibaba ng collar bone.
  • Goiter - Ang bukol na ito ay sanhi ng hindi normal na pag-laki ng throid gland.
  • Tonsilitis - Bukol na sanhi ng impeksiyon sa lymph nodes ng tonsils dahil sa virus o bacteria.
  • Hodgkin's disease - Ang hindi masakit na pagmaga ng lymph nodes na nagdudulot ng bukol.
  • Non-Hodgkin's lymphoma - Bukol na binubuo ng iba't ibang grupo ng white blood cell cancer.
  • Thyroid cancer - Uri ng cancer na kung saan hindi normal ang mga cells sa thyroid at hindi mapigilan ang paglaki.
  • Swollen lymph nodes - Bukol na panlaban ng katawan sa mga sakit, imp -eksiyon, medikasyon at stress.
  • Lipoma - Bukol na malambot at maaaring gumalaw kapag hinahawakan.
  • Mumps (biki) - Pagbukol na nakaka-hawa at sanhi ng mumps virus.
  • Bacterial pharyngitis - Pamamaga sa likod ng lalamunan na dulot ng bacteria o viral na impeksiyon
  • Throat cancer - Pagkakaroon ng cancer sa kahit anong bahagi ng lalamunan.
  • Actinic keratosis - Makapal, nangangaliskis o magaspang na balat na nasa 2cm ang laki
  • Basal cell carcinoma - Tila pantal na may sugat sa gitna na madalas dumugo.
  • Squamous cell carcinoma - Nangangaliskis at mamula-mulang bahagi ng balat na nagiging bukol at tuloy-tuloy na lumalaki.
  • Melanoma - Pinaka-malalang uri ng cancer sa balat na kadalasang nagkukuha ng mga mapuputi.
  • Rubella - Kilala rin sa tawag na german measles.
  • Cat-scratch fever - Nakukuha mula sa mga kalmot o kagat ng mga pusa na may Bartonella henselae bacteria.
  • Ano ang pinanggagalingan ng ganitong klaseng bukol?

Maaring maging matigas o malambot ang mga bukol sa iyong leeg. Maari rin na ito ay nasa taas o ilalim ng balat. May posibilidad rin na ang bukol ay tumutubo sa mga tissue o organ sa leeg.

Importanteng malaman ang pinagmumulan nito upang matukoy kung ano ang mismong sanhi. Maraming pwedeng pagmulan ang mga bukol sa leeg tulad ng:

  • Lymph nodes
  • Thyroid gland
  • Parathyroid gland
  • Laryngeal nerves
  • Kalamnan sa leeg
  • Trachea
  • Larynx
  • Cervical Vertebrae
  • Mga ugat ng sympathetic at parasympathetic nervous system
  • Brachial plexus
  • Salivary glands
  • Mga ugat ng dugo

Pagsusuri ng bukol sa iyong leeg

Ang pagsusuri ay binabase sa nararamdaman na mga sintomas, nakaraang mga sakit at pisikal na pagsusuri. Minsan ay papapuntahin ang mga pasyente sa mga ispesiyalista sa ENT para sa mas detalyadong pagsusuri.

Maaaring ipagsagawa ng X-ray sa sinus o baga, ultrasound sa leeg, o kaya naman ay MRI sa leeg at ulo. Ito ay ginagawa para masigurado ang dahilan at uri ng bukol sa leeg na mayroon ang pasyente.

Paano ito ginagamot?

Ang paggamot sa bukol sa leeg ay magdedepende sa pagsusuri sa sanhi nito. Ang mga bukol na dahil sa mga bacteria ay ginagamot gamit ang antibiotics. Habang ang dahil sa cancer ay dinadaan sa radiation at chemotherapy.

Ang maagang pagtuklas sa bukol sa leeg ay importante upang masmadaling malaman ang sanhi at magawa ang pagpapagaling sa bukol na ito.

 

Source: Healthline

Basahin: Bukol sa mukha ng isang batang babae inaasahang matatanggal ng Sclerotherapy!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner