TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mga panlinis sa bahay, posibleng maging sanhi ng obesity!

4 min read
Mga panlinis sa bahay, posibleng maging sanhi ng obesity!

Sino ba ang mag-aakala na ang pagkakaroon ng malinis na bahay ay posibleng maging sanhi ng child obesity? Paano kaya ito nangyari?

Lahat ng ina ay gustong malinis at palaging maayos ang kanilang bahay. Wala naman yatang tao na gustong tumira sa isang madumi o makalat na tahanan. Ngunit ayon sa isang bagong pag-aaral, posible raw maging sanhi ng child obesity ang pagkakaroon ng malinis na bahay!

Ano kaya ang kinalaman ng malinis na bahay sa child obesity? Ating alamin.

Child obesity, dulot nga ba ng masyadong malinis na tahanan?

Alam niyo ba na hindi lang ang kakulangan ng physical activity at hindi pagkain ng tama ang posibleng sanhi ng obesity? Ayon sa mga bagong pag-aaral, malaki rin daw ang papel ng gut flora o mga bacteria na natatagpuan sa tiyan ng isang tao.

Ang gut flora na ito ay nakakatulong at kailangan ng katawan upang ma-proseso ang ating mga kinakain. Nakakatulong din sila sa pag-proseso ng mga bitamina na kailangan ng ating mga katawan. Sila ang tinatawag na good bacteria, at ito rin ang dahilan kung bakit nirerekomenda ng mga doktor ang pag-inom at pagkain ng mga pagkain na may probiotics.

Bukod dito, napag-alaman rin na nakakaapekto ito sa ating metabolism. Ibig sabihin nito, may kinalaman ang mga bacteria na nasa ating gut flora sa kalusugan at sa timbang ng ating mga katawan.

Napapatay ng mga cleaning products ang ‘good bacteria’

Sa isang pag-aaral na ginawa sa Canada, natagpuan na posibleng sanhi ng obesity ang pagkakaroon ng masyadong malinis na tahanan.

Pinag-aralan ng mga researcher ang gut flora ng mga batang 1 hanggang 3 taong gulang, pati kung madalas gumamit ng mga panlinis sa bahay ang kanilang mga magulang.

Ayon sa kanila, dahil sa madalas na paggamit ng mga panlinis sa bahay o disinfectants, ay bumababa ang levels ng bacteria na nakakatulong para labanan ang obesity. Ibig sabihin, may kinalaman ang mga panlinis na ginagamit sa bahay sa pagkakaroon ng obesity.

Dagdag pa ng mga researcher na ang mga eco-friendly na panlinis ay wala raw ganitong epekto sa gut flora ng mga bata. Tingin nila ay hindi kasi gaanong matapang ang mga eco-friendly na panlinis, kaya hindi nito napapatay ang good bacteria sa paligid na kailangan ng ating mga katawan.

Alagaan ang iyong tiyan!

child obesity

Mabuti sa katawan ang mga pagkain na puno ng probiotics, tulad ng yogurt. | Source: Pixabay.com

Malaki ang silbi ng malusog na gut flora sa kalusugan ng buong katawan. Ngayon, alam na ng mga doktor at siyentipiko kung gaano kahalaga ang good bacteria sa mga tao. Kung dati ay dapat walang bacteria ang katawan, ngayon mas pinahahalagahan ang pagkakaroon ng good bacteria sa tiyan.

Kaya mahalaga rin na alagaan natin ang ating mga tiyan at siguraduhing malusog ang ating gut flora. Kaya’t heto ang ilang tips para sa malusog na tiyan:

  1. Umiwas sa processed foods. Mas malusog sa gut flora ang pagkain ng mga sariwang pagkain, at hindi rin mabuti sa katawan ang pagkain ng mga processed foods.
  2. Kumain ng gulay, beans, at prutas. Ang mga gulay, beans, at prutas ay nakakatulong sa gut flora sa iyong tiyan. 
  3. Kumain ng fermented foods. Ang mga pagkain na tulad ng yogurt, kimchi, at iba pang mga probiotic food ay nakakatulong para palakasin ang gut flora.
  4. Bawasan ang pagkain ng karne. Mahalaga ang pagkain ng karne sa ating kalusugan, pero kung puro ito lang ang iyong kinakain, ay hindi rin ito mabuti. Mas mabuti pa rin ang pagkain ng mga gulay at prutas upang maging malusog ang ating tiyan.
  5. Kumain ng iba’t-ibang uri ng pagkain. Ang good bacteria ay natatagpuan sa iba’t-ibang uri ng pagkain. Kaya mas maganda kung sumubok ng iba’t-ibang mga putahe at pagkain upang masiguradong malakas ang iyong gut flora.

 

Source: Healthline

Basahin: Batang babae naparalisa dahil sa isang baso ng tubig

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Mga panlinis sa bahay, posibleng maging sanhi ng obesity!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko