Ano kaya ang iyong gagawin kung ang unang ultrasound mo ay nag-expect kang isa lang ang iyong anak at pagbalik mo ay nalaman mong magkakaroon ka ng kambal? Alamin kung ano ang mono mono twins at ang experience ng isang mommy tungkol dito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Mom experience with her mono mono twins
- Gustong tumaas ang chance na magkaroon ng twins? Alamin ang iba’t ibang factors para magkakambal
Mom experience with her mono mono twins
Kakaibang saya naman talaga ang magkaroon ng twins sa pamilya lalo na kung identical pa ang mga ito. Lubos na pinaghahandaan ng parents ang kanilang matchy-matchy clothes at kung ano pang gamit nila. Para sa isang mommy, kakaiba ang naging experience niya kung paano siya nagkaroon ng twins.
Sa isang viral na video ng sa Tiktok na mayroong 21.9 million views, sinubukan ni Lex Ginger ang challenge na “put a finger down.” Dito niya ibinahagi ang rare experience ng isang pregnant mommy tungkol sa pagkakaroon ng kambal. Agad naman pinag-usapan ito ng netizens dahil sa kakaibang kuwento na bihirang naririnig sa mga nagbubuntis. Ang ganitong kundisyon daw ayon sa doktor niya ay “mono mono twins.”
Ano ang mono mono twins?
Sa pagbibigay ng depinisyon ng Twins Research Australia, ang mono mono twins o ‘MoMo twins’ ay isang sitwasyon kung saan ang embryo ay nahahati para sa dalawang identical twins matapos mabuo ng amniotic sac kaya nai-enclose ang kambal sa iisang sac.
“‘Monochorionic/monoamniotic’ literally means one chorion (the outer membrane) and one amniotic sac (the fluid surrounding the foetus). MoMo twins are identical and occur in approximately 1 percent of pregnancies about day nine after fertilisation.”
Dagdag pa nila, nadi-detect lang daw ito sa pamamagitan ng ultrasound. At kinakailangan ng maingat na pagmomonitor dahil ito ay delikadong kundisyon.
“The only way to detect MoMo pregnancies is via ultrasound.”
“Early diagnosis is important as complications can arise which warrant careful, regular monitoring. The most significant dangers relate to cord entanglement and/or compression and twin-to-twin transfusion.”
Ganitong-ganito ang naranasan ni Lex, kung saan base sa kanyang kuwento kasagsagan daw na 6 weeks pregnancy nang magpunta siya sa kanyang Ob-Gyn. Dito raw ay nakitang mayroong siyang one egg at one yolk sac. Makalipas daw ang isang linggo ay bumalik siya dahil sa malalang morning sickness.
“And then you go to the doctor and the doctor goes, ‘Oh let’s do a scan, we might as well because you’re here’. And then they do the scan and they keep looking and they keep looking and they keep looking and they keep looking…”
Image from Pexels
Matapos daw ang paghahanap ay nakitang magkakaroon siya ng kambal na labis niya raw ikinagulat dahil doon sa kaniya ipinaalam na siya ay nagdadala sa kaniyang sinapupunan ng kambal.
“And then they look at you and say, ‘You’re having twins’, but they don’t say it in a happy way, and you immediately tell them that you aren’t having twins because last week you weren’t and then this week you can’t… they just don’t multiply like that.”
Kasabay raw nito ang isang malungkot na balitang malabo raw na makaligtas ang kambal. 50% lang daw ang chance ng mga kambal na mabuhay.
“And it’s a really terrible pregnancy and at 24 weeks you’ll be hospitalised for two months…. most people don’t make it to 24 weeks, I’ll be honest with you, you’re probably not going to make it anyway.”
Sa kabila ng opinyon na ito ng doktor, tagumpay na naisilang ang kambal ni Lex. Marami naman ang natuwa dahil sa healthy at masasayang picture na shinare ni Lex sa social media.
Gustong tumaas ang chance na magkaroon ng twins? Alamin ang iba’t ibang factors para magkakambal
Maraming parents ang gustong magkaroon ng twins. Walang tiyak na dapat gawin upang masigurong magkakaroon ng kambal. Samantalang, narito naman ang ilang tips at factors para tumaas ang chance na magkaroon ng ganito:
- Pagkakaroon ng history ng twins sa pamilya – Ito ang madalas na dahilan kung bakit nagkakaroon ng kambal.
- Pagiging matanda ng edad – Mas mataas ang chance na magkaroon ng kambal kung magbubuntis sa edad na 30 years old.
- Pagiging matangkad at pagkakaroon ng mataas na timbang – Mas malaki at much better ang resources para sa mga babaeng malalaki ang body size upang makapagdevelop ng fetus na kambal.
- Base sa lahi – Minsan ay nakadepende din ito sa race ng isang tao. Katulad na lang sa report ng American Society for Reproductive Medicine. Kung saan nakita na ang mga Hispanic women ay mas may malaking tsansa na magkaroon ng twins.
- Pagsubok ng fertility treatment – Mas mataas din ang chance kung susubok sa iba’t ibang fertility treatments tulad ng In Vitro Fertilization (IVF).
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!