Pokwang hindi napigilang sagutin ang nang-bash at nanlait na netizen sa 4-year-old daughter niyang si Malia. Komedyante may banta sa naturang netizen.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Sagot ni Pokwang sa basher ng 4-year-old daughter niyang si Malia
- Paano mapoprotektahan ang iyong anak mula sa cyberbullying
Sagot ni Pokwang sa basher ng 4-year-old daughter niyang si Malia
Image from Pokwang’s Instagram account
Hindi natin mapipigilan ang isang tao na magsalita ng negatibo sa sinuman. Ito ay kanilang opinyon o paniniwala na mahirap mang intindihin kung minsan ay wala tayong magagawa. Pero para sa mga magulang, hindi ito nakakatuwa kapag ang anak na nila ang nagiging biktima.
Lalo na para sa isang ina na gagawin ang lahat para sa anak niya. Tulad ng komedyanteng si Pokwang na kamakailan lang ay sinagot ang isang netizen na nanlait sa anak niya.
Base sa Twitter post ni Pokwang nitong April 16 ay makikita ang screenshot ng hindi kaayang-ayang komento ng basher sa video ng anak niyang si Malia.
“Habang lumalaki pumapanget gaya ng nanay.. sana wag mamana ugali ng nanay na panget din.”
Ito ang sabi ng naturang basher sa anak ni Pokwang na hindi syempre ay pinalampas ng komedyante. Sinagot niya ito at ang banta niya sa korte na sila maghaharap sa pambu-bully na ginawa nito sa anak niya.
“ok nurse ka pala? noted this see (you) in court bullying innocent child ok.”
Ito ang sagot ni Pokwang sa basher ng 4-year-old daughter niyang si Malia na nag-deactivate na ng Instagram account.
Samantala, sa original Instagram post ni Pokwang kung saan tampok ang video ni Malia na nag-komento ang naturang basher ay bumaha rin ang suporta sa kaniya ng mga netizens.
Ayon sa ibang netizens, totoo ang mga sinasabi ni Malia sa naturang video na siya ay beautiful and smart tulad ng kaniyang ina. At hindi niya dapat hayaang makaapekto sa kaniya ang sinasabi ng iba. Lalo na kung ito ay negatibo at hindi naman totoo.
“You’re super duper beautiful and smart Malia, like your Mom.”
“Yes Malia you are smart and beautiful, don’t let anyone put u down, don’t mind what other people say. Always remember that your family loves you so much and that’s enough reason for u to be happy.”
Habang may isang netizen naman ang sinabing hindi tama ang bullying lalo na sa maliliit na batang tulad ni Malia. Kaya ang suporta niya para kay Pokwang at Malia. Dahil siya mismo ay biktima noon ng bullying at alam niya ang epekto nito sa isang bata.
“I stand for no child bullying. Let’s keep them away from evil and demon people. Love and support @itspokwang27 @malia_obrian.”
“I myself experienced that as well and what worse is I experienced that bullying to my teacher in grade school. Very traumatizing.”
Ito ang sabi pa ng isang netizen na suportado ang komedyanteng si Pokwang sa naging sagot nito sa basher ng anak niya.
Image from Pokwang’s Instagram account
BASAHIN:
Pokwang sa hinaing sa mga kapatid: “May anak din akong binubuhay… Hindi puwedeng habang buhay karga-karga ko sila.”
Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ibinangon ang negosyo: “Kahit po matulog kami sa tindahan, huwag lang magsara”
Cesar Montano may love advice kay Diego Loyzaga: “He has to treat every girl right, especially the one na mapupusuan niya.”
Paano mapoprotektahan ang iyong anak mula sa cyberbullying?
Ang unang paraan para maiiwas ang iyong anak mula sa cyberbullying ay ang hindi siya i-expose dito. Ayon nga sa American Academy of Pediatrics (AAP) ay dapat iiwas muna ang isang bata na 18 months old pababa sa mga gadgets at paggamit ng social media.
Sa oras naman na siya ay magdalawang taon na ay dapat one hour or less lang ang exposure niya sa mga ito. At ang mga dapat na pinapanood niya lang o na-access sa mga ito ay mga programa na nag-iimprove ng kaniyang cognitive, literacy at social outcomes.
Pero hindi sa lahat ng oras ay mamo-monitor natin ang ating mga anak. Bagamat may magagawa tayo para ang cyber bullying ay hindi makaapekto sa kaniyang development bilang isang bata. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Magbigay ng boundary o limit sa paggamit ng mga gadgets at social media sa iyong anak. Iwasan rin silang maging masyadong attached sa mga ito. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-encourage sa kanilang gumawa ng physical activities.
- Magkaroon ng open communication sa iyong anak o tabihan sila sa oras na sila ay gumagamit ng gadget o social media. Maging available sa kaniya sa oras na may tanong siya at para iyong maipaliwanag ang mali at tama.
- Maghanap ng mga teachable moments sa mga napapanood o nakikita niya online. Gamit ang mga moments na ito ay ipaliwanag sa kaniya kung bakit hindi siya dapat masyadong nagbabad online. Pati na kung ano ang dapat niyang gawin sa oras na may nang-bully sa kaniya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!