Ikinwento ni Judy Ann Santos at asawa nitong aktor at TV host na si Ryan Agoncillo ang pinagdaanang pagsubok ng kanilang restaurant business. Ito’y matapos silang maapektuhan ng mga lockdown dulot ng pandemic.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Food business ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo
- Negosyo ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sinubok ng pandemic
Larawan mula sa Judy Ann Santos PH Facebook account
Food business ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo
Noong May 2019 nang magpasya ang mag-asawang sina Judy Ann Santos-Agoncillo at Ryan Agoncillo na magbukas ng kanilang restaurant business kung saan nag-ooffer sila ng iba’t ibang Filipino dishes.
Pinangalanan nila itong Angrydobo at unang hinanapan ng puwesto sa Taft, Avenue Manila. Hindi lumipas ang isang taon ay nagkaroon naman sila ng panibagong branch sa Westgate Mall sa Muntinlupa City noong December 2019.
Madali at maayos naman daw ang pagsisimula ng kanilang negosyo. Malaking tulong din daw na ito ay isa ring family business kaya hindi lang silang dalawa ang nagma-manage. Tinutuwangan din kasi sila ng kapatid ni Ryan Agoncillo na si Dondee Agoncillo maging ng asawa nitong si Maloo Agoncillo.
Sila raw kasi ang nasa business side, habang si Ryan naman sa marketing at ang asawa nitong si Juday naman ang nasa industrial na part.
Hindi raw nila aakalaing susubukin ang kanilang restaurant business sa maagang panahon ng pamamalakad nito. Ilang buwan lamang kasi mula nang magbukas ang kanilang una at pangalawang branch ng Angrydobo ay natamaan ng pandemic ang bansa kung saan labis na naapektuhan ang halos lahat ng negosyo.
Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos
BASAHIN:
Judy Ann Santos nagpayo sa mga kapwa mommy: “Just be yourself”
Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”
Kristine Hermosa binawal panonood ng TV sa mga anak: “Masyado pang maaga para ma-pollute ‘yong utak”
Negosyo ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sinubok ng pandemic
March 2020 nang magsimulang magdeklara ng lockdown sa bansa dahil sa pandemic. Dito rin nasubok ang maraming negosyo, ang iba ay nalugi, ang iba ay nag-survive ngunit ang iba naman ay tuluyan nang nagsara. Hindi rin nakaligtas dito ang business ng mga artista, kasama na ang mag-asawang restaurant owner na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Sa isang video sa YouTube na pinamagatang ‘Kapamilya Journeys of Hope’ kasama si Father Tito Caluag ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pinagdaanan sa negosyo noong mga panahong ito.
Nabigla raw ang mag-asawa sa nangyari dahil kakasimula pa lamang ng kanilang business at kapwa kinakapa pa nila ang mga dapat gawin para dito ngunit nakadaupang-palad agad nila ang ganitong pagsubok.
Dinoble raw ni Judy Ann Santos ang kanyang effort para sa negosyo at bumuo ng maraming recipes. Ayon sa aktres ang pangyayari raw na iyon ay tinulak sila upang lumikha ng maraming bagong bagay para sa restaurant,
“It was very challenging but it was our moment to be creative to survive and to thrive.”
Larawan mula sa Angrydobo Facebook account
Noong nasa posisyon daw sila ng pagkabigla sa pandemic hindi raw nila agad inisip na sila ay magsasara. Ito’y dahil gusto talaga nila itong ipagpatuloy. In-expect na raw nila na hindi na lamang dalawang linggo ang lockdown.
At nagkakatotoo nga dahil sa tumagal ito at umabot pa ng ilang buwan. Sa mga panahon din daw ito ng lockdown ay sarado ang kanilang negosyo.
Ayon kay Ryan Agoncillo nang magsimula raw na lumuwag na ang lockdown ay dito nagkaroon na sila ng mga opportunities.
“When things started opening up, the opportunities were there.”
Lakas ng loob na pinagdesisyunan nilang apat kasama ang ka-business partner nilang kapatid ni Ryan Agoncillo na magsu-survive ang Angrydobo. Guided daw ang kanilang desisyon dahil pare-pareho sila ng pasya kasama ng kanilang mga staff.
“Kahit po matulog kami sa tindahan, huwag lang magsara.”
Ganito raw ang sakripisyo at pangakong ibinigay ng kanilang empleyado para sa kanilang business na Angrydobo.
Ayon din kay Ryan, ang naging lakas ng loob nila ay ang isa’t isa kaya nagpatuloy pa rin sila na i-operate ito sa kabila ng mga nangyari. Sa kanilang mga empleyado raw nasilayan ni Ryan ang humugot ng pag-asa.
Kaya nga ito ang lesson na hindi niya malilimutan na natutunan niya noong panahon ng pandemic na nasa matinding pagsubok ang kanilang negosyo.
“Ako I’m so proud on how Judy Ann responded to the challenge.”
Isinigit din ni Ryan Agoncillo kung gaano siya kahanga sa kanyang asawa dahil sa pagtugon nito sa maraming pangyayari sa kanilang business. Saludo siya sa sakripisyo nito bilang new entrepreneur at bilang ina.
Kasama ang sister-in-law niyang si Maloo Agoncillo, tinutukan daw talaga ng dalawang babae ang business. Dahil naging busy kapwa si Dondee Agoncillo sa business at si Ryan naman sa trabaho.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!