Ikinuwento ni Kristine Hermosa ang kaniyang pinagdaanan buhat noong maging ganap na ina sa lima nilang anak ni Oyo Boy Sotto.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Kristine Hermosa sinakripisyo ang celebrity status para sa mga anak
- Adjustment ni Kristine Hermosa sa pandemic
- Kristine sa pagdidisiplina ng kanilang mga anak ni Oyo Boy
Kristine Hermosa sinakripisyo ang celebrity status para sa mga anak
Sa panayam ni Boy Abunda kay Kristine Hermosa sa YouTube channel ng talk show host, napagkwentuhan nila ang pagiging ilaw ng tahanan ng dating celebrity.
Isa sa napag-usapan nila ay ang pagtigil sa showbiz ni Kristine matapos itong bumuo ng pamilya kasama ang kanyang mister na si Oyo Boy Sotto.
Ayon kay Kristine, ang pagtigil sa pag-acting ay kanyang naging personal choice dahil pakiramdam niya’y tumodo siya sa pagkayod noon.
Lahad pa ng dating aktres, nawala ang kanyang childhood dahil sa trabaho, ngunit pasalamat siya dahil sa kung nasaan na siya ngayon.
Kung may balak ba siyang bumalik sa pag-aartista, sinabi ni Kristine Hermosa na sa ngayon ay mas naka-focus muna siya sa pagiging isang ina sa kanyang mga anak.
Hindi rin niya muna mahahati ang oras niya kung sakaling pasukin niyang muli ang showbiz dahil bata pa ang kanilang mga anak.
“Ngayong maliliit pa ang anak ko, masasabi ko na hindi ko siya pwedeng gawing hati-hati.”
“Mas pinipili ko to stay with them, alalayan sila hanggang sa lumaki sila.”
Larawan mula sa Instagram account ni Kristine Hermosa
Lima na ang anak nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Ang kanilang bunso na si Vittorio Isaac ay ipinanganak noong August 3, 2021.
Hayag pa ni Kristine, hindi naging madali ang pagtataguyod ng buhay pamilya at maraming challenges. Ngunit aniya, dahil mahal niya ang kanyang ginagawa ay mas nagiging komportable siya dito.
“Pag mahal mo ‘yung ginagawa mo — which I love being a mom and a wife — nagiging madali.”
Naging malaki rin ang impact kay Kristine matapos siyang maging isang ganap na ina. Kwento niya, ngayon niya nare-realize ang sakripisyong kailangang gawin ng isang mother para sa kanilang mga anak.
“Mas na-appreciate ko ‘yong nanay ko, nanay ni Oyo, lahat ng nanay sa mundo. Sabi ko, “Grabe pala ‘yong pinagdadaanan nila… very ano sila, selfless. Hindi bale nang mawalan ng oras for themselves to serve their children.”
Ito ang pahayag ni Kristine at naging emosyonal sa pagbabahagi ng kanyang realizations bilang isang ina.
Marami rin daw adjustments na nangyari sa kanyang buhay noong maging mommy na siya. Ayon kay Kristine, nagbago ang kanyang oras ng gising, fashion at kanyang katawan. Apektado rin daw ang kaniyang hormones.
Larawan mula sa Instagram account ni Kristine Hermosa
Adjustment ni Kristine Hermosa sa pandemic
Pasalamat si Kristine Hermosa dahil hindi masyadong naapektuhan ang kaniyang mga anak noong nagkaroon ng pandemic.
Ito’y dahil mahilig nang mag-bonding sa kanilang bahay ang kanilang pamilya ni Oyo Boy Sotto. Kaya naman happy pa rin ang kanilang limang anak kahit hindi makalabas dahil sa nangyaring health crisis.
Ngunit paliwanag ni Kristine, may time na naghahanap rin sila ng ibang tao na makakahalubilo tulad ng kanilang mga pinsan. Tinatagan na lang nila ang kanilang loob at hinintay na lumipas ang pandemya.
“Nagi-enjoy naman sila ng sama-sama at naglalaro sila. Mas nagiging creative sila.”
Isa rin sa sinasandalan ng pamilya nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto ang kanilang pananampalataya sa Panginoon. Inugali na rin nila ang sabay-sabay na pagdarasal na buong pamilya.
“Ang hirap to go through your day without starting with a prayer, and ending with a prayer. So sabi namin sa kanila, tinuturuan namin sila na, “Magdasal ka kasi muna, kaya hindi rin smooth ang araw because we don’t pray.””
BASAHIN:
Oyo Sotto to wife Kristine Hermosa: “Yong bahay, hindi ito magiging tahanan o magiging home kung wala siya.”
Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”
Judy Ann Santos sa paggamit ng gadgets ng mga anak niya: “Ang mga anak namin they don’t have any cellphones, wala silang social media.”
Kristine sa pagdidisiplina ng kanilang mga anak
Ang parenting style pareho nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto ay sila ay kapwa disciplinarian. Lahad ni Kristine, kailangan nilang ipaintindi sa kanilang mga anak na ‘discipline is good’.
“Ine-explain namin sa kanila na discipline is good. So sinasabi namin sa kanila na, “When we correct you guys, it is for your own good.””
Para rin kay Kristine, kailangan daw na magkaroon ng disiplina na may kasamang pamamalo. Pero sinisiguro nila na kailangang ma-explain nila kung bakit nila ito ginagawa bilang magulang.
Kinaklaro rin nila sa mga anak na hindi sila ‘bad’ dahil sila ay napalo. Kailangang maintindihan na ang actions nila ang masama kaya nadidisiplina.
Larawan mula sa Instagram account ni Kristine Hermosa
Hinihigpitan din nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto ang kanilang mga anak pagdating sa gadgets. Kung may gustong tingnan o panoorin ang kanilang mga anak sa internet ay kailangan muna nilang i-check na mag-asawa.
Hindi rin nila pinapayagan ang mga anak na gumamit ng gadget sa weekdays para matuon ang atensyon sa pag-aaral.
Pagdating naman sa panonood ng telebisyon, hindi talaga nila pinapayagan ang mga anak na manood nito.
“Masyado pang maaga para ma-pollute ‘yong utak. Although dadating naman sa point na ilalabas din namin talaga sila sa mundo. Pero at this point, gusto namin ‘yong foundation nila, matibay.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!