TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Oyo Sotto to wife Kristine Hermosa: “'Yong bahay, hindi ito magiging tahanan o magiging home kung wala siya.”

6 min read
Oyo Sotto to wife Kristine Hermosa: “'Yong bahay, hindi ito magiging tahanan o magiging home kung wala siya.”

Oyo nag-propose ng kasal kay Kristine kahit hindi niya ito girlfriend noon. Fast forward sa ngayon, happy family of seven na sila.

Oyo Sotto at Kristine Hermosa engagement naganap kahit magkaibigan lang sila noon. Ang kakaibang love story nila, alamin sa artikulong ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Oyo Sotto at Kristine Hermosa engagement story.
  • Kristine Hermosa at Oyo Sotto bilang mag-asawa.

Oyo Sotto at Kristine Hermosa engagement story

Oyo Sotto at Kristine Hermosa engagement

Image screenshot from YouTube video

Pagdating sa buhay husband and wife ng mga sikat na celebrity, isa sa mga kinaiinggitan ng marami ay ang buhay ng mag-asawang sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa.

Sapagkat sa ngayon, kahit sila ay may lima ng anak ay tila walang nagbago sa pagtitinginan nilang dalawa. Kung makikita sa mga social media post nila ay masasaksihan kung gaano kasaya ang binuo nilang pamilya.

Sa panayam sa kanila ng host na si Toni Gonzaga ay idinetalye ni Oyo at Kristine ang kakaiba nilang love at engagement story. Dahil si Oyo nag-propose ng kasal kay Kristine kahit hindi niya naman ito girlfriend noon.

Kuwento ni Oyo, taong 2004 ng magkakilala sila ni Kristine habang gumagawa ng isang pelikula. Nasundan pa ang pagsasama nila sa pelikula na naging daan para maging magkaibigan sila.

Noong mga panahong iyon ay may karelasyon si Kristine at si Oyo ang isa sa laging nagpapayo sa kaniya. Pero si Oyo pala ay may iba ng pagtingin kay Kristine.

Hanggang sa tuluyang makipaghiwalay si Kristine sa karelasyon niya noon. Nanatili ang pagkakaibigan nila ni Oyo. Si Oyo mas lumalim ang nararamdaman para kay Kristine. Habang si Kristine ay nagsisimula na palang magkaroon ng feelings para kay Oyo na hindi niya pa noon maintindihan.

Oyo nag-propose ng kasal kay Kristine kahit hindi niya naman ito girlfriend

Oyo Sotto at Kristine Hermosa

Image from Kristine Hermosa’s Facebook account

Pero si Oyo, sumugal na ipaalam ang nararamdaman niya kay Kristine kasabay ng pagpo-propose nito ng kasal sa aktres. Ang proposal naganap sa birthday ni Kristine at sa harap ng mga pinsan ni Oyo at iba pang kasama nila sa isang bible study group.

Ito ay biglaang pumasok lang sa isip ni Oyo. Bagamat pag-amin niya, ay may pinagawa na siyang singsing noon para kay Kristine.

“Noong time na iyon nagpapagawa na ko ng engagement ring niya. So may engagement ring na dala-dala ko doon sa small group bible study namin.

Pero hindi pa talaga ako sure kung magpo-propose ako sa kaniya. Kasi naiisip ko puwede naman akong hindi mag-propose, gift ko nalang sa kaniya.”

Ito ang natatawang kuwento ni Oyo sa pagpoprose niya noon.

Sa tagpong kakantahan na si Kristine ng “happy birthday” umano saka lumuhod si Oyo at nagpopropose ng kasal.

“Sabi ko I want to honor you. Gusto ko lang magpasalamat sa ‘yo. Sorry sa mga times na na-offend kita, sorry. Pero may isang tanong lang ako. So lumuhod ako nilabas ko ‘yong singsing. Sabi ko will you marry me?,” kuwento ni Oyo.

Si Kristine matapos marinig ito ay napatakbo raw palayo. Kinabahan si Oyo at nanatiling nakaluhod.

“Nagtago ako sa likod ng bahay ni Danica, nagdasal ako. Sabi ko Lord ano ‘to? Hindi namin kami ha bakit siya nagpo-propose?”

Ito naman ang kuwento ni Kristine sa nangyaring proposal sa kaniya ni Oyo. Gulong-gulo raw siya noon. Pero bumalik siya matapos ang ilang minuto at sinabi na ang kaniyang sagot.

“Seryoso nanginginig ako noon. As in ang lamig ng buong kamay ko, paa ko. Tapos sabi ko siyempre lakasan ng loob, kinompose ko sarili ko. Sabi ko bumalik ako, sabi ko sige yes. Try natin.”

Ito ang nakangiting kuwento ni Kristine. Nag-iyakan daw ang mga tao sa paligid nila noon at hindi makapaniwala sa nangyari. Si Oyo nabigla rin sa kaniyang ginawa.

Ito raw ay hindi niya pinaghandaan. Sa katunayan, ang pinambili niya ng singsing para kay Kristine ay last money niya na. Wala siyang natabing pera para sa pagpapakasal nila at pagsisimula bilang mag-asawa.

“Noong time na binili ko ‘yong engagement ring ni Tin, ayun na ‘yong huling pera ko. Zero na. Naalala ko pa noon tinatanong ako ni Daddy. Saan kayo titira? Sabi ko magre-rent muna kami Dad. Sabi niya sigurado ka? May pangrenta ka ba?”

Ito ang kuwento pa ni Oyo.

BASAHIN:

LOOK: Kristine Hermosa gives birth to fifth child, a baby boy

Kristine Hermosa defends husband Oyo Boy Sotto from online bashing

Kristine Hermosa to Oyo Sotto on their 11th anniversary: “Ang sarap mong kasama sa buhay”

Oyo Sotto and Kristine Hermosa married life

Oyo Sotto at Kristine Hermosa kasama ang mga anak nila

Image from Kristine Hermosa’s Facebook account

Naikasal si Kristine at Oyo noong January 12, 2011. Sila ay may limang anak na ngayon. Ayon kay Kristine, bagama’t biglaan at wala silang relasyon ni Oyo ng mag-propose ito ng kasal ay wala siyang naging pagsisisi sa naging desisyon niya.

Pagbabahagi pa ni Kristine,

“Kapag tinitingnan ko siya and looking back sa naging buhay ko in the past., sabi ko God thank you. Thank you kasi you spared me.

Alam mo kung hindi mo ako iniwas doon sa mga wrong decisions in the past at talagang nagmatigas pa ako ng ulo hindi ito ‘yong mapapangasawa ko. Hndi kami magkakaroon ng ganitong anak. So no regrets, thank you God sabi ko.”

Sa ngayon, bilang mag-asawa ay aminado sina Oyo at Kristine na tulad din sila ng ibang mag-asawa. Sila’y nag-aaway at hindi nagkakaintindihan.

Pero pinili nila ang isa’t isa kaya naman sila ay committed hindi lang bilang husband and wife. Kung hindi pati na rin bilang ama at ina sa mga anak nila.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Pagkukuwento pa ni Oyo,

“Hndi araw-araw mahal mo yung asawa mo, kahit si Kristine Hermosa pa to. Kahit gaano kaganda at ka-sexy ang asawa mo, hindi mo araw-araw yan mamahalin. Naniniwala talaga ako na ang love hindi siya feelings e. Love is a decision, it’s really a decision. It’s a choice.”

Dagdag pa niya kung may isang word nga raw para ma-describe niya si Kristine. Ito raw ay ang salitang gorgeous.

“Gorgeous in every way. Kasi how she handles ako, she’s very patient with me. Saka yung pagpapatawad niya sakin, how she handles our kids. Yung bahay, hindi ito magiging tahanan o magiging home kung wala siya.”

Ito ang pagsasalarawan ni Oyo sa misis na si Kristine.

 

Image from Kristine Hermosa’s Facebook account

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Oyo Sotto to wife Kristine Hermosa: “'Yong bahay, hindi ito magiging tahanan o magiging home kung wala siya.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko