X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Kristine Hermosa to Oyo Sotto on their 11th anniversary: "Ang sarap mong kasama sa buhay"

5 min read
Kristine Hermosa to Oyo Sotto on their 11th anniversary: "Ang sarap mong kasama sa buhay"

Oyo nag-propose ng kasal kay Kristine kahit hindi niya ito girlfriend. Alamin dito ang kuwento.

Kristine Hermosa at Oyo Sotto ipinagdiwang ang kanilang 11th wedding anniversary.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kristine Hermosa at Oyo Sotto nagdiwang ng kanilang 11th wedding anniversary.
  • Mensahe ni Kristine para sa mister na si Oyo.

Kristine Hermosa at Oyo Sotto nagdiwang ng kanilang 11th wedding anniversary

Kristine Hermosa at Oyo Sotto

Image from Instagram

Nitong Miyerkules, January 12 ay nagdiwang ng kanilang 11th wedding anniversary sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto. Ang araw na ito ay birthday rin ni Oyo. Kaya naman sa kaniyang Instagram account ay may sweet na mensahe si Kristine para sa mister.

Sa bungad ng kaniyang mensahe ay nagpasalamat si Kristine sa mister at sa lahat ng ginagawa nitong pagtitiis at paghihirap para sa kanilang pamilya.

“Today may be a little extraordinary birthday for you but thank you for enduring with me.. Mas lalo kang gumagwapo ‘pag kasama kitang nagtitiis at nahihirapan.. joke!”

Ito ang pabirong sabi ni Kristine na agad niya namang binawi ng matamis na happy birthday at pagsasabi ng “I love you” kay Oyo.

“But on a cheesy note, you are the best thing. Ang sarap mong kasama sa buhay, Hun. I love you so much!!! Happy birthday!!”

Ito ang sabi pa ni Kristine. Sa kaniyang pahabol na mensahe ay pinuri pa ni Kristine ang kagwapuhan ng kaniyang asawa. At kung paano niya hindi akalain na sila ang magkakatuluyan at tatagal ang pagsasama.

“P.S sorry wala akong makuhang solo photo mo, either may kasamang bata, aso or stolen shot kaya malabo (random times where I find you so attractive). Nevertheless, gwapo ka sa lahat. Happy 11th my By!! Sino ba namang magaakala, iba talaga ang plano ni Lord! The best!”

Samantala, sa kaniyang Instagram account ay ang magandang litrato naman ng kaniyang misis na si Kristine ang ipinost ni Oyo. Ang caption ay ito.

“11th I<3U @khsotto Thank you Father God for keeping us together…”

 
View this post on Instagram
  A post shared by Oyo Sotto (@osotto)

Maraming netizens ang kinilig sa birthsary post na ito ng mag-asawa. Ilan na nga sa mga ito ay ang mga celebrities na malapit sa kanila.

kathermosa

Ang sweet!!! Ako lang ba? O Nakakaiyak talaga yung message? HAPPY B TO YOU Oyo and HAPPY A TO YOU BOTH!!! I love you.

Ang mensahe na ito ay mula sa kapatid ni Kristine na si Kath Hermosa.

“Ang simpley ng caption Pero nanonoot,. Happy birthday po.”

“Special man yan or extra ordinary, still blessed birthday sa ama ng tahanan ninyo, more of God’s wisdom, protection and strength.”

“Happy birthday @osotto and happy anniversary to you both @khsotto ! Parang kailan lang ang napakagandang beach wedding! God is truly faithful.”

Ito naman ang reaksyon ng ilang netizens sa anniversary post nina Kristine at Oyo para sa isa’t-isa.

BASAHIN:

LOOK: Kristine Hermosa gives birth to fifth child, a baby boy

Kristine Hermosa defends husband Oyo Boy Sotto from online bashing

Oyo Sotto and Kristine Hermosa’s kids all help with household chores

Love story ni Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto

Kristine Hermosa at Oyo Sotto wedding

Image from Nelwin Uy Photography

Sa isang panayam ay ikinuwento ni Oyo at Kristine kung paano ang naging pagsisimula ng pag-iibigan nila. Ito umano ay nagsimula sa pagiging magkaibigan nila.

Sila ay nagkakilala sa isang church group na kung saan sila ay naging mag-bestfriend rin katagalan. Noong una, hindi umano napapansin ni Kristine si Oyo sapagkat mayroon pa siya noong ibang karelasyon.

Hindi rin pumasok sa isip niya na magiging asawa niya ito. Pero may kakaiba umano siyang nararamdaman noon na kahit siya hindi niya maintindihan.

“Nag-pray ako God sabi ko Lord why I am feeling this way. Hindi ko naman siya nakikita as my future husband pero bakit hindi ko siya kaya na mawala.”

Ito umano ang tanong ni Kristine noon.

Habang si Oyo naman na kaibigan niya lang noon ay may lihim na palang pagmamahal na nararamdaman kay Kristine. Biglaan kahit wala silang relasyon bilang mag-boyfriend at girlfriend, si Oyo nag-propose ng kasal kay Kristine.

Ito ay naganap sa birthday ni Kristine na kung saan biglaan ang lahat ng nangyari. Bagama’t siniguro ni Oyo na may singsing siyang hinanda para kay Kristine.

“Bahala na si God. Basta ito ‘yong nararamdaman ko mag-proprose na lang ako. Kung himindi, hindi para sa akin, kung um-oo edi good.”

Ito raw ang nasabi ni Oyo noong mga oras na mag-propose na siya kay Kristine. Sa harap ng kanilang church mates ay doon hiningi ni Oyo ang kamay ni Kristine para kaniyang maging asawa.

“Pinag-pray ko siya. Ini-honor ko siya. Pagkaluhod ko sabi ko sa kaniya, will you marry me? Nandoon na ‘yong singsing. Biglang tumakbo ang tagal iniwan kami. Bumalik siya putlang-putla si Kristine sabi niya “Yes, yes na nga. Oo na nga.”

Ito ang kuwento pa ni Oyo. At noon ngang January 12, 2011 sila ay ikinasal at naging ganap na mag-asawa. Sila ngayon ay may lima ng anak na sina Kiel, Ondrea, Kaleb, Vin at Vittorio Isaac.

Kristine Hermosa at Oyo Sotto kids

Source:

ABS-CBN

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kristine Hermosa to Oyo Sotto on their 11th anniversary: "Ang sarap mong kasama sa buhay"
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.