Isang bagay na ikinatutuwa ng mga magulang sa bottle feeding ay nasasabi nila kung gaano karaming gatas ang naiinom ng baby. Ngunit, ang kakayahan na malaman kung gaano karami ang naiinom ng baby ay nagiging dahilan para mag-alala ang mga magulang kapag mas kaunti ito sa inaasahan. Sa mga pagkakataong ito ay madalas na tanong ng mga ina ang “bakit ayaw dumede ni baby?”
Ang mga magulang ay nag-aalala kapag naghihinala sila na hindi sapat ang naiinom ni baby. Ngunit kadalasan ay walang dapat ipag-alala. Ang kanilang baby ay umiinom ng sapat na gatas para sa malusog na paglaki, at normal lang na magbago ang dami ng iniinom niya na gatas.
Subalit, may ilang kakaunting kaso kung saan kailangang remedyohan ng mga magulang ang problema na pumipigil sa pagkonsumo ng tamang dami ng gatas.
Image: Shutterstock
Ito ay listahan ng mga karaniwang rason kung bakit ang baby ay hindi umiinom ng inaasahang dami ng gatas.
Bakit ayaw dumede ni baby? Alamin ang mga posibleng dahilan
Bawat baby ay naiiba. Ang mga baby ay iba-iba ang laki at hugis. Lumalaki sila sa kanya-kanyang bilis dahil ang kanilang potensiyal sa paglaki ay nag-iiba. Ang bilis ng kanilang metabolism (gaano kabilis nagagamit ang lakas) ay magkaka-iba rin.
Ang iba pang maaaring rason ay:
- Sakit
- Pattern ng pagpapakain ng meryenda
- Maraming umaagaw ng pansin
- Kapaguran
- Sobrang pagpapakain sa gabi
- Milk additives: Ang pagdagdag ng cereal, oils o carbohydrates sa formula o padagdag ng concentration ng gatas ay mapapataas ang energy content ng gatas. Ang mataas na energy feeds ay nagdudulot ng kaunting pag-inom ng baby.
- Ang solid na pagkain na ibinigay bago ang gatas ay nagpapabusog sa baby
- Sobrang solid foods. Ang ilang baby ay mas pinipili ang pagkain ng solid food kumpara sa pag-inom ng formula. Subalit, hindi ito nagsisilbing balanced diet.
Hindi sapat ang iniinom na gatas ng baby ko: Anong dapat gawin?
- Tumingin ng mga senyales ng sakit. Kung may mapansin na hindi haraniwan tulad ng lagnat, pagsusuka, diarrhea, pagka-matamlay, pagiging iritable, rashes, pag-ubo, hirap sa paghinga, o madalas na punong diaper, ipasuri ang baby sa duktor.
- Tumingin ng mga senyales kung kang baby ay well nourished. Kung makita naman na well nourished siya malamang ay sapat ang naiinom na formula.
- Basahin ang aming article ‘How much formula does baby need‘ upang masuri ang kinakailangang naiinom na formula.
- Sa pagpapakain, tignan ang iyong baby at hindi ang bite. Ibigay ang naaayon na sagot sa kanyang mga sinasabi kapag gutom. Itigil kapag gusto niya nang huminto at huwag siya pilitin na ubusin ang kanyang pagkain.
- Itigil ang pagpapakain ng solid food kapag wala pa siyang 6 na buwang gulang.
- Handugan siya ng solids 10-15 minuto pagkatapos kumain mula sa bote at hindi habang o sa kalagitnaan ng pagdede. Kontrolin ang dami ng solid food na ibinibigay kay baby hanggang bumuti ang kanyang painom ng gatas.
- Huwag ikumpara ang iyong anak sa iba dahil hindi rin pareho ang kanilang genetic make-up at growth pattern.
Ang article na ito ay na nai-republish nang may paalam mula sa KidSpot.
Basahin: Paano maiiwasang mabulunan si baby habang umiinom ng gatas?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!