Bakit ayaw magpababa ni baby? Narito ang mga dapat mong malaman.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dahilan kung bakit ayaw magpababa ni baby.
- Ang dapat mong gawin para maging mahimbing ang tulog ni baby.
Bakit ayaw magpababa ni baby?
Baby photo created by jcomp – www.freepik.com
Ito rin ba ang struggle mo sa pag-aalaga kay baby? Maraming mommies na ito rin ang pinoproblema pagdating sa pag-aalaga ng baby nila.
Pero ayon kay Dr. Gel Sederio Maala, isang pediatrician, hindi mo dapat problemahin kung hindi basta nagpapaba si baby. Dahil para sa kanilang edad ay normal lang na hanapin at gustuhin nila ang comfort at warmth na mula sa iyong karga.
“May mga babies talaga na kaya nila ayaw magpababa because they feel the comfort.
Normal din naman na mahilig silang magpakarga kasi at an early age newborn stage, sensory ang dinevedelop natin. So the sense of touch is really important so malaking tulong kung gusto nila yon.
I know mahihirapan kasi maraming maiiwan na gawaing bahay dahil ayaw magpababa ni baby. Pero okay lang po yun they are looking for the comfort and security kaya nila ‘yon ginagawa.
At gusto nila yung warm na pakiramdam kasi yun yung sensations sa loob ng mommy medyo mainit.”
Ito ang pahayag ni Dr. Maala.
Isa pang posibleng dahilan kung bakit ayaw magpababa ni baby lalo na kung nakatulog siya matapos pasusuhin ay dahil hindi siya naka-burp ng maayos.
“Ang tendency kasi ng baby if they feed enough, talagang nabusog sila especially when they are full talagang matutulog sila as in deep sleep.
Kapag nakita niyo na nag feed na kayo nakatulog si baby, paglapag restless pa rin siya tapos iyak ng iyak ibig sabihin hindi po natin napa-burb ng maayos.”
Ito ang isa pa umanong posibleng dahilan kung bakit si baby ay nagigising agad sa oras na iyong ibinababa habang siya ay natutulog.
Ano ang puwedeng gawin kung ayaw magpababa ni baby?
1. Siguraduhing naka-burp si baby matapos pasusuhin.
People photo created by yanalya – www.freepik.com
Kung si baby ay nakatulog habang pinapasuso payo ni Dr. Maala mabuting siya ay ipa-burp muna. Gawin ito sa pamamagitan ng pagkarga sa kaniya at pag-rest ng kaniyang ulo sa iyong balikat o dibdib habang tinatapik ang kaniyang likod ng hindi kalakasan. Maaari ring subukan ang iba pang posisyon tulad ng sumusunod ayon kay Dr. Maala.
“’Yong isang position naman na pwede ay kandong kandong mo si baby na parang sitting position tapos medyo naka support itong isang arm or hand sa may chest ni baby to neck area.
And then gently tap tapos yung face ni baby naka-side siya. ‘Yong isa naman is nakadapa sa lap. Iyon ‘yong pwedeng tapik-tapikin natin hanggang sa marinig natin ang malakas na sound.”
Payo ni Dr. Maala dapat ang pagtapik kay baby ay marahan o gentle lamang. Dahil kung malakas ay maring sumabog ang baga ni baby.
Ang goal lang ay ang ma-release ang air bubbles na nasa loob ng tiyan ni baby. Sapagkat kung ito ay hindi maalis, hindi siya magiging komportable. Siya ay magiging irritable at mahihirapan ka talagang maibaba.
Dagdag pa niya, ang burp ni baby ay dapat maging malakas. Dahil kung hindi palatandaan na ito hindi siya naka-burp ng maayos. Puwede rin naman umanong ipa-burp si baby habang siya ay tulog. Ito ay para masigurado na magiging mahimbing rin ang tulog niya.
BASAHIN:
Things to remember when preparing and storing formula milk for baby
Ito ang epekto kay baby kapag nasa abusive relationship si mommy, ayon sa study
Pagsisisi ng isang ina: “Kung ako kaya ang nagbantay sa baby ko, buhay pa kaya siya?”
2. I-swaddle si baby.
Isa pang paraan na makakatulong para magpababa si baby ay ang pagsa-swaddle sa kaniya. Ang swaddling ay tumutukoy sa pagbabalot kay baby sa isang kumot o blanket na kung saan magagaya o mararamdaman niya na parang siya ay iyo paring karga.
“You can do swaddling. It can add heat sa baby especially pag natutulog at comfort as well lalo na pag nagstart ka as newborn pa lang na mi-mimic niya kasi ang environment ng baby sa womb ni mommy. Kaya mas feel niya ‘yong security comfort at warmth kapag nagstart tayong mag-swaddle ng maaga.”
Ito ang payo pa ni Dr. Maala.
Baby photo created by azerbaijan_stockers – www.freepik.com
3. Siguraduhing komportable ang sleeping environment ni baby.
Dagdag pa niya para mas maging komportable at mahimbing ang tulog ni baby ay dapat komportable ang sleeping environment nila.
Ang kwartong kaniyang tinutulugan ay dapat tama lang ang temperature. Hindi masyadong malamig o mainit. Hindi rin dapat ito maingay at higit sa lahat ay malinis.
“Para mas comfortable ang sleep nila at matutunan nila kung paano matulog ng mahimbing, part of that is we have to make the environment comfortable for them, very relax.”
Ito ang sabi pa ni Dr. Maala.
Si Dr. Gel Maala ay isang Pediatric Junior Consultant mula sa Perpetual Help Medical Center sa Las Piñas. Siya ay isa ring ina sa tatlo niyang anak na sina Noei, Emilio, at Emily.
Samantala, para sa dagdag na kaalaman at tips tungkol sa tamang pag-aalaga ng iyong newborn baby ay maaring i-download ang theAsianparent app.
Sa app ay bisitahin ang media section na kung saan makikita ang mga videos tungkol sa newborn safety na ipinapaliwanag ng mga eksperto. Tampok din sa app ang mga artikulo o babasahin na makakatulong sa tamang pag-aalaga sa iyong sanggol.