Nasubukan mo na bang humingi ng pagkain sa iyong baby at agad rin niyang inalok ang isusubo na sana niyang tinapay? Sa pag-aaral, ito ay isang senyales ng maagang Altruism sa isang baby na nagdedevelop agad sa kanila. Ang tanong, bakit nga ba binibigay ng baby ang pagkain nila kahit gutom sila?
Altruism sa mga bata
Pagsapit ng 6 months ni baby, maaari na itong kumain ng solid foods. Hanggang sa mag 1 year old ito at nasanay na sa paunti-unting pagbibigay mo ng mga maliliit na pagkain katulad ng prutas, tinapay o iba pang pwedeng ipakain sa baby.
Dumadating din sa point na pabiro kang humihingi ng pagkaing hawak niya. Ano ang naging response nito? Nakakamanghang malaman na kadalasan sa mga infant ay bibigyan ka ng pagkain kapag ikaw ay humihingi. Kahit na sila ay gutom o paborito nila ang pagkain na ito.
Napagalaman na sa infant stage ng isang bata, dito na agad nadedevelop o lumalabas ang Altruism sa kanila.
Ang Altruism ay isang moral practice kung saan nagbibigay o nagpapakita ka ng fortune, happiness o serbisyo sa isang tao kahit may risk na mangyayari sa iyong sarili.
Binibigay ba ni baby ang pagkain niya sayo? Here’s the reason!
Ayon sa Institute for Learning & Brain Sciences sa University of Washington, lumalabas at nakikita nang natural ang altruism sa bata. “We think this captures a kind of baby-sized version of altruistic helping.”
Sa paglaki ni baby, hindi lang pisikal na anyo ang nagbabago sa kanila. Bawat araw ay may bago silang nakikita at maaaring i-apply nila ito ng paunti-unti sa kanila mga sarili. Pagsapit nila ng 19 months, dito na nagsisimulang lumabas ang kanilang tantrums o ‘yung nagbabago ang kanilang temper kapag pinagbawalan mo sila sa isang bagay.
Sa taon rin na ito natututo silang mangagat o mamalo para makuha nila ang isang bagay.
Ayon sa lead author at postdoctoral researcher ng Institute for Learning & Brain Sciences na si Rodolfo Cortes Barragan, likas na sa mga tao ang magbigay ng tulong sa nangangailangan kahit na malalagay sa alanganin ang taong tumulong.
“We adults help each other when we see another in need, and we do this even if there is a cost to the self. So we tested the roots of this in infants.”
Sa isang experiment nilang ginawa kasama ang grupo ng mga 19 month old baby, napag alaman na wala pang sapat na ebidensya sa pagiging altruistic ng mga ito. Kundi ang mga baby na kabilang sa experiment ay nagiging matulungin lamang.
Isinagawa ang experiment sa mga 19 month old baby sa oras ng kanilang meal na kadalasang nakakaramdam sila ng gutom. Inaakala ng mga researchers na ang pagkaing hawak ng mga batang ito ay itatago o kakainin lamang nila. May iba naman na ito ang ginawa. Habang ang 37% ng mga baby ay inaakalang gutom ang adult kaya inalok nila ito ng hawak ng pagkain.
Ayon ito kay Mark Strauss, isang psychologist,
“There really is no evidence that the children are being altruistic, but rather just being helpful.
“We think certain family and social experiences make a difference, and continued research would be desirable to more fully understand what maximizes the expression of altruism in young children.”
Paano magpalaki ng batang mabait? Hanggat bata pa lamang ang iyong anak, turuan na agad ito na maging mapagbigay at magkaroon ng concern sa mga taong nasa paligid niya. Makakatulong sa kanila ito kung sasanayin natin sila bilang maging isang mabuting bata habang lumalaki.
Source: