Bakit hindi ko maramdaman na gumagalaw si baby?
August 14, 2013 — ito ang araw na bumago sa buhay ko. Mahirap man ay ibabahagi ko na ang istorya kung paano ko pinagdaanan ang makunan. Gusto ko itong ibahagi upang mapaalam sa mga buntis din kung gaano kahalaga ang pag-track ng paggalaw ni baby. Na kahit iyong maliliit na mga pagbabago sa pattern ay importante dahil puwedeng senyales ito na may hindi magandang nangyayari.
2 AM na noon at payapa ang gabi. Hindi ko ma-contain ang saya na nararamdaman ko dahil alam ko na sa pagdating ng umaga, magkakaroon na ako ng ako ng bagong simula. Hinalikan ko ang aking 15-month old noong anak bago ako sumabak sa labor.
Papunta na kami noon sa ospital at sakay ng taxi ay katabi ko pa ang aking mga magulang. Ang asawa ko ay nagtatrabaho noon at tinawagan ko lamang siya. Sa katunayan, medyo kinakabahan din ako ng panahon na ‘yun pero excited pa rin.
Noong unang beses akong manganak, induced ang aking labor kaya naman hindi ko alam ang ie-expect sa pagkakataong ito. Pero naiisip ko pa rin ng panahon na iyon kung bakit mayroong parang green na kasama ang brown liquid na lumabas sa akin nung pumutok ang aking panubigan. Pero binalewala ko lang ito.
“It was probably just one of those things that came with labour, no big deal.”
Bakit hindi ko maramdaman na gumagalaw si baby?
Hindi na ako noon kinakabahan dahil alam ko naman na kung paano ito. Alam ko na ako ay ma-e-emergency c-section dahil kakapanganak ko lang din.
Doon ko biglang naisip, kailan ko ba huling naramdaman na gumalaw si baby? Binalewala ko lang uli ito. Baka na-busy lang ako at hindi ito napansin.
Noong ako ay nagle-labor na, ang daming nangyayari sa aking paligid. Noong nagpalit na ako ng surgical gown, sinabihan ako na magbigay ng urine sample. Ibinigay ko naman ito sa nurse at may binanggit siya tungkol sa meconium. Tinanong ko naman kung ano ito at sabi niya ay “your baby had passed motion”. Tumawa lang ako at sinabi na posible pala iyon.
Bigla naman niya akong tinignan at sinabi na, “ibig sabihin nun ay na-distress ang iyong baby”. Hindi ko pa rin siya masyadong maintindihan.
“Naririnig ang tunog ng pulso ko, pero walang paggalaw si baby”
Sobrang tahimik nun habang nakatingin lang silang lahat habang nakahiga ako. Sinimulan na nila ang machine at narinig ko ang sarili kong pulso pero wala ang kay baby.
Tinanong ko ulit kung may problema ba at ang sagot niya sa akin ay sinusubukan daw nilang hanapin ang heartbeat ni baby. Noong wala talaga siyang marinig, tinanong ko ulit kung wala ba siyang naririnig. Hinawakan niya lang ang aking kamay at sinabi na hintayin na lang ang doktor.
Sinubukan kong kumalma at ang asawa ko ay hindi pa rin nakakarating noon sa ospital. Ang mga magulang ko naman ay naiwan sa labas. Naiiyak na ako nun pero iniisip ko na lang maigi kung kailan ko ba huling naramdaman ang paggalaw ni baby.
Noong bumalik na ang mga hospital staff, bigla nila akong dinala sa isa pang kwarto. At narinig kong sinabi ng doktor na wala ng heartbeat si baby.
“Tumigil ang heartbeat ng aking baby…”
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari noon. Alam ko lang na iyak ako nang iyak at sumigaw pa nga. Niyakap ako ng aking asawa at nakita ko rin siyang umiiyak. Binalik nila ako sa ward at tinanong kung ano ang gusto kong gawin, sabay sinabi na,
“You see, those are the heart vales, they are not moving. There is no heartbeat. I’m so sorry.”
Noong nagising uli ako mag-isa na ako sa recovery room kung saan sobrang tahimik. Nakita ko ang empty na baby box sa tabi ko at nag-sink in na talaga sa akin kung ano ang nangyari. Umiyak ulit ako dahil sobra akong nanghihina sa sakit.
“Walang oxygen”
Noong dumating ang aking doktor, ipinaliwanag niya sa akin kung ano ang nangyari. Ayon sa kanya, pumulupot ang umbilical cord ng aking baby sa kanya at na-cut ang oxygen supply nito. ‘Yun ang dahilan kung bakit hindi ko na nararamdaman ang paggalaw niya. Nangyari ito 12 hours bago ako pumunta sa ospital. Ayon sa kanila, kung naagapan lang ay maari pa sana nilang maisalba si baby. Pero paliwanag niya, maigi na rin na dumating ako kaagad sa ospital dahil maaring nakasama rin sa akin kung hindi agad nailabas si baby sa akin.
Noong panahon na ‘yun, naisip ko lang kung ano ang mga ginagawa ko 12 oras bago ang nangyari. Nagtatrabaho pa ba ako at kung ano-ano ang ginagawa ko kaya hindi ako naka-focus kay baby? Bakit ko ba hindi binigyang-pansin ang paggalaw niya. Kung napansin ko lang sana kaagad.
Pagdadalamhati at guilt ang naramdaman ko nung mga panahon na ‘yun pero sinabihan ako ng doktor na kumalma. Tatlong araw ang nakalipas ay nakauwi na ako. Walang mga balloons, bulaklak at wala ring baby na naiuwi.
Maaring wala na si baby, pero minsan ay parang nagkakaroon ako ng visions ng kanyang mukha. Nasa puso ko siya at nararamdaman ko pa rin siya.
“She will forever remain a part of me and when this life passes me by, I hope to see her, my angel, smiling at me at Heaven’s gates.”
Translated with permission from theAsianParent Singapore
Basahin:
Paano kakausapin ang iyong asawa pagkatapos makaranas ng stillbirth o miscarriage?