Paano kakausapin ang asawa pagkatapos mawalan ng anak? Ito ay isa sa mga pinakamahirap na tanong, ngunit sa tulong ni Dr. Ronald Del Castillo, PsyD, MPH na isang associate professor at clinical psychologist ng Diwa Mental Health, susubukan natin itong sagutin.
Ano ang dapat gawin pagkatapos mawalan ng anak?
Una sa lahat, hindi madali ang iyong pinagdadaanan. Sa kabila pa nito, mas hihirap ang mga araw na dadaan at iba-iba ang paraan ng pag-cope ng iba’t ibang tao. Ngunit ayon kay Dr. Ronald,
Image from Freepik
“Coping with grief is hard work, in part, because we judge our experience—that it “should” be a particular way. We should feel this way, not that. We should be crying, we should be talking it out, and many other “should” statements. These can come from us just as easily as they can come from loved ones, friends and colleagues. These “shoulds” add to the hard work of grief because at times they are not authentic or consistent with what we are going through. For example, a loved one says that crying is normal—and it is. However, perhaps you do not feel like crying. Another might suggest sadness is common—and it is. However, for you the experience of loss is closer to an emptiness or numbness. Sadness just does not quite capture it, but you are told that you “should” feel it anyway. This gap between how it “should” be and how it actually is complicates our grief.”
Kaya naman upang hindi mas maging mahirap ang iyong proseso, huwag madaliin ang iyong sarili na makaramdam ng mga bagay bagay. Maging totoo sa kung ano talaga ang iyong pakiramdam at tandaan na wala namang timeline ang pagluluksa. Kung sa loob ng ilang linggo ay nararamdaman mong okay ka na, hindi ito masama. Hindi ito dahil sa hindi mo mahal ang anak mo. Kung mas matagal naman ang iyong kailangan, hindi rin ito unfair o nakakahiya.
Epekto nito sa iyong asawa
Maaring iba rin ang pinagdadaanan ng mga lalaki pagkatapos ng pangyayari na katulad nito. Pero ang mga inner emotional experience ay may mga pinagkapareho kahit papaano.
Ngunit dahil na rin sa sexual differences, iba lang ang manifestations ng mga feelings na ito. Madalas na mapapansin na mas open o vocal ang mga babae kaysa sa lalaki kaya naman minsan ay naiisip ng mga tao na mas apektado ang babae. Pero hindi naman ibig sabihin nito na walang pakialam ang iyong asawa.
Dagdag pa ni Dr. Ronald,
“We see this within family and peer interactions concerning the loss. The focus of our support, empathy and concern tends to be towards the grieving mother, though the father is also grieving. Our work colleagues might ask how the mother is doing but do not really ask how the father is doing. These kinds of interactions not only reinforces the stereotype that men should not talk about difficult emotions but also reinforces the stereotype that their way of dealing with the loss—silence, going back to work, etc.—is enough for coping.”
Image from Freepik
Paano kakausapin ang asawa pagkatapos mawalan ng anak
Ayon pa rin kay Dr. Ronald, narito ang ilang mga paraan para magsimula ng conversation:
Bago mag-usap
Step 1: Pakiramdaman din ang iyong sarili. Mahalaga na i-acknowledge mo ang sarili mong feelings bago makipag-usap. Dahil madalas, tayo ay kinakabahan sa mga ganitong sitwasyon. Normal lamang ito kaya naman huwag masyadong i-overthink ang iyong pagiging kabado.
Step 2: Magplano, pero huwag masyado. Maari mong pag-isipan ang iyong sasabihin — kung paano mo ito sisimulan at tatapusin. Pero huwag namang gawin na parang masyadong scripted ito dahil baka mawala na ang empathy sa pag-uusap.
Step 3: Narito ang ilang puwede mong sabihin para simulan ang pag-uusap.
- “I notice that you seem down lately. I’m here if ever you want to talk.”
- “Lapitan mo lang ako kung kailangan mo ng kausap.”
- “I wonder if something’s bothering you.”
Huwag silang pilitin. Kung magdesisyon ka na gawin ito, huwag i-assume na ready na sila. Ito ay isa lamang pagbabakasakali. Kung hindi pa silang handa na mag-usap ay huwag din sasama ang iyong loob.
Habang nag-uusap
Image from Freepik
Puwede mong gamitin ang mga phrase na ito upang mag-tunog kalmado at marespeto:
- “What did you mean by that?”
- “Help me understand.”
- “I want to make sure I get this right…”
- “Tell me more your thoughts about that.”
- “You’re thinking that…”
- “It sounds like you think…”
- “What feelings do you have about it?”
- “I wonder about your feelings.”
- “Some feelings might come up.”
- “Give me an example of what you do when you feel…”
- “Walk me through it.”
- “I wonder what that looks like.”
Puwede mo rin siyang i-reassure o iparamdam na naiintindihan mo siya sa pamamagitan ng mga phrase na ito:
- “You feel [insert a feeling].”
- “You feel [emotion] because [paraphrase their statement].”
- I wonder if you’re feeling…
- Perhaps you’re feeling…
- You sound (or seem)…
- If I were you, I might feel…
- Could you be…?
- It sounds like you feel…
- So, you’re feeling…
Pagkatapos mag-usap
Puwede mong tapusin ang pag-uusap kung paano mo ito sinimulan.
Step 1: Ito ang panahon para i-establish ang inyong shared feelings. Puwede mong sabihin na, “I was a bit nervous, but I am so glad that we had this conversation.” o kaya naman ay ipaalam lang sa kanya na masaya ka dahil nakapag-usap na kayo.
Step 2: Pag-usapan kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi naman ito kailangang madaliin, ngunit hindi dapat matapos sa pag-uusap ang pagresolba sa problema.
Step 3: Magbigay ng open invitation na ibig sabihin ay ipinararating mo sa kanya na andyan ka lamang para sa kanya kung kailan man siya maging handa na mag-usap muli.
Mas kilala mo ang iyong asawa, kaya naman dapat ay mas alam mo rin kung paano siya ia-approach. Maging natural lang at confident sa pakikipag-usap sa kanila dahil dito nila mararamdaman ang iyong warmth at presensya.
Source:
Dr. Ronald Del Castillo, PsyD, MPH
(Associate professor and clinical psychologist of Diwa Mental Health)
Basahin:
Coping with sudden death of child: Hindi madali pero may mga taong tutulong sayo para mag-heal
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!