Sleep training: Okay lang bang hayaang umiyak ang baby sa gabi?

Bakit hindi makatulog ang baby sa gabi at iiyak na lamang? Para sa iba, sleep training kung ituring na hayaan na lamang na umiyak sila hanggang sa tumahan at makatulog. | Lead image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit hindi makatulog ang baby sa gabi?

Halos 3:30 na ng umaga nang hindi napigilan ang asawa ko ang mapasigaw sa malakas na pag-iyak ng anak ko. Rinig na rinig ito sa baby monitor na pangatlong beses na naulit ngayong gabi.

Mababasa sa article na ito ang:

  • Struggle ng mag-asawa tuwing gabi sa pag-iyak ng kanilang baby
  • Effective sleep training kay baby

“What’re you doing?” sigaw niya nang mapansing babangon ako ng kama.

“I’m going to put him back to sleep,” sabi ko sa kaniya. Alam na niya ito, ilang beses na kaming paulit-ulit na bumabangon bawat gabi sa loon ng tatlong buwan.

Pinigilan naman niya ako at sinabing hayaan ko lang siyang umiyak.

Ngunit hindi ko naman magawang pabayaan lang siyang umiyak. Paano kung gutom pala siya o kaya naman kailangang magpalit ng diaper? Paano kung nais niya lang na makita kami?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit hindi makatulog ang baby sa gabi?| (Joao Fazenda/The New York Times)

“We have to teach him good sleep habits.” Mabilis na pinigilan ako ng asawa kong lumabas ng kwarto. Ayaw niya talagang puntahan ko ang anak namin sa kwarto nito para patigilin. Sumigaw siya. Sumigaw ako. Samahan pa ng matinis na pagsigaw ng anak namin. Paano nga ba kami napunta sa sitwasiyon na ito?

Bakit hindi makatulog ang baby sa gabi at iiyak na lamang?

Madali lamang alagaan ang baby ko sa umaga, pero hindi ka talaga makakatulog sa gabi. Maayos din siyang nakakatulog sa gabi pero biglang magigising at automatic na iiyak ng malakas kada tatlong oras.

Makalipas ang 6 months, lagi naman siyang pinapainom ng gatas. Kaya nga lang, gusto niya lagi ng gatas lalo na sa gabi. Halos apat na beses kaming nagigising dahil sa malakas na iyak ng aking anak. Iinom siya ng 8 ounces ng soy formula at pagkatapos, matutulog na lang bigla.

Pagkalipas ng anim na buwan ulit, mabilis na lumaki ang aming anak. Ngunit payo ng pediatrician, tigilan na ang pagbibigay ng gatas sa gabi. Gaya ng inaasahan, ayaw ng anak namin ng konseptong ito. Ginawa na namin ang lahat pero hindi talaga siya natutulog sa gabi. Naniniwala rin ang asawa ko na hayaan na lang siyang umiyak. Pero siyempre ako, gustong-gusto ko i-comfort ang anak ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

3 paraan para mabawasan ang pag-iyak ni baby kapag tinuturukan ng bakuna

Pag-iyak at hirap sa pagtulog ni baby, maaaring sintomas na ng kondisyon na silent reflux

Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat mahiya kapag nakita kang umiiyak ng anak mo

Marami kaming narinig na payo mula sa malalapit na kaibigan at kamag-anak.

“Make his bedroom totally dark.”

“Change his nap schedule.”

“Stuff him full of food at night.”

Hindi namin ito nagawa lahat, pero alam niyo ba ang isang method na sumangayon ang lahat? Ito ang hayaan na lamang umiyak ang mga baby.

Sa iba, naniniwala silang ito ay sleep trainining, pero para sa akin, ito ay torture. Kaya kong tiisin ang hindi pagpansin sa anak ko kapag umiiyak ng ilang minuto pero matigas siya. Tumatagal ng ilang oras ang kaniyang pag-iyak. Idagdag pa ang pressure na hindi soundproof ang apartment namin at maririnig ng mga kapitbahay. Isa lang naman ang purpose ko sa pagpapatahan sa kaniya, ang makatulog ng tuloy-tuloy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit hindi makatulog ang baby sa gabi?| (Joao Fazenda/The New York Times)

“You’re teaching him all the wrong things,” ito ang sabi ng asawa ko, wala siyang tiwala sa akin. “You’re basically rewarding him for crying.”

Sang-ayon ako sa desisyon niya sa araw pero sa gabi? Ako ang masusunod. Nagagalit siya kapag pinupuntahan ko ang anak ko kapag umiiyak. Kaya naman pagkalipas ng isang buwan, halos hindi na kami makapag-usap. Pareho kaming galit at pagod, isama pa na walang kakahayahan na kontrolin ang aming emosyon. Lagi kaming nag-aaway lalo na sa usapang pag-iyak ni baby sa gabi.

Paglapit sa eksperto

Humingi kami ng tulong kay Dr. Emily Cook, Ph.D., isang  couples therapist mula Maryland at author ng “The Marriage Counseling Workbook,” Kilala siya bilang tagapagpayo sa mga magulang katulad namin na nahihirapan sa sleep training ng mga bata.

“It sounds so simple, but it works,”

Ayon sa kaniya, kinakailangan naming mag-slow down at intindihin ang bawat isa. “Take it slow. Listen to each other. Pay attention. Let your partner have their say.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakatulong ito para maging kalmado ang sitwasyon kahit na may pagtatalo sa isang desisyon. “Agreement means there is a right and wrong.”

Bakit hindi makatulog ang baby sa gabi?| (Joao Fazenda/The New York Times)

Dagdag pa niya,

“Alignment is all about the common goal of the family and I think you both can agree that you want what’s best for your family. In this case, you want your baby to feel safe and loved and to get a full night of sleep.”

Noong June, lumipat sa ibang lugar ang pamilya ko. Dahil nga wala pang kaibigan at mayroong madaming oras, wala kaming choice ng asawa ko kundi pakinggan ang sinasbi ng bawat isa. Masasabi kong bukod sa pagiging mag-asawa, halos magkabigan na rin kami kami sa bagong lugar na nilipatan. Sabay kaming kumakain ng hapunan, hindi gumagamit ng phone kapag magkausap. Sa usapang pag-iyak ng aming anak, nagkasundo kami sa iisang plano. Hahayaan na lang namin na umiyak si baby sa gabi hanggang siya ay makatulog basta ay papatayin niya ang monitor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit na kulang kami sa tulog, alam kong mas masaya kami ngayon. Sa pag-improve ng relasyon namin ng asawa ko, bumuti na rin ang sleeping habits ng anak namin. Nagigising pa rin naman siya sa gabi at umiiyak pero makakatulog agad siya pagkalipas ng halos sampung minuto.

Isang araw, na-realize na lang namin na payapang nakatulog ng tuloy-tuloy ang anak namin sa gabi. Sobrang saya namin. Ngunit hindi ito nagtagal dahil isang pangyayari naman ang kailangang mabago. Sa gabi kasi, saka na lang namin napapansin na nasa gitna na ng kama ang anak namin, natutulog. Pero saka na lang namin iisipin ito. Ang mahalaga, may maayos na kaming tulog na tatlo.

 

“Sleep Training My Child Almost Put My Marriage to Bed” by Jacob E. Osterhout © 2020 The New York Times Company

Jacob E. Osterhout is a writer in Columbus, Ohio. He’s also the father of two boys who occasionally sleep through the night in their own beds.

This story was originally published on 17 April 2020 in NYT Parenting.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Mach Marciano

Sinulat ni

NYT Parenting