Bakit hindi ngumingiti ang baby? Senyales ba ito ng Autism sa bata?
Autism sa bata
Ayon sa pag-aaral ng noong 2005 sa Canada na nakalimbag sa International Journal of Developmental Neuroscience, kayang malaman kung may Autism ba ang isang bata sa edad pa lang na 12 months.
Ano ang Autism?
Ang Autism spectrum disorder ay mapansamantalang kondisyon sa mga bata. Mahirap kasing makita agad ang sintomas nito kahit na maraming bata ang na-diagnosed na sa sakit na ito. Ating alamin kung ano ba talaga ang Autism.
Ang Autism ay isang neurological condition na kadalasang nakikita ang sintomas sa unang tatlong taon nito. Ang batang may Autism ay mayroong delay sa kanilang development. Ito ay nahahati sa tatlong pangunahing bahagi o mas kilala bilang triad of impairments. Ito ang mga:
- Verbal and non-verbal communication
- Social interactions
- Imagination
Ang mga baby ay may kakayahan na espesyal at na-a-achieve ang kanilang milestones sa tulong ng sarili lang nila. Ngunit ang baby na hindi pa nakakalakad sa edad na 2-anyos, ito ay kailangang bigyan ng pansin dahil isa na itong sintomas ng autism o iba pang medical condition. Bukod pa rito, isa pang senyales ng autism ay ang pagkakaroon ng problema kapag hinahawakan sila ng ibang tao o problema sa pangkaraniwang tunog sa paligid.
Alam naming mahirap ang ganitong sitwasyon. Ngunit kung maaga itong malalaman at mabibigyan ng pag-aalaga, maaaring matulungan siyang magkaroon ng normal na buhay.
Senyales ng Autism: Bakit hindi ngumingiti ang baby?
1. Mahigpit na patterns o routine
Kailangang masunod ng mga batang may autism ang kanilang routine sa araw-araw. Labis silang magagalit kung ito man ay masira o hindi masunod. Halimbawa, kailangan nilang matulog, kumain o maligo araw-araw ngunit kung ito ay hindi masunod, talagang ikagagalit nila ito.
2. Failed visual tracking
Ang failed visual tracking din ay isa sa mga senyales ng Autism sa bata. Ito ay kapag nagpakita ang anak mo na wala siyang interes sa maganda at matingkad na kulay ng laruan.
3. Hindi kayang makipag-eye contact
Isa pang early sign ng autism sa bata ay nahihirapan silang magkaroon ng eye contact sa tao. Ito rin ang dahilan ng pagka-delay nila sa communication at comprehension.
4. Hindi alam ang kanyang pangalan
Ang batang may autism ay hirap na maintindihan ang kanyang pangalan o hindi tumitingin sa’yo kapag tinawag mo siya. Sa mga infant, madali kang makakuha ng respond kapag sila ay tinawag mo sa pangalan.
5. Delayed milestones
Isa sa pangkaraniwan at maaari mong makita agad na sintomas ng autism ay ang magkakaroon ng delay nito sa kanyang milestones. Ang mga infant na 6-month-old ay marunong nang ngumiti, magulat ng bahagya o magkaroon nd respond sa boses. Ang mga batang may autism ay hirap ngumiti sa kanyang nanay, hirap mag-respond o mag babble.
6. Hindi kayang mag-baby talk
Ang mga baby na may autism ay hirap sa baby sound. Mapapansin mo ito kapag sila ay tahimik lang palagi at walang kibo kahit nilalaro mo. Hindi sila nakakagawa ng maliliit na ingay na kadalasang ginagawa ng iba na sanggol. Nag-uumpisa ang baby sound pagsapit ng 3-4 months ng bata.
7. Hindi ngumingiti
Dapat din na ikabahala ng mga magulang kapag ang anak nila ay hindi ngumingiti. Kahit na bata pa lang anak mo, karamihan sa mga sanggol ay nagpapakita na ng emosyon kapag sila ay nagagalak. Lalo na kapag nginitian mo sila. Siguradong ngingiti rin ito pabalik. Ito ay kadalasang nangyayari sa unang tatlong buwan ng isang bata.
Source:
BASAHIN:
STUDY: Pagiging masyadong matakaw ng bata, maagang senyales ng autism
Kakaibang bacteria sa tiyan, posible raw sanhi ng autism sa bata
Autism sa bata: Ang mga senyales, lunas at sanhi
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.