Mahilig maglaro ang mga bata. Ito ang gawaing may pinaka matagal na nilalaanan nila ng oras bukod sa pagtulog. Bukod sa pampalipas nila ng oras at pampaaliw nila ang paglalaro, alam mo bang mahalaga talaga itong parte ng pagkabata? Alamin natin ang iba’t ibang rason kung bakit kailangang bigyan ang bata ng panahon sa paglalaro.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Study kung bakit mahalaga ang paglalaro sa bata
- 5 na rason bakit mahalaga sa bata ang paglalaro
- Mga larong educational para sa mga bata
Study kung bakit mahalaga ang paglalaro sa bata
Napag-alaman sa mga pag-aaral na may malaking halaga ang play time sa pag-aaral. Sa tansya, ang play time length sa mga primary schools sa buong mundo ay nasa pagitan ng 15 minuto hanggang 2 oras.
Iba’t iba rin ang estilo at disenyo na kanilang mga playgrounds. Mayroong mga hard courts, landscape parks, o kaya ay built-in playground sa loob ng klase.
Sa datos, 40% ng guro sa mga primary schools ang nag-report na mas maiksi pa sa 30 minuto outdoor playtime o recess sa normal na araw. Habang 33% naman ay may higit 60 minuto na outdoor play.
Lingid sa kaalaman ng lahat, ang playtime na ito ay hindi lang basta pampasigla sa mga bata o pampawala ng bagot sa klase. May mga dahilan na base sa mga pag-aaral kung bakit mahalaga sa bata ang paglalaro. Ito ay ang mga sumusunod:
5 na rason bakit mahalaga sa bata ang paglalaro
1. Social Development
Sa paglalaro nahahayaan ang mga bata na makipag-socialize. Lalo sa mga paaralan na kung saan marami silang mga naghahati sa playground.
Hindi nila maiiwasang makipag-usap sa mga kaklase. Sa ganitong paraan, nade-develop niya ang kanyang social skills nang hindi niya namamalayan.
Social skills ang ginagamit nang tao sa araw-araw na buhay. Malaki ang magiging benefit nito kay baby sa future kung made-develop ang pakikipagcommunicate sa murang edad pa lamang.
2. Emotional Development
Dahil nga sa nade-develop ang pakikipag-socialize sa paglalaro, kasabay nito ang kanyang emotional development. Dito nila simulang mauunawaan kung sino sila, ano ang kanilang mga nararamdaman, at kung ano ang mga expectations nila kung makikipag-interact sa ibang tao.
Sa kanilang paglalaro ay matututunan nilang bumuo at mag-sustain ng mga positive relationships. Maging ang maranasan, mag-manage at mag-express ng kanilang mga emosyon. Maaari rin nilang ma-explore at makapag-engage sa environment dahil sa paglalaro.
Kung mapauunlad ang kanilang emotional development, mapauunlad din nito ang iba pang areas na maaari pang ma-develop.
BASAHIN:
10 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting
STUDY: Paglalaro ng bata, nakakatulong sa development ng kanilang emosyon
STUDY: May masamang epekto sa kalusugan ng iyong anak ang paglalaro ng mga manika o dolls
3. Attentional Development
Ang attention ay ang abilidad ng bata na mag-shift o magmaintain ng focus sa isang pangyayari, bagay, tasks, o problema. Isa sa mga benepisyo nang paglalaro ay ang attentional development ng bata.
Ang attentional development kasi ang may primary role sa pagkatuto at pag-a-acquire ng information ng bata. Dito kasi mahahasa ang attention niya na mag-focus sa iisang bagay upang matutunan at malaman niya nang buo ang nangyayari.
Sa ganitong paraan, naa-acquire niya ang mga information na dapat niyang alamin sa partikular na kaganapan.
4. Working memory development
Ang working memory ay ang abilidad ng isang tao na gawing active sa kanyang isipan ang impormasyon sa maiksing oras (2-3 segundo) para magamit sa dagdag pang proseso sa isipan.
Mahalaga ito dahil ito ang proseso ng pagdagdag ng impormasyon sa mga kasalukuyang pang kaalaman. Naka-rely ang tao sa working memory para mapanatiling aktibo ang mga impormasyon upang maka-pokus, organize, magbigay solusyon sa mga problema.
Isa ang working memory sa nade-develop ng paglalaro. Napa-practice kasi nito ang mga importanteng parte ng executice functioning tulad ng planning, initiating, organisation, at task monitoring.
5. Behavioral Development
Sa edad na dalawa hanggang tatllong buwan ay magsisimula nang magpakita ng mga behavioral traits ang bata. Kasama dito ang pagngiti, pagpapakalma sa sarili, pagkaway, at iba pang expression sa mga tao.
Kung mabibigyan ng oras sa paglalaro ay matutunan nilang idevelop ito. Dahil sa pakikipagsalamuha niya sa ibang bata, matututunan niya kung paanong makisama. Malalaman niya kung ano ang dapat ang tamang response sa ibang tao upang makipaglaro rin sila sa kanya.
Kaya nga tunay na mahalaga ang oras para sa paglalaro ng bata. Mayroon kasing iba’t ibang area ang dine-develop nito. Bukod sa maaaliw at matatanggal ang boredom nila, beneficial pa in the long run ang kanilang paglalaro.
Mga larong educational para sa mga bata
Kung naku-curious ka kung anong mga laro ang educational yet entertaining sa mga bata, inilista namin ang ilan sa mga ito:
- Pagdedress-up at role playing
- Pagsusulat, pagdodrawing at pagpepainting
- Pagbubuo ng blocks, puzzles, at shape sorters
- Pagsayaw at pagkanta
- Mga basic board games