Malamang ilang beses mo nang naitanong sa iyong sarili kung “bakit mukhang buntis pa rin ako?”
Matapos manganak, karamihan sa mga nanay ay nagnanais na bumalik ang dati nilang shape at nakakaramdam ng frustration kapag natatagalan sila sa pagbalik nito.
Kahit pa baguhin ang kanilang lifestyle (pagbabawas ng calorie intake o pag-eehersisyo palagi), maaari pa ring matagalan ang resulta nito, dahilan para makaramdam ng pagkadismaya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit mukhang buntis pa rin matapos manganak?
- Paano mawala ang malaking tiyan?
- Bakit tumataas ang aking timbang matapos ang panganganak?
Talaan ng Nilalaman
Bakit mukhang buntis pa rin matapos manganak?
Karamihan sa mga babae ay tumatagak ng anim hanggang walong linggo bago o lumiit ang kanilang tiyan o bumalik sa dati nitong sukat pagkatapos manganak. Ito ay dahil parehas na lumaki ang tiyan at ang uterus upang magkasya ang baby.
Ang uterus ay nakakagawa ng espasyo para sa baby sa pamamagitan ng pag-expand over sa pubic bone, dahilan para lumaki ang tiyan sa proseso. Kaya naman, mukha pa ring buntis ang isang babae anim na buwan matapos ito manganak.
Tumatagal naman ng anim hanggang walong linggo ang tinatayang panahon para mawala ang bigat na dala ng pagbubuntis.
Mahalaga ring tandaan na magkakaiba ang katawan ng mga babae, may ilan na nadadalian lang sa pagkawala ng bigat ng pagbubuntis at may ilan naman na mas natatagalan.
Naiiisip mo bang magbawas ng timbang matapos manganak? Ayon sa mga eksperto ay dapat magdahan-dahan. Ang mga bagong ina ay hindi dapat nagmamadali sa pagbabawas ng timbang.
Ayon kay Laura Riley, M.D. isang high-risk pregnancy expert mula sa Massachusetts General Hospital,
“We don’t have the kind of lifestyle that would allow for that kind of quick loss—and the sooner women recognize that the better they will feel about themselves.”
Nagbabala din ng mga eksperto sa pagbibigla ng pagbabawas ng kinakain at matinding pag-eehersisyo, lalo na sa mga nanay na nahirapang manganak o C-section.
Batay sa WebMD, para sa mga bagong mommies, hindi dapat nagbabawas ng calorie intake lalo na kapag kayo ay nagpapasuso.
Ayon sa nutritionist na si Elizabeth Somer, dapat ay kumakain ka ng 1,800-2,000 calories sa isang araw kapag ikaw ay nagpapasuso, dahil kapag kumain ka nang kaunti’y ‘di mo lamang binibitin ang iyong sarili kundi pati ang iyong baby. Sapagkat hindi ka makakagawa ng magandang uri ng gatas kung hindi sapat ang iyong kinakain.
Kung ang isang ina ay nais na bumalik sa dati niyang shape, ang mga light to moderate na uri ng ehersisyo ay makakatulong sa ‘yo.
Hindi lang dahil nakakapagpataas ito ng enerhiya, nakakatulong din itong mapababa ang risk ng pagkakaroon ng postpartum depression.
Sabi ng mga eksperto, ang mga bagong nanay ay maaaring mag-ehersisyo kung sa tingin nila ay kaya na nila. Pero mas maganda pa rin na manghingi ng go signal sa inyong mga doktor.
Paano mawala ang malaking tiyan
Mababawasan ka ng hindi tataas sa 13 pounds matapos manganak dahil sa paglabas ng mga likido, placenta, at bigat ng iyong anak. Mababawasan ka pa ng mas malaking timbang matapos ang isang linggo pagkapanganak. Gayunpaman, maaari pa ring magmukhang pangbuntis ang iyong tiyan.
Normal lang ito, at magsisimula namang lumiit ang iyong tiyan at uterus pagtapos mong manganak. Tatagal ito ng hanggang anim na linggo bago tuluyan itong lumiit. Maaari ring mawala ang mga nadagdag na timbang habang nagbubuntis sa ikaanim na linggo.
Breastfeeding
Totoo ito sa mga nanay na nagpapasuso. Ang mga nanay na nagpapasuso ay nakakapagbawas ng tinatayang 500 calories sa isang araw.
Ito ay dahil ginagamit ng iyong katawan ang mga calories na nakuha mo habang nagbubuntis upang makagawa ng gatas at makapagbigay ng nutrisyon sa baby.
Isa pa ay maraming mga babae naghihirap dahil sa diastacis o abdominal separation habang nagbubuntis. Ito ay nangyayari kapag nag-expand ang uterus, at napaghihiwalay ang mga muscles sa iyong tiyan.
Pinapalabas nito ang iyong tiyan. Mayroong tungkulin ang iyong hormones, tulad ng pressure na mayroong bata na lumalaki sa loob ng iyong katawan.
Ang mga babae na nagkaroon na ng maraming anak, kambal, o malaking bata sa loob ng tiyan ay maaaring makaranas ng abdominal separation.
Maaari kang magkaroon ng abnormal na hugis ng tiyan o protrusion kapag ikaw ay may abdominal separation. May ilang mga babae rin na nakakaranas ng pananakit ng likod.
Normal lang ang pagkakaroon ng postpartum abdominal separation at nangangailangan ng sapat na panahon para gumaling.
Kung hindi ka naglagay ng anomang dagdag na strain sa iyong tiyan, maaari mong maiwasan ang pagkakaroon ng abdominal separation. Iwasan ang mga pangmalakasan na pangunahing ehersisyo tulad ng planks at sit-ups.
Subukan din na huwag magbuhat ng mabibigat na bagay, magsagawa ng matindig pag-unat ng tiyan, o mag-sit-up ng mabilis matapos manganak.
BASAHIN:
Tigyawat after manganak o postpartum acne in English? 3 paraan para mawala ito
When can I travel after giving birth? Moms, here’s your guide on postpartum travel
Bakit tumataas ang aking timbang matapos manganak?
Ang mga babae na hindi nakakakuha ng sapat na oras ng pagtulog ay nakakakuha ng mataas na timbang. Ayon sa pananaliksik, ang mga babae na natutulog ng mas maigsi sa limang oras, anim na buwan matapos manganak ay mayroong mataas na tiyansa na mapanatili ang kanilang baby weight at mas mapataas pa ang timbang.
Tatlong rason kung bakit hindi ka pa nabalik sa iyong pre-pregnancy weight
Ang ibang mga babae ay nakakaranas ng (1) hypothyroidism habang at matapos manganak. Sadyang mahirap ang pagiging bagong ina. (2) Ang mga stress hormones ay maaaring magdulot ng pagtaas ng timbang, at ang mga stressed out na babae ay mas madalas kumain. (3) Ganun din ang mga babaeng hirap sa pagtulog o may mga insomnia.
Kaya naman kung mayroon kang: thyroid issues, insomnia, at stress ay ito ang ilan sa mga dahilan ng iyong postpartum weight gain.
Kung sakaling nagkakaroon ng problema sa pagtaas ng timbang, makipag-usap sa iyong OB para sa iyong postpartum visit; maaaring magkaroon ng thyroid test.
Paano mawala ang baby weight matapos manganak
Nag-aalala pa rin sa iyong postpartum body? Narito ang ilang mga paalala para sa’yo.
-
Exercise
Ang iyong postpartum belly ay liliit din pagdating ng oras. Gayunpaman, may ilang mga bagay ang maaaring makatulong sa pagpapaliit ng iyong postpartum tummy.
Kapag ikaw ay pinayagan ng iyong doktor, subukang mag-ehersisyo bilang bahagi ng iyong regular na gawain. Simulan sa magagaan na ehersisyo at paglalakad.
Habang tumatagal ay maaari ka na ring tumakbo at gumawa ng pangunahing aktibidad. Ang kegels ay isang magandang floor workout.
-
Panatilihin ang healthy diet
Subukang manatili saisang masustansyang diet pagkatapos manganak, tulad ng iyong ginawa habang ikaw ay nagbubuntis. Ang pagpapasususo ay makakatulong na gumaan ang iyong pakiramdam at mabibigyan mo pa ang iyong anak ng sapat na sustansya. Dagdag pa, ang pagkain ng well-balanced diet ay makakatulong sa pagliit ng iyong postpartum tummy.
-
Hayaang gumaling ang sarili
Tandaan na ang panganganak ay isa sa mga pinakamagandang karanasan na maaari mong maranasan. Hinahamon nito ang ating katawan sa mga bagay na hindi natin inaasahan.
Gayunpaman, ang lahat ng ito ay nangangailangan ng pahinga at pagpapagaling. Hayaan ang sarili na makapag-relax at makapagpagaling hangga’t maaari sa mga sumunod na linggo at buwan matapos ang panganganak.
Kung nais basahin ang English version ng article na ito, i-click dito!