Ating alamin ang tamang timbang at taas ng mga bata ayon sa kanilang edad.
Bukod sa pagkain na masustansya, bakuna o vitamins ibinibigay natin sa ating mga anak, importante rin ang magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa kailangan nilang timbang at tangkad base sa edad at kasarian.
Ang gabay para sa tamang timbang at taas ng iyong anak ayon sa edad
Ang paglaki ng bata ay nakadepende sa kanilang timbang at pagtaas. Pasok din ang anumang uri ng paglaki na makikita sa ating mga anak. Buhok, ngipin, kamay o mga daliri. Lahat ng ito ay masasaksihan mo sa kaniya.
Timbang ng mga babaeng sanggol ayon sa edad (0-12 months)
Para sa unang taon ng mga baby, mapapansin agad ang mabilis nilang development. Ang paglaki nila ay umaabot ng 25 centimeters. Para naman sa kaalaman ng lahat lalo na sa mga bagong magulang, maaaring mapansin mong babagal ang paglaki ni baby pagkatapos ng unang taon nito.
Narito ang gabay sa tamang timbang ng mga babaeng sanggol ayon sa edad (1-2 years old)
Ang puberty ng isang bata ay tumatagal ng dalawa hanggang limang taon. Kadalasang nagsisimula ito sa edad na 8-13 years old para sa mga babae. Habang 10-15 years old naman sa mga batang lalaki.
Narito ang gabay sa timbang ng mga babaeng bata ayon sa edad (2-3 years old)
Sa loob ng puberty year ng iyong anak, dito paunti-unting tumutubo ang kanilang buhok sa kili-kili at ari. Masasabing dalaga na rin ang iyong anak na babae kapag ito ay nagsimulang magkaregla na.
Pagsapit ng 15 ng mga babae at 17 sa mga lalaki, ito na ang taon ng pagtatapos ng kanilang puberty.
Narito ang gabay sa tamang timbang ng mga babaeng bata ayon sa edad (3-4 years old)
Laging tatandaan na iba-iba ang paglaki ng mga bata. Maaaring may nauuna, pwede rin namang may nahuhuli. Kadalasan, mas nauuna ang mga batang babae sa pagpasok sa puberty stage kumpara sa mga lalaki. Mapapansin ang unti-unting paglaki ng dibdib ng mga batang babae pagkatapos ng kanilang unang menstruation.
Lahat ng ito ay normal at parte lang ng kanilang mabilis na development.
Narito ang gabay sa timbang ng mga babaeng bata ayon sa edad (4-5 years old
Iwasang i-pressure ang sarili kung nakita mong nahuhuli na ang iyong anak sa ibang batang ka-edad nito. Maaari lang itong magdulot ng problema at pagiging conscious sa paglaki ng iyong anak. Parents, ‘wag magmadali sa development ni baby. Aralin na i-enjoy ang bawat oras na kasama sila.
Narito ang gabay sa tamang timbang ng mga babaeng bata ayon sa edad (5 years old to 11 months)
Gabay sa tamang timbang ng mga lalaking sanggol ayon sa edad (0-12 months)
Narito ang gabay sa timbang ng mga batang lalaki ayon sa edad (1-2 years old)
Gabay sa tamang timbang ng mga batang lalaki ayon sa edad (2-3 years old)
Tamang timbang ng mga lalaking sanggol ayon sa edad (3-4 years old)
Gabay sa tamang timbang ng mga batang lalaki sa edad na 4-5 years old
Tamang timbang ng mga batang lalaki ayon sa edad (5 years old)
Timbang at taas ng bata
Mahalaga ang pagdalo sa regular check up ng mga bata. Dito imo-monitor ng iyong doktor ang kanilang development. Sa prosesong ito, susuriin ang kanilang timbang at taas na nakabase sa growth chart.
Narito ang ilang dapat gawin para mapangalagaan ang maayos na paglaki ng iyong anak:
- Kumain ng tama at masustansya. Gulay, prutas, balanseng diet ang dapat na mayroon ang iyong anak!
- Matulog ng sapat at maaaga. Iwasan ang magpuyat dahil ayon sa pag-aaral, maaaring magdala ito sa obesity.
- Iwasan muna ang pagbibigay ng gadgets. Sa mura pa lang nitong edad, maaaring maapektuhan agad ang kaniyang mga mata.
- Magkaroon ng ehersisyo katulad ng pagtakbo. Maaari rin namang i-enroll ang iyong anak sa sports sa kanilang paaaralan. Magandang pagkilala ito sa pisikal na kalusugan.
Kung sakali namang nakaramdam kang may kakaiba sa development ng iyong anak at sobra na itong nahuhuli base sa growth chart, ‘wag mag atubiling magpakunsulta sa doktor at ipatingin ito.
Pagiging overweight ng bata
Ang obesity sa bata ay mayroong iba’t ibang dahilan. Nandiyan ang kawalan ng pisikal na gawain, pagkain ng hindi wasto o dahil sa genes.
Narito ang ilang sakit na maaari nilang makuha:
- Sakit sa buto
- High blood pressure
- Diabetes
- Sakit sa puso
- Skin problem katulad ng rashes at acne
Narito ang mga maaaring gawin kung overweight ang iyong anak:
- Imbes na kutyain, suportahan ito sa pagiging healthy living
- Bigyan sila ng balanseng diet
- Iwasang bigyan lagi ng matatamis at junk foods
- I-enroll sa mga physical activities katulad ng sports
- Maging sensitibo sa pangangailan ng iyong anak
- Alamin ang tamang timbang ng iyong anak ayon sa edad
- Humingi ng propesyonal na payo sa iyong doktor
Pagiging underweight ng bata
Malalaman mong underweight ang iyong anak kapag hindi ito nakapasok sa itinalagang growth chart.
Isa sa mga simpleng gawin ay tignan lagi ang suot na damit ng iyong anak. Kung ang damit na suot nya ay hindi sumisikip sa kaniya paglipas ng taon, maaaring magpakunsulta na sa iyong doktor.
Ang pagiging underweight ng isang bata ay maaaring dahil sa ilang rason. Nariyan ang genes, hindi sila nakakakuha ng tama at sapat na nutrisyon, pagiging mapili sa pagkain o dahil din sa medikasyon na kanilang natatanggap.
Narito ang mga maaaring gawin kung overweight ang iyong anak:
- Imbes na kutyain, suportahan ito sa pagiging healthy living
- Magbigay ng proper at balanced meal
- Limang portion ng prutas araw-araw
- Bigyan ito ng pagkain na mayaman sa protina katulad ng isda, itlog karne at iba pa
- Bigyan sila ng 6-8 baso ng tubig araw-araw
- Humingi ng propesyonal na payo sa iyong doktor
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!