Ang pagkakaroon ng sapat at tamang oras ng tulog ng mga bata ay mahalaga sa kalusugan nila. Napapaganda nito ang ang kanilang sistema habang bata pa lamang sila. Habang ang pagkakaroon ng hindi magandang pagtulog at may masamang epekto sa kanilang paglaki.
Mababasa sa artikulong ito:
- Nakakabuti sa physical health ang tamang oras ng tulog ng bata
- Paano masasabing late na ang pagtulog ng isang bata?
Tamang oras ng tulog ng mga bata: Kahalagahan sa kanilang kalusugan | Image from iStock
Hindi lang ang sapat na tulog ang pinag-uusapan dito. Mahalaga rin ang tamang oras ng tulog ng mga bata para sa kanilang pisikal, emosyonal at cognitive development.
Importante sa mga bata ang consistent na pagtulog ng maaga. Mula sa pag-idlip sa tanghali hanggang sa pagtulog sa gabi.
Ayon sa ilang pag-aaral, kung ikaw ay laging late matulog, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng problema sa pagtulog at maaari ring mahirapang makatulog.
Pasok din sa usapan ang issue sa concentration, memory at behavior ng mga bata.
BASAHIN:
Benepisyo ng sapat na pagtulog sa panahon ng COVID-19
STUDY: Hindi pagtulog ng baby sa gabi, hindi dapat ikabahala
STUDY: Pagpupuyat maaaring maging dahilan upang maging slow learner ang iyong anak
Tamang oras ng tulog ng bata: Nakakabuti sa kanilang physical health
Nalaman sa isang pag-aaral na ang mga preschool-aged children na walang sapat na tulog ay mas mataas ang risk sa obesity.
Masasabing cross-sectional ang halos lahat ng isinagawang pag-aaral. Ibig sabihin, tinitignan nila ang datos ng populasyon dito. Ang pagkakaroon ng hindi magandang pagtulog ay nakakapagpataas ng risk sa pagkakaroon ng obesity.
Para mapalawak ang kaalaman tungkol rito, kinailangan namin ng mahabang pag-aaral para masuri pa ang mabilis na pagbabago.
Ngunit narito ang nakita ng isang pag-aaral:
Ang pagtulog ng maaga at pagkakaroon ng magandang routine sa pagtulog ay magandang pag-uugali para makaiwas sa obesity.
Ang aking research ay inilimbag sa Acta Paediatrica noong nakaraang taon. Sinuri nito ang 1,250 Aboriginal at Torres Strait Islander na bata na may edad lima hanggang walong taong gulang.
Base sa naging resulta ng pag-aaral, kasama na ang datos patungkol sa kanilang sariling lifestyle, ang mga batang late nang matulog (pagkatapos ng 9:30 pM ) ay 1.5kg hanggang 2.5kg na mas mabigat kaysa sa ibang batang maagang natutulog (7 PM)
Tamang oras ng tulog ng mga bata: Kahalagahan sa kanilang kalusugan | Image from iStock
Wala pang nakakapgbigay ng siguradong dahilan kung ano ang koneksyon ng pagtulog sa risk ng obesity. Ngunit maaaring ang pagtulog ng late ay mas nakakapagbigay ng oportunidad na kumain ng junk foods at uminom ng caffeinated drinks.
Pwede ring konektado ito sa ilang complex physiological factor. Katulad na lamang ng body clock ng katawan na siyang responsable sa pagtulog na may mahalagang ginagampanan sa hormone, glucose metabolism at energy balance.
Paano masasabing late na ang pagtulog ng isang bata?
Nakabase sa biological at cultural factor ng isang tao ang kanilang sleeping habits. Naiimpluwensyahan ng mga magulang ang kanilang anak kapag sila ay pinatulog na nito sa gabi. Pasok din sa usapan ang cultural norms, lifestyle at kahalagahan ng pagtulog.
Tamang oras ng tulog ng mga bata: Kahalagahan sa kanilang kalusugan | Image from iStock
Mayroong guidelines para sa dapat na tinatagal ng pagtulog ng bawat bata. Ngunit sa usaping maagang pagtulog ng bata? Hindi ito nabibigyan ng importansya. Para sa mga pre-schooler, kinakailangan nilang matulog ng 7PM hanggang 8PM. Ito ay para masiguradong makakuha sila ng sapat na tulog.
Bilang mga magulang, kailangan natin silang sanayin na magkaroon ng tamang bedtime routine. Ang pagkakaroon ng iregular na pagtulog ay pumipigil lang sa natural na galaw ng katawan. Bukod pa rito, maaaring magkaroon ng behavioral challenges ang iyong anak kung siya ay nasanay sa maling oras ng pagtulog.
Mahalaga ang childhood ng iyong anak para mabuo ang kanilang strong foundation para sa kanilang paglaki. Ang pagkakaroon ng magandang sleeping habit ay magdadala sa kanila bilang isang malusog na bata.
Yaqoot Fatima, Senior Research Fellow, James Cook University
This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!