Epekto ng pagpupuyat sa bata, maaaring makasama sa overall development niya. Ito ay base sa pahayag ng mga eksperto at resulta ng mga pag-aaral.
Mababasa sa artikulong ito:
- Masamang epekto ng pagpupuyat sa bata
- Ang mga maaaring gawin upang mai-encourage ang iyong anak na matulog ng maaga
6 Epekto ng pagpupuyat sa bata
Hindi naman kaila sa atin na may masamang epekto sa kalusugan ang pagpupuyat. Bata man o matanda ay hindi naman dapat magpuyat hangga’t maaari. Pero ayon sa mga eksperto at resulta ng mga pag-aaral, habang bata ang iyong anak ay dapat turuan na siyang huwag makasanayan ang pagpupuyat. Sapagkat ito’y maaaring magkaroon nang malaki at masamang epekto sa kaniyang overall development.
Ang masamang epekto ng pagpupuyat sa bata nga na ito, ay ang sumusunod:
1. Mas madaling silang magkakasakit.
Ayon sa pediatrician na si Dr. Sujay Kansagra, ang mga batang hindi nakakatulog ng sapat sa oras ay mas nagiging sakitin. Ito ay dahil ang kakulangan sa tulog ay mas nagpapahina ng kanilang immune system.
Kaya naman sa oras na sila ay ma-expose sa virus habang nasa labas ng bahay o sa kanilang school ay mas madali sila mahahawa rito at magkakasakit. Si Dr. Kansagra ay ang director ng pediatric neurology sleep medicine program sa of Duke University sa North Carolina.
2. Pinapataas din nito ang tiyansa na magkaroon sila ng seryosong health problems.
Sapagkat naapektuhan nito ang kanilang immune system, mataas din ang tiyansa na magkaroon ng seryosong sakit ang mga batang laging nagpupuyat. Tulad na lamang ng obesity, high blood pressure, heart disease, stroke, irregular heartbeat, at diabetes. Ayon kay Jessica Brown, isang board certified expert sa pediatric sleep medicine mula sa Louisiana, USA.
Photo by cottonbro from Pexels
3. Slow mag-isip at hirap mag-focus ang batang laging puyat.
Maliban sa pagiging sakitin, ayon pa rin naman kay Dr. Kansagra, ang isa pang masamang epekto ng pagpupuyat sa bata ay ang nagiging impact nito sa brain development nila. Paliwanag ni Dr. Kansagra, ang mga bata lalo na sa kanilang teenage years ay nagsisimula pa lamang mag-develop ng kanilang decision-making skills.
Ito ay maaaring maapektuhan ng pagpupuyat dahil sa nada-damage nito ang bahagi ng utak na responsable sa development ng skill na ito. Ang resulta nito nagiging mabagal silang magdesisyon at humihina ang kanilang memorya. Nahihirapan din silang mag-focus o magbigay ng atensyon sa isang bagay.
“Young people, especially teens, are still developing their frontal lobe and decision-making skills. But when sleep deprivation is exacerbated, your frontal lobe is most impaired. This can cause mental function to be reduced similar to that of a drunk person, where decision making processes are delayed and impaired, attention is shortened, and memory functioning is decreased.”
Ito ang pahayag ni Dr. Kansagra na sinuportahan ng isang pag-aaral. Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa mga batang edad 5-12 anyos, ang pagpupuyat ay nagpapabagal sa pagta-transmit ng impormasyon sa utak.
Maliban dito ay pinapabagal rin nito ang activity sa loob ng utak na mahalaga sa development ng isang bata. Ang nasabing pag-aaral ay nailathala sa journal na Frontiers in Human Neuroscience nitong 2016.
4. Tumataas ang tiyansa na magkaroon ng behavioral problems at academic problems ang isang bata.
Sapagkat ang epekto nito sa brain development ng isang bata, ang pagpupuyat ay nagpapataas din umano ng tiyansa na magkaroon ng behavioral problems ang isang bata.
Mataas din ang tiyansa niyang maging low performer sa school. Ito ay ayon naman kay Lynelle Schneeberg na assistant professor sa Yale School of Medicine at director ng behavioral sleep program sa Connecticut Children’s Medical Center sa USA.
School photo created by jcomp – www.freepik.com
BASAHIN:
Hirap makatulog si baby sa gabi? 5 things na puwede mong gawin
4 steps para mapatulog nang maaga ang bata
STUDY: Mga couples na sabay matulog, mas matatag ang relasyon
5. Ang batang laging puyat ay mataas ang tiyansang makaranas ng anxiety, mood-related problems at depression.
Ayon pa rin kay Schneeberg, ang mga batang mahilig magpuyat ay mataas din ang tiyansang makaranas ng anxiety, mood-related problems at depression. Sila rin ay madalas na nakakaranas ng nightmares o bangungungot. Maaari rin silang mag-sleepwalk o umihi sa higaan dahil sa kakulangan sa tulog.
Sa katunayan dahil sa labis na pag-aalala at pag-iisip dahil sa anxiety at depression ay mas lalong nahihirapang makatulog ang sinumang nakakaranas ng kondisyon.
6. Mataas din ang tiyansang mag-commit ng suicide o kaya naman ay saktan ang kanilang sarili ng mga batang laging puyat.
Ayon naman kay Susan Malone, isang scientist at researcher mula sa New York, ang pinakanakakabahalang epekto ng pagpupuyat sa bata ay ang pagpapataas nito ng tiyansa na sila ay mag-commit ng suicide o self-harm. Ito ay base umano sa resulta ng isang pag-aaral na nailathala sa journal na JAMA Pediatrics noong 2018. Pahayag ni Malone,
“The strongest link was between mood and self-harm, such that high school students sleeping less than 6 hours were more than three times as likely to report considering suicide, making a suicide attempt plan, or attempting suicide than high school students sleeping 8 hours or more.”
Paano mai-encourage ang iyong anak na matulog ng maaga?
Para maiwasan ang mga nabanggit na masamang epekto ng pagpupuyat sa bata ay dapat i-encourage ang iyong anak na matulog ng maaga. Bilang magulang, may mahalaga kang papel na ginagampanan para maisagawa ito. Ayon pa rin sa mga health experts, narito ang mga maaari mong gawin.
Limitahan ang paggamit ng gadgets ng iyong anak.
Ang pagkawili sa gadgets at internet ang isa sa mga dahilan kung bakit napupuyat ang isang bata. Kaya naman para maiwasan ito ay dapat limitahan na ang kaniyang screen time. Ito ay ayon pa rin kay Schneeberg na sumulat din ng isang guide tungkol sa pagkakaroon ng maayos na tulog at bedtime ng batang edad 3-10. Ito ay pinamagatang, “Become Your Child’s Sleep Coach: The Bedtime Doctor’s 5-Step Guide, Ages 3-10.”
Base sa kaniyang isinulat na libro, ilan sa mga hakbang na maaaring gawin ay ang pagpatay sa mga gadgets at devices bago matulog ang iyong anak. Paglalagay sa mga devices sa labas ng kuwarto bago matulog at sa buong magdamag. Ang paglalagay rin sa mga ito sa night mode o non-blue light mula dinner hanggang breakfast.
Ipaliwanag sa iyong anak ang benepisyo ng pagtulog nang maaga at sapat sa oras.
Ayon sa sleep expert na si Terry Cralle, mabuting ipaliwanag sa iyong anak ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos at sapat na tulog. Pati na rin ang maaring maging masamang epekto ng pagpupuyat sa bata na maaari nilang maranasan na pwede namang maiwasan. Ipaliwanag sa kaniya na mahalaga ang pagtulog sa tama at sapat na oras sa kaniyang paglaki. Upang siya’y manatiling malusog.
Photo by Karolina Grabowska from Pexels
I-organize ang kuwarto ng iyong anak at gawin itong bedtime friendly.
Gawing bedtime friendly ang kuwarto ng iyong anak para mas madali siyang makatulog sa loob nito. Dapat ito ay dark, quite at comfortable. Makakatulong din kung lalagyan ito ng mga characters na mag-i-excite sa iyong anak na mahiga at mag-stay sa loob ng kaniyang kuwarto hanggang siya ay makatulog.
Gawing positive ang experience ng iyong anak sa bedtime o oras ng pagtulog.
Huwag gawing punishment o parusa sa kaniya ang pagtulog ng maaga. Hindi rin dapat gawing reward ang pagtulog ng late para hindi siya mai-encourage na gawin ito.
Imbis na sabihin sa kaniya na, “Kailangan mo ng matulog” ay palitan ito na “Sige, matulog ka na”. Ito ay para maiparamdam sa kaniya na ang pagtulog ng maayos sa gabi ay isang bagay na dapat niyang pasalamatan. Hindi isang bagay na dapat niyang gawin at katakutan.
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
Magkaroon ng bedtime routine.
Ang pagkakaroon ng bedtime routine ay makakatulong din upang masanay na matulog ng maaga ang iyong anak. Tulad nang pagbabasa ng isang story o kuwento bago siya matulog.
O kaya naman ay pagdadasal bilang pagpapasalamat sa naging magandang araw niya at sa gabing nabigyan siya ulit ng pagkakataong makapagpahinga at makatulog ng mahimbing.
Source:
Science Daily, Healthline
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!