X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

4 steps para mapatulog nang maaga ang bata

5 min read

Isa sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga magulang ang pagpapatulog sa mga bata lalo na kung ito’y nasa dalawang taong gulang na, alamin ang mga paraan ng pampatulog para sa iyong anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paraan ng para mapatulog ang bata ng mabilis
  • Kahalagan ng pagkakaroon ng routine bago matulog
pampatulog ng bata

Photo by Helena Lopes from Pexels

 

Ang bedtime o oras ng pagtulog ay isa sa mga mahahalagang moment ninyo ng iyong anak. Dito kasi mas nakakaroon kayo ng oras na magkasama. Nalalambing ninyo ang inyong anak sa mga oras na ito. Para sa maraming pamilya ang bedtime o oras ng pagtuloy ay isa ring serye ng mga aktibidad mula sa pagsisilpiyo ng ngipin hanggang sa pagbabasa ng isang bedtime story sa iyong anak.

Masasabing madali lamang ang mga routine na ito at kasama na ito sa inyong pang-araw-araw na gawain. Pero alamin natin ang halaga at mga paraan sa pampatulog ng mga bata o ng inyong mga anak.

 

4 steps para mabilis mapatulog ang bata at kahalagan nito

1. Magkaroon ng consistent na oras para sa pagpapatulog sa iyong anak.

Mahalaga ang pagkakaroon ng schedule o oras kung kailan dapat matulog ang iyong anak. Kailangan na tuloy-tuloy ang ganitong routine. Tandaang importante ang sapat na tulog para sa mga bata dahil nakakatulong ito para sa brain at cognitive development nila. Maaaring magkaroon ng negatibong epekto ito kung ito’y mao-overlooked.

Ang pagkakaroon din ng sapat at good night sleep ay makakapag-refresh sa inyong mga anak at mas makakapokus siya sa mga gawain niya sa susunod na araw.

2. Pagsisilpiyo sa gabi bago matulog.

Ang pagsisipilyo bago matulog ay isa sa mga awtomatikong routine bago matulog. Mahalaga ito sa kalusugan at hygiene ng kahit sino. Pero crucial ang pagsisipilyo bago matulog at pagkagising sa umaga. Ang hindi pagsisipilyo ay maaaring magdulot ng cavities, at kung hindi ito magagamot maaari itong madulot ng pananakit ng ngipin at hirap sa pagtulog. Sa ilang mga extreme cases maaari itong magdulot ng pagbunot sa ngipin.

BASAHIN:

8 kwentong pambata na bagay tuwing bedtime story

Mga Tips para sa Pagpapatulog kay Baby

6 na rason kung bakit kailangang matulog ng bata sa hiwalay na kuwarto

Halos lahat ng bata sa mundo ay nagsa-suffer ng dental disease at ang ilan sa mga dental disease na ito ang kayang maiwasan sa tamang pagsisipilyo. Ang routine na ito’y hindi lamang makakatulong sa pagpapatulog sa inyong anak kundi makakatulong din sa kaniyang kalusugan.

3. Pagbabasa ng bedtime story sa inyong anak bago matulog.

pampatulog ng bata

Photo by Lina Kivaka from Pexels

Ang simpleng pagbabasa sa inyong anak bago matulog ay maraming benepisyo para sa mga bata. Makakatulong ito sa kaniyang language development, creative thinking, at iba pang critical cognitive functions na nai-stimulate ng ganitong klaseng mga aktibidad.

Maraming mga libro o storytelling books na may iba’t ibang istorya na pwede sa inyong anak. Ang pagbabasa rin ng bedtime stories sa inyong anak ay makakatulong upang magkaroon ng mga priceless opportunities para sa inyong mga magulang upang maging kalahok kayo sa inyong anak sa creative at positibong paraan. Sa pamamagitan nito makakatulong ito na magkaroon ng soothing at relaxing effect sa mga bata kung saan mapapadali ang kanilang pagtulog.

4. Magkaroon ng interactive at encouraging activities sa inyong pamilya.

pampatulog ng bata

Photo by Alex Green from Pexels

Ang pagkakaroon ng mga aktibidad araw-araw, katulad ng pagkakaroon ng mini games sa bahay ay makakatulong upang ma-establish ninyo ang routine sa inyong anak. Pwede rin naman na bigyan ang inyong anak ng task katulad ng pagtulong sa pagluluto o pagliligpit sa inyong bahay.

Sa pamamagitan din nito nae-enhance ang inyong relasyon sa inyong anak ang naglilikha ito ng stronger bonds sa pagitan ninyo. Nakakatulong din ito sa pag-promote ng prosocial development sa isang bata.

Ang pagkakaroon ng mga routine na kagaya nito ang makakatulong upang mabilis na mapatulong ang inyong mga anak. Sa pagkakaroon kasi ng routine nae-establish ang kaniyang kamalayan kung ano ang kaniyang mga gawain at kung anong oras na ba siya dapat matutulog. Kapag nakasanayan niya ang routine na ito madali na sa kaniya ang matulog sa gabi dahil alam na niya na ito’y oras ng pagtulog at hindi paglalaro.

Ayon sa eksperto  

Sinabi ni George Ktsaras Ph.D isang psychologist, ang pagkakaroon ng magandang bedtime routine ay makakatulong sa inyong anak, “A good bedtime routine can help children sleep better, maintain good oral health, and promote their cognitive, language, emotional, and prosocial development.”

Dagdag pa niya, “Obviously, bedtime routines are not a panacea-solution to all health, well-being, and development issues for children. Children’s overall wellbeing will be determined by a myriad of other contextual, environmental, genetic, and social factors. “

Hindi umano ibig sabihin nito hindi dapat pinapalampas ang bedtime routine at dapat tandaan na mayroon itong mahalagang espasyo sa pang-araw-araw na schedule ng inyong pamilya. Mainam itong para sa pampatulog ng bata.

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Tandaan umano na ang pagkakaroon ng consistent na bedtime routine, ay nagpapataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng magagandang benepisyo para sa inyong mga anak sa susunod na mga taon.

 

Source:

psychologytoday

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 4 steps para mapatulog nang maaga ang bata
Share:
  • 5 tips para mapatulog nang mahimbing si baby

    5 tips para mapatulog nang mahimbing si baby

  • Bakit nga ba tumatayo ang mga ina para patulugin si baby?

    Bakit nga ba tumatayo ang mga ina para patulugin si baby?

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 5 tips para mapatulog nang mahimbing si baby

    5 tips para mapatulog nang mahimbing si baby

  • Bakit nga ba tumatayo ang mga ina para patulugin si baby?

    Bakit nga ba tumatayo ang mga ina para patulugin si baby?

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.