Sa lahat ng nabasa mong kwentong pambata sa iyong anak, baka wala talagang swak para sa isang bedtime story. Ang mga bedtime story o mga kwentong pambata ay nagpapakalma sa iyong anak upang siya’y makatulog.
Ang lahat ng bedtime books at kwentong pambata nasa listahang ito at soothing at kaaya-aya kahit na paulit-ulit mo itong basahin para sa iyong anak.
8 na kwentong pambata na swak sa bedtime story time para sa mga baby at toddler
‘Goodnight Moon,’ ni Margaret Wise Brown. Isinalarawan ni Clement Hurd
Ito ang nag-iisang gold standar para sa isang magandang bedtime picture books — dahil sa magagandang rason. Ang repetition, ang lulling rhythms, ang misteryo (sino ang matandang babae na bumubulong?). Habang binabasa mo ito sa iyong anak habang sa gabi, ang iyong anak ay tiyak na makakatulog agad.
‘Good Night, Gorilla,’ ni Peggy Rathman
Kaunti lamang ang mga ginamit na salita pero mas marami namang bedtime fun ang hatid ng kwentong pambata na ito. Bilang isang zookeeper siya’y nag-iinspeksyon sa zoo tuwing gabi, sinasabihan ang mga bawat hayop ng goodnight, habang sinusundan siya ng isang gorilla, at habang lumilipat siya sa ibang hayop upang sabihan ng goodnight ay pinakawalan naman ng gorilla ang bawat hayop na nasabihan na niya ng goodnight. Hanggang sa sinamahan siya lahat ng mga hayop at kaniyang asawa sa kanilang kwarto. Ang bumalik na sa zoo ang mga hayop, at nakatulog na rin ang mga tao, at ganun na rin ang iyong baby.
Bilhin sa Amazon.
‘The Going to Bed Book,’ ni Sandra Boynton
Katulad ng lahat ng Boynton board books, ang kwentong pambata na ito ay silly at upbeat. Ang mga rhymes na naririto ay talaga namang catchy na gugustuhin mong basahin ulit ng paulit-ulit matapos mo itong tapusing basahin. Makakatulong ito sa pagpapatulog sa iyong anak lalo na kung isasama mo ito sa kaniyang routine.
Bilihin sa Amazon.
Nagtagpo ang truck book at ang bedtime story. Para sa mga maliliit nating tagapakinig. Ang kwentong ito ay isang sweet, cooperative group ng mga machine, na nagtutulungan sa kanilang gawain upang makatulog at makapagpahinga sila. Ang mga rhymes dito ay mahusay, at ang mga sasakyan sa na makikita sa libro ay napakaganda.
Bilhin sa Amazon.
Ang iyong baby at ikaw ay matutuwa sa magagandang artwork sa librong ito. Isang little owl ang dadalhin tayo sa isang sleeping animal kingdom, ipapakita ng librong ito ang iba’t ibang paraan ng pagtulog ng mga hayop.
Bilhin sa Amazon.
‘Llama Llama Red Pajama,’ ni Anna Dewdney
Makaka-relate ka sa kwentong ito dahil puno ito ng sweetness. Siyempre, ayaw niya pang matulog, pero ang kaniyang wise mama ay gagawin ang isang smooth transition — at ang mga perfect rhymes, warm at emotionally aware art ay makakatulong din sa pagpapatulog sa inyong anak.
Bilihin sa Amazon.
‘Ladybug Girl Says Good Night,’ ni David Soman at Jacky Davis
Ang Ladybug Girl ay isang serye na punong-puno ng mga karanasan natin sa pang-araw-araw at imahinasyon kasama na rin ang magagandang artwork sa bawat pahina ng libro. Isa ng bedtime routine ang kwentong Ladybug Girl, comforting at imaginative ang libro.
Bilhin sa Amazon.
‘Little Owl’s Night,’ ni Divya Srinivasan
Isang nakakatawang kwento na may twist, habang ang isang Little Owl ay gumagala sa gubat tuwing gabi, at pagkatapos makakatulog kapag pasikat na ang araw. Ang black background sa bawat pahina ay nakakadagdag ng interes para basahin ang librong ito.
Bilhin sa Amazon.
“8 Great Bedtime Books for Babies and Toddlers” ni Maria Russo © 2020 The New York Times Company
This story was originally published on 27 November 2019 in NYT Parenting.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Marhiel Garrote
BASAHIN:
Lullaby songs na makakatulong upang mabilis makatulog si baby
10 bedtime stories with morals that help teach Filipino!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!