Ayon sa isang pag-aaral, ang pagtulog ng sabay ang sikreto kung paano patatagin ang relasyon. Narito kung paano at bakit?
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit mahalagang matulog kayong sabay ni misis o mister?
- Mga benepisyo ng pagtulog ninyo ng sabay ng iyong partner.
Pagtulog ng sabay, sikreto kung paano patatagin ang relasyon
Sabay ba kayong matulog ni mister? O may isang laging nahuhuling matulog sa inyo dahil busy sa pag-i-internet o masyadong laging maraming tinatapos na trabaho?
Bagama’t, pareho kayong loyal sa isa’t-isa, ayon sa isang pag-aaral ang hindi ninyo pagtulog ng sabay ng inyong partner ay maaaring makasama sa inyong pagsasama.
Ito ang natuklasan ng pag-aaral na ginawa ng psychology professor at researcher na si Michelle Drouin. Kasama ang research scientist na si Dr. Brandon McDaniel.
Paliwanag ng pag-aaral
Ayon kay Drouin, matapos mag-interview ng 289 na mag-asawa tungkol sa kung ano ang nighttime routines nila natuklasan nilang marami ang magkakaiba ang ginagawa. Mayroong nauunang matulog dahil ang kanilang asawa ay busy manood ng TV o kaya naman ay busy sa harap ng computer nila.
Ang mga ito, ayon sa majority ng mga participants ng ginawang pag-aaral ay nagdudulot sa kanila ng frustration. Dahilan kung bakit pakiramdam nila’y hindi na sila masaya sa kanilang relasyon.
Maliban dito natuklasan din ng ginawang pag-aaral na ang hindi pagtulog ng sabay ng mag-asawa ay nakakaapekto sa physical intimacy nilang dalawa.
Pinapababa rin nito ang kanilang bedtime satisfaction. Ganoon din ang kanilang satisfaction sa sex, sa kanilang relasyon at buhay.
May isang pag-aaral rin ang nakapagsabi na kapag tumungtong na sa 3 ½ year ang isang relasyon ay nagsisimula ng i-take for granted ng magka-partner ang isa’t isa. Ito rin ang mga panahon na kung saan nagsisimula na silang hindi matulog ng magkasabay.
People photo created by yanalya – www.freepik.com
Masamang epekto sa pagsasama ng hindi pagtulog ng sabay ng magka-partner
Habang ayon naman sa pag-aaral na ginawa ng researcher na si Jeffrey Larson, ang mga mga couples na may magkaibang sleeping patterns ay na-report na nakakaranas ng sumusunod:
- Madalang o hirap sa pag-iintindi sa ugali ng bawat isa.
- Hindi pag-uusap ng maayos o seryoso.
- Hindi pagkakaintindihan sa pagsasama.
- Kawalan ng oras na gumawa ng mga activities na magkasama.
- Mas madalang na pakikipagtalik kumpara sa mga couples na sabay matulog.
BASAHIN:
5 karaniwang pinag-aawayan ng bagong mag-asawa at paano ito masosolusyonan
STUDY: 12 common mistakes na nakakasira sa relasyong mag-asawa
Bakit hindi sapat ang PAG-IBIG para sa isang matatag na relasyon?
Magandang epekto ng pagtulog ng sabay sa pagsasama
Love photo created by wayhomestudio – www.freepik.com
Kaya naman payo at rekumendasyon ng mga nabanggit na pag-aaral, ang pagtulog ng sabay ay isa sa mga sikreto kung paano patatagin ang relasyon. Maliban sa daan ito upang mas magkaroon ng physical intimacy ang mag-asawa, marami pang magandang epekto ito sa pagsasama. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Ayon sa pag-aaral na nailathala sa journal na Psycho Med, ang mga babaeng kasabay na matulog ang kanilang mister sa gabi ay naitalang mas positive ang gising kinabukasan. Bilang resulta ay nagiging positive din ang interactions nila ni mister sa buong araw nila.
- Para naman sa psychologist at sleep medicine specialist na si Wendy Troxel, ang pagtulog ng sabay ng magka-partner ay ang perfect time rin para iparamdam nila ang pagmamahal sa isa’t isa. Sa tulong ng pagka-cuddle sa tuwing sila’y magkatabi ay natutulungan nilang ma-relax ang kanilang mga katawan at mas ma-nurture pa ang kanilang relasyon. Ito’y nagbibigay rin sa kanila ng feeling of safety at security sa kanilang pagsasama.
- Ayon pa rin sa isang pag-aaral, kapag ang mag-asawa matapos magtalik ay mag-uusap muna bago sabay na matulog ay nagiging daan para mas ma-disclose nila ang feelings nila sa isa’t isa. Ito ang mas nagpapatibay ng kanilang trust, satisfaction at closeness sa pagitan nilang dalawa.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Pero hindi lang dapat basta sabay matulog, dapat ay close rin ang magka-partner sa higaan nila.
Pahayag naman ng isang pag-aaral, hindi lang dapat sabay matulog ang mag-asawa. Dapat ay close rin sila. Sapagkat base sa isa pang pag-aaral, natuklasan na ang mga mag-partner na natutulog na less than one-inch apart lang ay mas kontento sa kanilang relasyon.
Sila rin ay na-report na mas masaya at mas stress-free kumpara sa mga mag-partner na may no-touching policy sa oras na matutulog na.
Sa kabuuan, ang pagtulog ng sabay ng mag-asawa ay hindi lang basta paraan ng pag-rerelax at pagpapahinga. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon kayo ng oras na maiparamdam ang pagmamahal ninyo sa isa’t isa.
Perfect time rin ito para kayo ay makapag-usap kung paano haharapin ang inyong problema. At kung paano mas patitibayin pa ang inyong pagsasama.
Source: Psychology Today, Telegraph UK, PMC
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!