Bakit namamatay ang baby sa loob ng tiyan? Narito ang mga dahilan at paano ito maiiwasan.
Bakit namamatay ang baby sa loob ng tiyan
Ang pagkamatay ng baby sa loob ng tiyan ay tinatawag na miscarriage o spontaneous abortion. Ito ay madalas na nangyayari mula sa una hanggang pangatlong trimester ng pagbubuntis. Ang pangunahing sintomas nito ay pagdurugo o vaginal bleeding, pananakit ng tiyan o cramping. Na sasabayan rin ng pananakit ng likod.
Marami ang maaring maging dahilan ng miscarriage sa isang pagbubuntis. Tulad nalang ng mga genetic or chromosome issues na hindi maaring kontrolin ng babaeng nagbubuntis. Maari ring dulot ito ng mga health condition o sakit na taglay ng buntis. O kaya naman ay ang kaniyang lifestyle habits na nakakaapekto sa kaniyang dinadalang baby.
Mga itinuturong dahilan
Ilan nga sa itinuturong dahilan kung bakit namamatay ang baby sa loob ng tiyan ay ang sumusunod. Dahil ang mga ito ay napatunayang nakakaapekto sa development ng fetus ayon sa siyensa at mga pag-aaral.
- poor diet, o malnutrition
- drug at alcohol use
- advanced maternal age o pagbubuntis sa edad na 35 pataas
- untreated thyroid disease
- hormone issues
- uncontrolled diabetes
- infections
- trauma
- obesity
- problema sa cervix
- abnormally shaped uterus
- exposure sa mga harmful chemicals o radiation
- excessive caffeine consumption
- severe high blood pressure
- food poisoning
- pag-inom ng ilang medications o gamot
Mga uri ng pagbubuntis na nauuwi sa miscarriage
Maliban sa mga nabanggit, may mga uri ng pagbubuntis na dahilan rin kung bakit namamatay ang baby sa loob ng tiyan. Ito ay ang sumusunod:
Ectopic pregnancy
Ang ectopic pregnancy ay ang uri ng pagbubuntis na kung saan ang embryo ay nabuo sa labas ng uterus ng isang babae. Madalas ang embryo ay nabubuo sa fallopian tubes na kung saan hindi kaya ng fetus na mag-survive.
Molar pregnancy
Ito naman ang uri ng pagbubuntis na kung saan hindi nag-develop ng maayos ang non-viable fertilized egg sa uterus ng isang babae. Imbis na maging isang embryo, ito ay nagiging tumor na napadelikado sa babaeng nagtataglay nito. Karamihan ng molar pregnancy ay nauuwi sa miscarriage.
Blighted ovum
Ang uri ng pagbubuntis na ito ay tinatawag ding anembryonic pregnancy. Dahil sa blighted ovum ay may nag-develop na panubigan o amniotic sac sa sinapupunan ng isang babae ngunit ito ay walang lamang embryo sa loob. May mga pagkakataon naman na simula ng pagbubuntis ay hindi maayos na na-develop ang embryo at inabsorb muli ito ng kaniyang uterus.
Iba’t-iba klase ng miscarriages
Mula sa mga nabanggit na dahilan ay maari ng mangyari ang miscarriage sa pagbubuntis. At ito ay may iba’t-ibang klase na nakadepende sa stage ng pagbubuntis at mga sintomas na ipinapakita nito.
Ang mga klase ng miscarriages ay ang sumusunod:
Threatened miscarriage
Ito ay ang stage na kung saan ang katawan ng isang buntis ay nagpapakita ng sintomas na maari siyang makunan. Dito ay maaring makaranas siya ng pananakit sa ibabang bahagi ng kaniyang tiyan. Pati na ang pagdurugo ng konti o little vaginal bleeding. Maari itong tumatagal ng ilang araw o linggo habang ang cervix naman ay nanatili paring sarado.
Inevitable miscarriage
Ito ang uri ng miscarriage na mangyayari kapag hindi naagapan ang threatened miscarriage. Mas lalakas ang vaginal bleeding at titindi ang stomach cramps sa uri ng miscarriage na ito. Dito na bubukas ang cervix na kung saan maari ng tuluyang malaglag ang fetus na dinadala ng buntis.
Complete miscarriage
Ang complete marriage naman ay nangyayari kapag tuluyan ng naalis ang pregnancy tissue sa uterus ng isang babae. Dito patuloy na makakaranas ng pagdurugo ang babae ng ilang araw. Pati na ang pananakit ng tiyan ng tulad ng naglalabor o nagdi-dysmenorrhea.
Incomplete miscarriage
Incomplete miscarriage naman ang tawag sa uri ng miscarriage na kung saan may mga naiwan pang pregnancy tissues sa uterus ng isang babae. Patuloy parin ang pagdurugo sa stage na ito. Ganoon din ang pananakit ng tiyan o cramps. Sa stage na ito ay maari ring ipayo ng doktor na dumaan ang isang babae sa dilation and curettage o D&C. Ito ay upang matanggal ang mga natitirang pregnancy tissue sa kaniyang uterus.
Missed miscarriage
Ang uri ng miscarriage na ito ay hindi nagpapakita ng mga sintomas na pagdurugo at pananakit ng tiyan. Sa halip ay mapapansin lang ng babaeng buntis na siya ay may brownish discharge. At ang sintomas ng pagbubuntis ay unti-unti ng nawala. Tanging ang ultrasound scan lang ang makakapagsabi na nakunan na pala siya at patay na ang kaniyang baby.
Recurrent miscarriage
Ito naman ay ang paulit-ulit na pagkakalaglag ng dinadalang sanggol ng isang babae. Sa oras na makaranas ng 3 o higit pang miscarriage ng sunod-sunod ay mabuting makipag-usap na sa doktor tungkol sa iyong sitwasyon upang ito ay agad ng maimbestigahan.
Septic miscarriage
Ito ay ang impeksyon na nararanasan ng isang babae kapag nakunan o nakaranas ng miscarriage. Ilan sa sintomas nito ay ang lagnat, chills, pananakit ng tiyan, vaginal bleeding at vaginal discharge na makapal at mabaho.
Paano maiiwasan ang miscarriage
May mga paraan naman upang maiwasan ng isang babaeng buntis ang miscarriage, bagamat ito ay hindi sa lahat ng oras. Ang mga paraang ito ay ang sumusunod:
- Magkapa-konsulta ng regular sa kabuuan ng iyong pagbubuntis.
- Iwasan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng illegal na droga.
- Panatilihin ang malusog na timbang.
- Umiwas sa mga taong may sakit at ugaliin ang paghuhugas ng kamay.
- Limitahan ang pag-inom ng kape.
- Uminom ng prenatal vitamis.
- Kumain ng masusustansiyang pagkain at matulog ng tama sa oras.
Source:
Pregnancy Birth Baby, Healthline, March of Dimes
BASAHIN: How to cope with a miscarriage the healthy way
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!