Matapos manganak, kalimitan hirap na hirap ang mga mommy na bumalik sa kanilang katawan noong dalaga pa. Tila nagsilakihan na ang lahat ng parte ng katawan—lalong-lalo na ang balakang. Isang bata lang ang lumabas pero bakit parang isang baranggay ng fats ang nag-stay?
Ngunit hindi dapat malungkot ang mga curvy mommies. Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng taba sa balakang, hita at pwet ay nakakabuti sa pag-develop ng utak ni baby at nagbibigay sa kaniya ng mas malaking tsansa ng survival!
Madaming taba, matalinong bata
Sa pag-aaral ng mga scientists sa University of Pittsburgh, ang brain development daw ng baby ay naka-depende sa taba na nakukuha sa hita, balakang, at pwet ng nanay—na naipapasa naman kay baby sa pamamagitan ng pagpapasuso. Sa bandang balakang daw kasi naka-store ang fats na mataas sa DHA (docosahexaenoic acid) na kailangan para ma-develop ang utak. Kaya mas madaming taba si mommy, mas developed ang brain ni baby!
Mula sa University of Pittsburgh, si Professor Will Lassek, isang public health epidemiologist, ay nag-aral ng relasyon sa pagitan ng DHA at ng katalinuhan. Inilathala niya ang kaniyang pagsasaliksik sa librong Why Women Need Fat.
Ayon sa kaniya, sadyang nag-iimbak ng taba ang katawan ng mga kababaihan habang buntis para magamit ito bilang DHA sa breast milk paglabas ni baby. Kapag nanganak na at nagsimula nang magpasuso si mommy, ginagamit na ang stored fats sa may parte ng balakang. Dagdag pa niya na 80% ng kailangan na DHA ni baby ay nanggagaling sa mga tabang ito. Kaya naman mas mabilis pumayat ang mga nanay na nagpapasuso kaysa sa mga nanay na hindi nagbe-breastfeed.
Kaya wag nang malungkot, mommy, kung hindi ka pa rin bumabalik sa dati mong timbang. Isipin mo na lang na sa bawat kilo na kailangan mong ipagpapayat, tumataas din ang chance na maging matalino si baby!
A post shared by Kim Kardashian West (@kimkardashian) on
Source: The Times
Isinalin sa Filipino ni Candice Venturanza mula sa artikulong https://ph.theasianparent.com/moms-with-big-hips
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!