LOOK: Bangs Garcia, ipinakita ang kaniyang 2-month postpartum body

Ipinakita ng celebrity mom na si Bangs Garcia sa publiko ang kaniyang 2-month postpartum body pagkatapos ng kaniyang 2nd birth sa anak na si baby Isabella.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ginulat ni Bangs Garcia ang publiko sa kaniyang 2-month postpartum body pagkatapos ng kaniyang 2nd birth sa anak na si baby Isabella. Tila walang bakas ng panganganak ang katawan ng aktres!

LOOK: Bangs Garcia, ipinakita ang kaniyang 2-month postpartum body

Noong February 2020, ibinahagi ng aktres at ngayo'y mom of two na si Bangs Garcia ang kaniyang 2nd pregnancy. At noon nga lang July 21, matagumpay niyang ipinanganak ang kaniyang pangalawang baby sa asawang si Lloyd Birchmore na si baby Isabella.

Bangs Garcia, ipinakita ang kaniyang 2-month postpartum body after birth | Image from Bangs Garcia Instagram

Sa kaniyang Instagram account, dito niya masayang ipinakilala sa publiko ang kaniyang 2nd baby girl!

"Happy Birthday, Isabella!!! Born on 21st July 2020 at 9:30am weighing 7.8 lbs. ( exactly as heavy as her big sister Amelia when she was born) #IsabellaBirchmore" -Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia)

Halos dalawang buwan na ang nakalipas nang manganak si Mommy Bangs. Nito nga lang September 25, namangha ang publiko sa ibinahagi nitong litrato ng kaniyang postpartum body pagkatapos manganak habang nakasuot ng kulay asul na swimsuit. Ipinagtabi niya ang lumang litrato noong siya ay 9 months pregnant pa at ang 2 months after birth na picture nito.

Tila walang bakas ng panganganak!

Nagbigay rin ng payo ang celebrity mom tungkol sa naging sikreto nito para ma-achieve ang katawan niya pagkatapos manganak. Ayon dito, isang mahalagang factor na kailangang tandaan ng mga moms na kakapanganak pa lang ay ang regular na ehersisyo habang nagbubuntis at pagkaanak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Working out on your path to pregnancy & during pregnancy does wonders for you & your future baby!"

-Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia)
Bangs Garcia, ipinakita ang kaniyang 2-month postpartum body after birth | Image from Bangs Garcia Instagram
Malaking tulong ang pagiging fitness freak nito noong taong 2014-2016 sa kaniyang pregnancy journey.

"I was a fitness freak in 2014-2016 when I was still in the PH, and it actually payed off now that I am a mother (of two)! My 1st pregnancy took place in March 2017 & I’ve migrated here in the UK 2 mos. before I gave birth. Since then I haven’t been to the gym but it didn’t stop me from working out a few months after I gave birth whenever time permitted me at home." -Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia)

Parte ng kaniyang workout routine ang pagpalakas ng braso, likod, balakang at legs para walang hassle na kargahin ang iyong baby. "strengthen your arms, back, hips and legs so you can carry your baby around with ease," Kasama na rito ang pagiging aktibo sa gawaing bahay katulad ng pagdidilig ng halaman, paglalakad o iba pang aktibidad. "walking in the woods, gardening, housework, or anything that gets your heart pumping."

Bangs Garcia, ipinakita ang kaniyang 2-month postpartum body after birth | Image from Bangs Garcia Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailangan din ng matinding disiplina sa sarili para ma-achieve ang healthy at fit body pagkatapos manganak. Syempre, isa pang sikreto ay ang yakap ng mahigpit sa iyong new journey bilang nanay.

"Enjoy every moment of motherhood and just keep a positive attitude for it will lead you to positive outcomes!"

-Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia)

Ikinasal si Bangs Garcia kay Lloyd Birchmore noong December 2017 at sila ay may dalawang anak.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Bangs Garcia Instagram

BASAHIN:

Congratulations! Ipinanganak na ni Bangs Garcia ang kaniyang pangalawang baby

LOOK: Bangs Garcia married Lloydi Birchmore in three different wedding ceremonies!

Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano