Ang pagkuha ng mga requirements sa barangay ang ilan sa mga pinakamadaling makuhang requirements. Ilan sa mga ito ay ID, clearance, certificifate, atbp.
Alamin sa artikulong ito kung paano kumuha ng mga requirements na ito sa inyong barangay.
Talaan ng Nilalaman
Mga dokumentong makukuha sa inyong barangay
- Barangay Certificate of Residency. Ito ay isang dokumento nagpapatunay na ikaw ay naninirahan sa isang barangay ng anim o higit pang buwan
- Barangay ID. Ito ay halos kaparehas ng Barangay Certificate na nasa porma ng isang ID.
- Barangay Clearance. Maliban sa ginagamit itong patunay ng paninirahan sa isang barangay, isa rin itong dokumento na kinakailangan sa pagkuha ng permit o lisensya sa Mayor sa pagtatayo ng Negosyo o anumang aktibidad.
- Barangay Certificate of Indigency. Dokumento na nakukuha ng isang taong bahagi ng indigent family at nagnanais makakuha ng libreng serbisyo.
Ang ganitong klase ng mga dokumento ay itinuturing na secondary ID lamang o supporting documents.
Larawan mula sa iStock
Steps sa pagkuha ng barangay ID
- Pumunta sa inyong barangay hall at ipaalam sa inyong barangay secretary na ikaw ay nangangailangan ng barangay ID.
- Bago kumuha ng barangay ID, siguraduhin na ikaw ay isang Filipino Citizen at naninirahan sa barangay sa loob ng anim na buwan o higit pa.
- Kung wala sa census o record ng barangay, magdalang patunay na ikaw ay naninirahan ng anim na buwan o higit pa sa inyong barangay.
- Kung ikaw naman ay stay-in na nagtatrabaho sa isang barangay, magdala ng certificate of employment mula sainyong employer, o anumang patunay na kayo ay nagtatrabaho sa nasabing barangay.
- Maghanda ng 1×1 o 2×2 na ID picture.
- Kung kinakailangan ay magsagot ng Barangay ID Application Form mula sa inyong barangay. Halimbawa ng Barangay ID Application Form: https://brgydasmarinasmakati.org/wp-content/uploads/2020/08/APPLICATION-FORM-OF-BARANGAY-ID.pdf
- Ilagay ang mga kinakailangang impormasyon.
- Pagkatapos ay isumite ang mga requirements sa inyong barangay secretary, at bayaran ang kinakailangang bayaran para sa barangay ID.
- Bumalik na lamang sa araw at oras na itinakdang ng pagkuha ng ni-request na barangay ID.
Requirements sa pagkuha ng barangay clearance at certificate of residency
Bago pumunta sa inyong barangay hall para magproseso ng barangay clearance, siguraduhin na mayroon ka ng mga sumusunod:
Paano kumuha ng barangay clearance?
- Pumunta sa inyong barangay hall at ipaalam sa inyong barangay secretary na ikaw ay kukuha ng iyong barangay clearance.
- Sagutan at ilagay ang mga kinakailangang impormasyon sa application form.
- Isumite ang application form at iba pang dokumento na kinakailangan sa inyong barangay secretary, bayaran ang barangay clearance.
- Hintaying magawa ang iyong barangay clearance. Kapag wala ang inyong barangay chairman para pirmahan ang iyong barangay clearance, alamin ang araw at oras na pwede mo itong balikan at makuha.
- Kapag nakuha na ang iyong barangay clearance, siguraduhin na tama ang mga detalyeng nakalagay dito, lalo na ang iyong pangalan at tirahan.
Sa parehas na paraan at requirements ay maaari ka ring kumuha ng barangay certificate of residency. Ipaalam lamang sa inyong barangay secretary na kinakailangan mo ng barangay certificate of residency.
Saan maaaring gamitin ang barangay ID at barangay clearance/certificate of residency
Magagamit o maaaring hanapin ang anuman sa barangay ID, barangay clearance, at certificate of residency sa mga sumusunod:
- Sa pag-aapply ng trabaho
- Requirement sa bangko, partikular na kapag magbubukas ng bagong account o mag-aapply ng loan
- Pagkuha ng NBI clearance
- Sa pagkuha ng police clearance
- Pagkuha ng Postal ID at UMID ID
- Sa pag-aapply para sa driver’s license
- Requirement sa pagbubukas ng Negosyo
- Sa indigent certification para sa philhealth
BASAHIN:
Step-by-step guide to getting a PSA birth certificate
SSS Loan: A quick guide on what you need to know and how to apply
Step-by-step guide sa pag-apply para makakuha ng PhilHealth
Validity ng barangay ID at barangay clearance/certificate of residency
Walang expiration o validity period ang barangay ID, barangay clearance at certificate of residency. Gayunpaman, ang kadalasang hinahanap bilang requirement ay bago at issued ng hindi hihigit sa anim na buwan ng aplikasyon sa trabaho, business clearance, at iba pamng gagamitan nito, sa gobyerno man o pribado.
Barangay certificate of indigency, ano ito?
Ang barangay certificate of indigency o certificate of low income ay isang dokumento na hinihingi ng sangay ng gobyerno o pribadong institusyon bilang patunay ng pinansyal na sitwasyon ng isang tao. Nagsasaad ito na ang taong nakapangalan ay nabibilang sa isang indigent family, at maaaring makagamit ng mga libreng serbisyo ng gobyerno at mga pribadong kompanyo o organisasyon.
Ang maaari lamang kumuha ng barangay certificate of indigency ay kinakailangang tapat na residente at bahagi ng mahirap na pamilya.
Paano kumuha ng barangay certificate of indigency?
Pumunta sa inyong barangay at ipaalam na ikaw ay nangangailangan ng barangay certificate of indigency. Mahalagang makapunta sa inyong barangay at alamin ang mga kailangang dokumento sa pagkuha ng certificate of indigency. Magkakaiba ang requirements na hinihingi sa aplikante na nangangailangan ng certificate of indigency, sa bawat barangay. Ilan sa mga dokumentong maaaring hingiin s aiyo ay:
- Barangay Certificate of Residency
- Certificate of No Property
- Isang Certificate of No Business
- Certificate of Tax Exemption
- Assessment report mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) o Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
CEDULA, para saan at requirements sa pagkuha
Ang cedula ay isang dokumento na kinukuha kapag nagbayad ng residence tax. Sa kasalukuyan, ang cedula ay isang basic requirement para sa karamihan ng government transaction. Maaari din itong magsilbing identification ng isang tao o korporasyon na nananatili sa isang lugar o munisipalidad na nangangailangan ng cedula.
Maaari kang makakuha ng iyong cedula sa inyong barangay, city, o municipal hall. Gayunpaman, dahil karamihan nang mga barangay ay nagbibigay na ng barangay clearance, may posibilidad na hindi na ito magbigay ng cedula, maaari pa ring kumuha ng cedula mula sa inyong city ahll o municipal hall kung saan nakatira o nakatayo ang inyong Negosyo.
Hindi naman palaging hinahanap ang cedula bilang requirement, gayunpaman, maraming mga transaksyon ang nangangailang ng cedula o ng community tax certificate number, tulad na lamang ng:
- Pag-register ng bagong Negosyo
- Pag-apply ng trabaho
- Paghahain ng Income Tax Return (ITR)
- Pagpapanotaryo ng mga dokumento
- Aplikasyon sa mga lisensya, resibo, at sertipiko mula sa mga opisina ng gobyerno
- Pagtanggap ng bayad o sweldo mula sa mga ahensya ng gobyerno
- Requirement bilang katibayan ng pagmamay-ari ng real estate properties
- Isang Requirement bilang katibayan ng paninirahan
- Requirement bilang katibayan ng pagbabayad sa mga kailangang bayaran sa pagsasagawa ng trabaho
Maaari na rin iprisinta ang cedula bilang dokumento sa pagtanggap ng iyong bakuna laban sa COVID-19 kasama ang iyong Philhealth Identification Number (PIN).
Requirements sa pagkuha ng cedula
Magkakaiba ang mga kinakailangan sa pagkuha ng cedula, sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad. Gayunpaman, narito ang ilan sa mga requirements na kinakailangan ng isang indibidwal sa pagkuha ng cedula:
- Nasagutang community tax declaration form
- Valid government-issued ID
- Proof of income
- Payslip
Ang bayad sa sedula ay nagkakaiba base sa munisipalidad, tranbaho, kita, at negosyo. Ang estimasyon ng kailangang bayaran ng isang indibidwal para sa community tas certificate ay:
- Basic community tax, Php5 ang pinakamababa
- Karagdagang tax na Php1 kada Php1,000 ng gross earnings sa nakaraang taon
- Php1 tax sa kada Php1,000 ng property total assessed value
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!