Jamie Evangelista-Geisler ayaw sa mga sexy roles ni Baron Geisler: "My wife is demanding for an annulment."

Jamie masaya na naka-graduate sa kursong Theology sa kolehiyo ang mister na si Baron. Pinayuhan niya rin ito na sana pumili ng mga roles sa susunod na nagpo-promote ng good values.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baron Geisler wife na si Jamie Evangelista, annulment na ang nakikitang solusyon sa gusot sa pagitan nila ng mister na si Baron. Baron aminado naman sa kaniyang naging pagkakamali at hinihiling na sana ay magkaroon siya ng wholesome roles sa mga susunod na projects niya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Baron Geisler wife na si Jamie Evangelista humihiling na ng annulment
  • Baron nais na ng mga roles at proyektong nagpo-promote ng good family values
  • Jamie naapektuhan ang sa mga roles na ginagampanan ni Baron

Baron Geisler wife na si Jamie Evangelista humihiling na ng annulment

Kamakailan lang ay marami ang natuwa na nakagraduate na sa kursong Theology ang aktor na si Baron Geisler. Lalo pa’t kilala ito sa mga negative na balita at insidenteng nasangkutan niya.

Image from Baron Geisler's Instagram account

“My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord!”

Ito ang caption ng post ni Baron sa Instagram tungkol sa naging graduation niya sa kolehiyo.

Samantala, sa kaniyang Facebook ay may naging post rin si Baron tungkol sa mga natatanggap niyang congratulatory messages matapos maka-graduate. Doon sabi ng aktor na ang pag-graduate niya sa kolehiyo ay blessing mula sa Diyos.

“Guys, I appreciate your congratulatory messages but I really did not work that hard to earn a degree in Theology, I take it as a blessing.”

Dagdag niya pa, siya ay work in progress parin at patuloy na sumasailamim sa treatment para maalis ang alcohol addiction niya. Sa pamamagitan daw nito ay umaasa siyang mabibigyan siya ng mas magaganda at wholesome na roles sa susunod na mga projects niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I am still a work in progress. I'm still in treatment for my alcohol addiction, hoping that I will get better roles in the future.”

BASAHIN:

Baron Geisler naka-graduate na ng college: “It is never too late.”

Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Elisse Joson may babala kay McCoy de Leon: “Kung magloloko ka, okay na kami. Kakayanin namin.”

Baron nais na ng mga roles at proyektong nagpo-promote ng good family values

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Baron Geisler's Instagram account

Humihiling rin siya na sana ang management na kinabibilangan niya ay gumawa ng mga pelilkulang nagpo-promote ng good family values na kung saan sana hiling niya ay maging bahagi siya.

Dahil sa ngayon ang mga pelikulang kinabibilangan niya ay taliwas sa paniniwala niya bilang Kristiyano at sa imahe niya ngayon bilang pamilyadong tao na.

“Hopefully, Vivamax will create movies that promote good family values and not just soft porn content for the reason that sex sells. Invest on acting workshops and character development. It is contradictory to my beliefs as a Christian and my image as a transformed family man.”

Pag-amin pa ni Baron, dahil sa mga roles na ginampanan niya nitong mga nakaraan ay naapektuhan na ang pagsasama nila ng misis niyang si Jamie Evangelista. Sa katunayan ay humihiling na nga daw ito na ma-annul na ang kasal nila.

“I am not proud of it. And it's taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all.”

Ito ang sabi pa ni Baron sa naturang post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jamie naapektuhan ang sa mga roles na ginagampanan ni Baron

Samantala, sa kaniyang Facebook account ay ibinahagi rin ni Jamie Evangelista ang opinyon niya sa pinagdadaanan ng kaniyang asawa.

Sabi ni Jamie ay nalulungkot siya sa mga roles na ginagampan ni Baron na tunay ngang nakakaapekto sa buhay pamilya nila. Lalo na ang mga roles nito na nagpapakita ng sexual violence at degradation sa mga babae.

“It saddens me to see Baron Geisler, an award-winning actor, who is technically still my husband perform these kinds of scenes for a measly amount of money. If you watch the trailer, he looks like a gigolo being fucked by a tranny.”

“It is not only degrading to our family. But let's also consider the damaging effects it may have on the viewers."

Ito ang bahagi ng post ni Jamie sa kaniyang Facebook account.

Image from Jamie Evangelista's Facebook account

Hiling pa ni Jamie sa mister na si Baron ngayon na graduate na ito ng kursong Theology ay sana panindigan niya ito. Sa pamamagitan ng pagpili ng mga roles na magpo-promote ng good values sa mga manonood niya.

“Now that Baron is a proud graduate of AB Theology, I pray that he will have the ability to discern characters/roles to take on. Baron, you have a purpose to be the salt in this industry and promote good Christian values. Or else your diploma will just be a meaningless piece of paper.”

Ito ang sabi pa ni Jamie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang nitong kamakailan lang ay naging viral ang video ni Jamie at Baron na nag-aaway. Si Jamie pinapalayas na si Baron sa Cebu at pinaratangang ito ay may sugar mommy.

Sa isang panayam ay sinabi rin ni Jamie na nag-rerelapse sa alcohol addiction ang mister niyang si Baron. Ang mga ipinapakita niya dahil sa relapse ay nakakaapekto sa mga anak nila.

“Grabe pag-relapse niya lately. Last December medyo traumatic for the kids so I told him, ‘Pag iinom ka, ‘wag dito sa bahay.’

“I’ve been very patient and forgiving for how many years so napuno na siguro ako.”

Ito ang sabi pa ni Jamie sa naturang panayam. Pero humihiling siya na malampasan ng aktor ang addiction niya at magtuloy-tuloy na ang pagbabagong buhay nito.

Si Jamie at Baron ay naka-based na ngayon sa Cebu na kung pina-practice niya ang kaniyang profession bilang isang psychologist.

Sila ay may isang anak na babae nangangalang Talitha Cumi o Tali na dalawang taong gulang na. Si Jamie may dalawang anak sa nauna niyang karelasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement