Bartholin's cyst: sanhi, sintomas, at lunas

May nakakapa bang maliit na bukol sa labi ng ari ng babae? Marahil ay may Bartholin's cyst ka. Alamin kung ano ito at kung paano magagamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatagpuan sa magkabilang gilid ng vaginal opening ang Bartholin’s glands, na naglalabas ng fluids upang ma-lubricate ang vagina. Minsan ay nababarahan ang opening ng glands na ito, kaya naiipon ang fluid sa loob ng glands. Dahil dito, namamaga ang glands at nagkakaroon ng tinatawag na Bartholin’s cyst.

Hindi masakit ang pamamaga na ito, ngunit kung nagkaroon ng impeksyon ang cyst, maaaring magkaroon ito ng nana at abscess.

Ang pagkakaroon ng Bartholin’s cyst at abscess ng kababaihan ay madalas mangyari. Para sa mas malinaw na pag-unawa, makakatulong ang mga larawan ng bukol sa ari upang mas makita ang kondisyon. Ang pag-gamot dito ay depende sa laki ng cyst. Minsan ay maaari na itong mapawi gamit ang home treatments, ngunit minsan ay kailangan na ang surgical drainage.

Larawan ng bukol sa ari: Mayo Clinic

Sintomas ng Bartholin’s cyst

Dahil walang sakit ang pamamaga ng Bartholin’s cyst, kadalasan ay hindi alam ng mga babae na meron sila nito. Kung lumaki na ang cyst, puwedeng makaramdam ng maliit na bukol malapit sa iyong vaginal opening.

Obserbahan ang mga sumusunod bilang sintomas na may impeksyon na ang Bartholin’s cyst:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Bukol malapit sa vaginal opening na sumasakit kung madiinan o matamaan
  • Discomfort sa vaginal area kung naglalakad o umuupo
  • Pananakit ng vaginal area kung nakikipagtalik
  • Lagnat

Ang Bartholin’s cyst ay kadalasang tumutubo sa isang bahagi lamang ng vaginal opening. Para sa mas malinaw na impormasyon, makakatulong ang mga larawan ng bukol sa ari upang mas maunawaan ang kondisyon. Makipagkita sa doktor kung hindi pa humupa ang bukol sa vaginal opening matapos ang dalawa o tatlong araw na paggamot dito sa bahay, kung matindi ang sakit, at kung higit sa 40 years old ang iyong edad.

Sanhi

Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang dahilan ng Bartholin’s cyst ay ang pamumuo ng fuild sa Bartholin’s glands. Nangyayari ito kung ang duct o opening ng gland ay may bara, impeksyon, o sugat.

Kapag nagkaroon ng impeksyon ang Bartholin’s cyst, magkakaroon ito ng abscess. Iba’t ibang bacteria ang maaaring maging sanhi ng impeksyon, gaya ng E.coli, at bacteria na nagdudulot ng sexually transmitted infections gaya ng gonorrhea at chlamydia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Komplikasyon

Ang Bartholin’s cyst ay maaaring maulit at bumalik.

Paano maiwasan

Walang kasiguraduhang tuluyang maiiwasan ang pagkakaroon ng Bartholin’s cyst. Ngunit makakatulong na i-practice ang safe sex (lalo na ang paggamit ng condom), at maging malinis sa sarili upang maiwasan ang impeksyon at pagkakaroon ng abscess.

Lunas

Kadalasan ay nawawala ring kusa ang Bartholin’s cyst, maliban kung nagkaroon na ito ng impeksyon. Ang uri ng pag-gamot dito ay batay sa laki ng cyst, sa sakit na nararamdaman, at kung mayroon na itong abscess.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kabilang sa maaaring lunas ay ang mga sumusunod:

  • Sitz baths. Punuin ang bath tub ng maligamgam na tubig (sitz bath) makailambeses sa loob ng tatlo hanggang apat na araw, at maaari makatulong ito na pumutok at ma-drain ng kusa ang cyst.
  • Surgical drainage. Kailangan ito kung malaki o may impeksyon ang cyst. Maaaring sumailalim sa anesthesia upang m-i-drain ang cyst.
  • Antibiotics. Maaari kang resetahan ng antiobiotic ng doktor kung may impeksyon ang cyst o kung lumabas sa test results na ikaw ay may sexually transmitted infection. Ngunit kung ma-i-drain nang maigi ang cyst, puwedeng hindi mo na kailanganin nito.

 

Source: Mayo Clinic

Basahin: Pigsa sa Vagina: Lahat ng dapat malaman tungkol sa pigsa sa ari

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Romy Peña Cruz