Mommy, excited ka na ba sa pagdating ng iyong little one? Nagsisimula ka na ba bumili ng mga gamit at baby essentials na gagamitin ni baby sa kaniyang paglabas?
Ilan na ba sa checklist mo ang nabili mo na at na-i-add to cart mo na? Isa sa mga baby essential na dapat una sa iyong list ay ang baru-baruan for baby. Alamin ang ilang tips bago mo i-checkout ang baru-baruan for baby nasa cart mo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tips na dapat isaalang-alang sa pagpili ng mga baru baruan for baby
- Top 12 baru-baruan for baby
Baru-baruan for baby | Image from iStock
Tips na dapat isaalang-alang sa pagpili ng mga baru-baruan for baby
1. Budget
Bago mo bilhin ang isang bagay, dapat unang isa-alang-alang ang iyong budget. Hindi lahat ng mura ay dapat mong bilhin agad. Tignan ang quality ng iyong bibilhin lalo kung para ito kay baby.
Habang nasa unang trimester pa lamang ng pagbubuntis, maigi na maglaan ng budget para sa mga baby essentials. May mga baru-baruan for baby na may magandang kalidad at siguradong abot-kaya ng karamihan sa atin.
BASAHIN:
6 cloth diaper na perfect kay baby
7 adorable baptismal gown choices for your baby girl
7 of the cutest baptism outfits for a baby boy
2. Komportable kay baby
Dahil ang newborn baby ang may pinakasensitive na skin, piliin ang damit na may tela na suitable sa kanilang balat. Pumili ng baru-baruan for baby na gawa sa light materials, malambot sa balat, at hindi maiirita si baby. Karamihan sa baru-baruan ay gawa sa cotton at may pure white na color.
3. Naaayon sa klima
Sa tulad nating nakatira sa tropical country, mas lamang ang mainit o tag-init na klima kaysa sa tag-ulan. Ang damit na nararapat isuot ng baby ay dapat hindi mainit sa balat kung panahon ng tag-init. Karamihan sa nabibiling ngayong damit ng baby sa mga department store ay suitable sa ating klima.
Baru-baruan for baby | Image from iStock
4. Pumili ng simple
Maraming style at magagandang design ang nilalabas ngayon sa market na baby clothes. Mayroon ng ribbon, zipper, button, at ruffles. Pumili ng simple, komportable, at madali isuot.
Ang ilan sa mga may design ay nagiging dahilan ng irritation ni baby. Mas simple, mas komportable para kay baby at convenient naman para kay mommy o daddy sa pagsusuot.
5. Madali labhan at matuyo
Ang baby na may kalikutan ay madali mamantsahan ang damit. Lalo na kapag nagsisimula na sila kumain ng solid foods. Pumili ng baru-baruan for baby na madali maalis ang mantsa kapag nilalabhan. May mga tela na kumakapit ang mantsa sa damit kaya mabilis ito maluma.
Iwasan ang paggamit ng matapang na detergent sa paglalaba ng damit ni baby. Huwag din gagamitan ng fabric conditioner at bleach upang maiwasan ang skin irritation at rashes.
Sapagkat mabilis madumihan ang damit ni baby, mabilis rin maubos ang malinis na damit. Piliin ang mabilis matuyo na baby clothes.
Baru-baruan for baby | Image from iStock
6. Pumili ng tamang sukat na naaayon sa timbang ng baby
Hindi lahat ng newborn baby at lumalaking baby ay pare-parehas ng sukat. Ang pagpili ng baru baruan for baby ay dapat inaayon sa kanyang timbang.
Ang baby na may mabigat na timbang ay nagsusuot ng mas malaki sa kaniyang edad. Ganun din ang baby na pinanganak ng kulang sa buwan, may mga preemie clothes na sadyang ginawa para sa kanilang sukat.
8. Safety
Sa pagpili ng tamang baby clothes, tignan ang mga posibilidad kung ito ay hindi makakasama kay baby. Ang mga baby clothes na may button ay hindi inaadvise dahil maaaring ito ay matanggal ni baby at malunok. Ganun din ang may masyadong mahabang tali kung tie-side ang bibilhin.
Piliin ang may maiksing tali na hindi mapupulupot sa leeg ni baby. Kung may zipper naman ang bibilhin, iwasan ang makakasugat sa balat ni baby. Kapain ang ilalim nito upang makasiguro na hindi ito tatama sa kanilang balat.
Top 12 baru-baruan for baby
Bakit mo ito magugustuhan?
Ang Enfant shirt ay non-azo. Ibig sabihin ang ginamit nilang pampakulay sa kanilang mga baru baruan for baby ay gawa sa natural at organic na sangkap.
Kaya makakasiguro ka mommy na walang masamang kemikal na makakasama kay baby kapag ginamit ang kanilang produkto. Ang tahi sa bawat damit ay sinisigurado nilang maayos at hindi makakairita sa balat ni baby.
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ay gawa sa cotton materials kaya naman suitable ito sa sensitive skin ni baby. Mas prefer ito ng mga mommy dahil ito ay breathable, comfortable, at mas magaan ito kumpara sa ibang baru baruan for baby. Mayroon itong 3 piraso sa isang pack kaya naman sulit na sulit ang pagbili nito.
Bakit mo ito magugustuhan?
Gawa ito sa 100% pure organic cotton kaya naman ito ay nagtataglay ng lambot na hihiyang sa skin ni baby. Wala rin itong harsh chemical kaya naman safe na safe si baby sa bawat paggamit nito.
Ito rin ay non-azo, may maayos na mga tahi, at talagang komportable kay baby.
Bakit mo ito magugustuhan?
Kung ang hanap mo mommy ay pang-araw-araw ni baby na madali suotin at masarap sa pakiramdam, ito ang iyong bilhin. Gawa ito sa cotton blend material sa swak sa klima natin na madalas mainit. Ang isang pack nito ay may 3 piraso kaya naman abot-kaya ito. Madali itong labhan at madali ring matuyo.
Bakit mo ito magugustuhan?
Ang BeBe by SO-EN ay isa sa mga baby clothes na gawang Pilipino. Ito ay gawa ng SO-EN Garments Corporation na noon pa man ay trusted na ng ating mga lola, tita, at nanay dahil sa mga produkto nitong talagang de kalidad.
Ang BeBe by SO-EN ay gawa sa quality material kaya naman ito ay malambot sa balat at komportable kay baby. Available ito sa mga leading department stores sa bansa at maging sa online shop.
Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ay gawa sa 100% na organic materials. Eco-friendly at hindi mabigat sa bulsa. Komportable rin ito kapag suot ni baby kaya naman hindi ka magwo-worry na magkakaroon siya ng skin rashes.
Tie-side rin ito kaya naman hindi mahihirapan si mommy o daddy sa pagpapalit. Dalawang piraso rin ang laman nito sa kada pack. Available ito sa dalawang sizes, 0-3 months at 3-6 months.
Bakit mo ito magugustuhan?
Ang Garfield Baby Newborn Tie-side Short Sleeve Shirt ay gawa sa 100% na cotton. Kung ang hanap mo ay quality materials at presko sa pakiramdam ni baby, ito ang para sa iyong little one.
Tatlong piraso ang laman ng isang pack na nagkakahalaga lamang ng 100+ pesos ang bawat isa. Available ito sa mall at online stores nationwide.
Bakit mo ito magugustuhan?
Alam n’yo ba mommy na ang Looms ay gawang Pinoy rin. Ito ay nagsimula noon pang 1954 ng isang mag-asawang mananahi na taga Valenzuela City. Kinalaunan, pumatok ito sa merkado kaya naman nagkaroon na sila ng mga products sa mga mall.
Ang kanilang Looms 3in1 Newborn Basic Short-sleeve Tie-side Blouse ay gawa sa cotton at presko sa pakiramdam ni baby. Nasa less than 90 pesos ang bawat isa. Ang isang pack ay naglalaman ng tatlong piraso.
Bakit mo ito magugustuhan?
Gawa rin ito sa cotton kaya naman hindi mainit sa balat ni baby. Ito ay gawa sa malambot na fabric, madali labhan gamit ang washing machine o kusutin ng kamay.
Ang bawat baby cloth ay masinsin ang pagkakatahi kaya naman sigurado ang quality. Available ito sa SM department stores at online stores. Naglalaman ng 3 piraso ang isang pack.
Bakit mo ito magugustuhan?
Kung wala pang masyadong budget at malapit ka na manganak mommy, ito ang brand na madalas piliin ng masa. Hindi lang dahil ito ay mura, maganda rin ang quality ng kanilang produkto at presko para kay baby. Available ito kadalasan sa mga bilihan ng baby products at online stores.
Bakit mo ito magugustuhan?
Ang Tiny Tummies ay isa sa baby brand na dapat n’yong subukan. Ang kanilang mga baru-baruan for baby ay gawa sa 100% cotton na hiyang sa delicate skin ni baby. Mayroon itong cute na liitle bear logo na siyang kanilang trademark.
Bakit mo ito magugustuhan?
Ang St. Patrick ay isa sa Filipino brand na dapat nating tangkilikin. Ang kanilang tie-side baby clothes ay gawa sa 100% pure cotton kaya naman hiyang sa delicate skin ng your little one.
Dalawang piraso ang laman ng isang pack. Ang available colors nila ay white, pink, pink stripes, blue, at blue stripes.