Namamagang gilagid at paglalaway ay dalawa lang sa kadalasang palatandaan na nag-iipin na si baby. Para mas maging pamilyar sa iba pang palatandaan o teething signs, narito ang 11 sintomas na dapat bantayan at ang gamot sa pamamaga ng gilagid ng bata.
Kailan nagngingipin ang bata?
Pagtungtong ng 7 buwan ni baby ay tutubuan na siya ng kaniyang baby teeth. Unang tumutubo ang sa itaas na mga ngipin. Sa loob naman ng 1 taon 8 months ay nagsisimula na ring tumubo ang sa ibabang parte
Karamihan sa mga bata ay mayroon nang 20 baby teeth pagsapit ng 3 taon gulang. Ang ilang baby teeth ay maaaring humantong sa mga problema sa ngipin pagdating ng hustong gulang.
Namamagang gilagid at iba pang teething signs ni baby
1. Excessive drooling o paglalaway
Isa sa unang palantandaan na nag-iipin na si baby dulot ng namamagang gilagid ay ang paglalaway. Kaya naman sa pagkakataon na ito ay dapat maghanda ng maraming bibs at towels bilang pamunas sa kaniya.
Ang paglalaway din na ito ay maaring magdulot sa kaniya ng diarrhea o loose stools.
2. Rashes
Dahil sa matinding paglalaway ni baby ay maari rin siyang magkaroon ng rashes o red marks sa kaniyang mukha. Kaya dapat ugaliing punasan ang laway at lagyan ng baby skin cream o moisturizer ang kaniyang mukha.
3. Pangangagat
Dahil sa pressure ng papalabas na ngipin sa kaniyang gilagid ay mapapadalas din ang pangangagat ni baby sa mga bagay na kaniyang mahahawakan o maisusubo. Maaring ito ay laruan, teethers, kaniyang daliri at paa o kaya naman ang utong ni Mommy habang siya ay pinapasuso.
4. Pagiging iyakin
Image from Freepik
Dahil sa sakit ng namamagang gilagid ay magiging iyakin din si baby. Kaya kailangan lang maging mahaba ang pasensya at tulungan siyang ma-overcome ang discomfort na nararamdaman niya.
5. Hematoma
Ang gum hematoma ay ang pagdurugo ng gilagid ni baby. Ang karaniwang palatandaan nito ay ang bluish lump sa gilagid niya na hindi naman dapat ipag-alala ng mga magulang.
6. Hirap sa pagtulog
Dahil sa sakit at discomfort na nararanasan ay mahihirapan ring matulog si baby. Kaya naman para mabantayan parin siya ay hingin ang tulong ng iyong asawa at magpalitan sa pagbabantay sa kaniya.
7. Ubo
Ang pag-ubo ay isang palatandaan rin ng pag-ngingipin ni baby. Dulot ito ng matinding paglalaway na dahilan para masamid o mabulunan siya. Madalas ito ay dry cough at hindi naman isang sakit na dapat ipagalala.
8. Pag-ayaw kumain
Dahil sa sakit ng namamagang gilagid ay mahihirapan ring kumain o dumede si baby. Magkaganunman ay kailangan parin siyang pilitin para siya ay magkaroon ng lakas at hindi magkasakit.
9. Lagnat
Image from Freepik
Isa pang sintomas na nag-iipin na si baby ay ang low grade fever. Hindi naman ito nakakaalarma ngunit kung ito ay tumagal ng lagpas tatlong araw na ay kailangan ng pumunta sa doktor at magpakonsulta.
10. Diarrhea
Ang pag-iipin ni baby ay madalas na sinasabayan rin ng pagtatae o mild diarrhea. Ito ay dahil sa pagkakalunok ng maraming laway dulot ng namamagang gilagid niya. Kung ang pagtatae ay nagpapatuloy at mas lumala ay dapat agad na siyang dalhin sa doktor.
11. Namamagang gilagid
Ang pananakit ng namamagang gilagid rin ni baby habang nag-iipin ay madalas na umaakyat sa kaniyang pisngi kaya naman mapapadalas rin ang pagkakamot niya sa kaniyang mukha. Ngunit ang cheek rubbing rin ay palatandaan ng ear infection kay baby na dapat bantayang maigi ng mga magulang.
Gamot sa pamamaga ng gilagid ng bata
Gamot sa pamamaga ng gilagid ng bata. | Image from Freepik
May mga paraan naman na maaaring gawin para mabawasan ang sakit na naranasan ni baby dahil sa namamagang gilagid at pagngingipin. Ang paggamit ng teether, pagbibigay ng mga massage a cold compress sa kanya ay ilan lamang sa mga bagay na maaaring gawin sa bahay.
-
Cold compress
Ang isa sa simpleng paraan para maibsan ang sakit na dulot ng pagngingipin ni baby ay cold compress. Kumuha ng soft baby washcloth at ilagay sa freezer ng 20 hanggang 30 minuto.
Kung ito ay malamig at matigas na, idampi ito sa gilagid ni baby o kaya naman ay hayaan siyang isubo ito. Siguraduhin lamang na ang laki nito ay hindi malulunok ni baby.
-
Gum massage
Maaari ring i-masahe ang gilagid ni baby. Siguraduhin lamang na malinis at nakapag hugas ng kamay na gagamitin sa pagmamasahe ng gilagid. Ito ay makakatulong mabawasan ang sakit na nararamdaman ni baby.
-
Ang pag-freeze ng gatas ng ina ay maaaring makatulong na mabawasan ang pamamaga ng gilagid ng iyong anak. Ibuhos ang gatas ng ina sa isang ice cube tray at i-freeze. Kapag nagyeyelo na, durugin ang mga ice cube sa maliit at ilagay ang mga ito sa isang teething mesh o baby feeder.
-
Gumamit ng essential oil
Ang paggamit ng essential oil ay magdadagdag ng ginhawa sa pakiramdam ng iyong anak. Ang lavender oil at chamomile essential oil ay ligtas gamitin.
Ipahid ang essential oil sa jawline ni baby gamit ang 0.5% dilution upang matulungan silang sa kanilang discomfort. Maaari mong baguhin ang uri ng carrier oil na iyong ginagamit depende sa kung ano ang gusto ng bata.
Maaari itong ilapat sa kanila tuwing 4 hanggang 5 oras. Imasahe ang kanyang mukha, panga, at gilagid ng dahan-dahan.
-
Chamomile tea
Makakatulong ang pag-inom ng ina ng chamomile tea ay may ingredients na perfect para mabawasan ang stress ni mommy at discomfort sa pagngingipin ni baby.
Maaaring inumin ng mga ina ang caffeine-free tea na ito at ipasa din ang mga benepisyo ng tsaa sa sanggol.
Mga dapat gawin upang maingatan ang magandang ngipin
Ang pangangalaga sa ngipin ni baby habang sila ay bata pa ay mahalaga. Turuan sila ng tamang pagsisipilyo at ugali upang pangalagaan ang ngipin. Sa edad na 12 hanggang 36 buwan, kailangan na sipilyuhin ng mga mommies ang mga ngipin ng bata 2 beses sa isang araw.
Narito ang tips para maingatan ang panatilihing matibay ang ngipin ng mga bata:
- Kailangang maaga simulan ang pangangalaga ng bibig. Simulan sa pamamagitan ng paglinis ng bibig ng iyong sanggol gamit ang basang tuwalya at dahan-dahang pagpunas sa mga gilagid upang tanggalin ang anumang natitirang gatas o formula mula sa bibig.
- Sipilyuhin ang ngipin ng iyong anak oras na lumabas ang unang ngipin at siguraduhing itaas ang labi upang sepilyuhin sa may gilagid. Hindi kayang linisin ng mga maliliit na bata ang kanilang sariling ngipin. Magsipilyo para sa kanila habang sila’y maliliit pa at kasama niya habang lumalaki sila.
- Gumamit ng malambot na sipilyo. Pumili ng angkop na laki ng sipilyo para sa edad ng bata.
- Gawing masaya ang pagsisipilyo at magdibelop ng rutina: magsepilyo sa isang ispesipikong panahon (pagkatapos maligo o bago magbasa); sa isang espisipikong lugar (nakaupo sa ina); o gumamit ng mga ispesipikong cue (tugtugin, pagbilang).
- Gumamit ng kaunting fluoride toothpaste upang protektahan ang ngipin laban sa cavities. Ang mga batang wala pang 3 taong gulang ay dapat gumamit ng isang pahid ng toothpaste lamang (kasing-laki ng butil ng bigas) habang ang mga batang lampas ng 3 taong gulang ay maaaring gumamit ng toothpaste na kasing-laki ng pea. Hikayatin ang iyong mga anak na idura ang toothpaste.
Dagdag pa na dapat tandaan.
- Ang mikrobyo na nagdudulot ng cavity ay maaaring lumipat mula sa iyong bibig patungo sa bibig ng iyong anak. Iwasan ang makigamit ng soothers, mga sipilyo o ibang mga bagay ng iyong anak.
- Anuman ang edad, huwag hayaang kumain at uminom ng matatamis sa buong araw o magdamag. Halimbawa, ang patuloy at dahandahang pag-inom sa mga botelyang may gatas o mga tasa na may juice ay nag-iipon ng mga asukal sa bibig at maaaring mauwi sa cavities — sa halip nito, punuin ng tubig ang mga botelya at tasa.
- Pumili ng mga meryenda na mabuti sa kalusugan tulad ng keso, prutas, o nuts. Ang mga pagkaing mabuti para sa katawan ay mabuti rin para sa bibig.
- Kapag maagang nahahanap ang problema sa ngipin, mas madali itong ayusin. Itsek ang bibig ng iyong anak at regular na bisitahin ang dentista.
- Itsek ang bibig ng iyong anak upang malaman kung may sakit tulad ng brown o dilaw na marka sa ngipin. Ang iyong anak ay maaaring may sakit sa ngipin kapag mayroong mga palatandaang ito: nahihirapang matulog; nahihirapang magdulot ng pansin, at iniiwasan ang ilang mga pagkain tulad ng malalamig na inumin at pagkain.
- Ang unang bisita sa dentista ay dapat gawin pagdating ng isang taong gulang o sa loob ng anim na buwan pagkatapos mo makita ang unang ngipin.
Sa pamamagitan ng regular na pagsusuri, mamo-monitor ng iyong dentista ang pag-develop ng mga ngipin at gilagid ng iyong anak upang maagang matuklasan ang mga problema at maiwasan ang sakit.
Kapag maagang sinimulan ang pagpunta sa dentista, mas magiging maginhawa ang pagpunta ng iyong anak sa dentista.
Additional Source:
Dental Care, Family Doctor, theAsianparent
Dagdag ulat mula kay Kyla Zarate
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!