TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

6 min read
Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

Ayon sa isang pinakabagong guideline, ito ang mga kailangang malamang detalye ng bawat magulang tungkol sa impeksyon sa tenga at kung paano ito gagamutin.

Problema mo ba nakabarang sipon ni baby sa tenga? Tila ba may sipon sa tenga si baby? Naku mommy, mas mabuting maagapan agad ito dahil ito ay maging impeksyon sa tenga. Narito ang mga home remedy at gamot sa sipon sa tenga ni baby!

Sipon sa tenga ni baby 

Ang sipon sa tenga ni baby ay ang nagiging dahilan ng malalalang impeksyon sa tenga ang isa sa mga pinaka-karaniwang dahilan kung bakit maraming mga bata ang dinadala sa doktor. Kadalasan ay bacterial o viral infection sa gitnang bahagi ng tenga ang sanhi nito. Kadalasan itong nagdudulot ng malubhang pagsakit para sa pasyente.

Ating alamin ang bawat detalye sa impeksyon sa tenga ng isang bata. At ang mga home remedy o gamot para sa sipon sa tenga.

Sanhi ng impeksyon sa tenga

Ang impeksiyon ay dahil sa pagkakaroon ng bacteria o virus sa gitnang bahagi ng tenga. Kadalasan itong nakukuha dahil sa ibang sakit tulad ng lagnat, trangkaso o alerhiya.

sipon sa tenga

Sipon sa tenga ni baby ang nagiging dahilan ng impeksyon sa tenga | Image from Freepik

Eustachian tubes

Ang eustachian tubes ay pares ng maninipis na daanan mula sa gitna ng tenga hanggang sa likod ng lalamunan. Ang pamamaga at sipon sa eustachian tubes mula sa impeksiyon sa baga o alerhiya ay maaaring makabara sa mga ito. Dahil dito, maaaring pasukan ng likido ang gitnang bahagi ng tenga. Ang bacteria o virus na dala ng likido na ito ang nagiging sanhi ng impeksiyon sa tenga.

Adenoids

Ang adenoids ay dalawang maliliit na pads ng tissue sa may itaas na likod na bahagi ng ilong. Ito ay madaling ma-impeksiyon at mamaga. Dahil malapit ito sa eustachian tubes, ang pamamaga ng adenoids ay nakakabara at nagiging sanhi ng impeksiyon.

Iba pang kondisyon na maaaring maging sanhi

  • Otitis media with effusion – Pamamaga at pagkakaroon ng likido sa gitna ng tenga na walang bacteria o virus.
  • Chronic otitis media with effusion – Kapag ang likido sa gitna ng tenga ay hindi naaalis at patuloy na bumabalik kahit walang bacteria o virus.
  • Chronic suppurative otitis media – Ang paulit-ulit na impeksiyon sa tenga na nagiging rason ng pagpunit o pagkakaroon ng butas ng eardrum.

Mga konsiderasyon sa impeksyon sa tenga

Ang mga kailangang i-konsidera ay ang:

  • Edad – Ang mga bata na nasa 6 na buwan hanggang 2 taong gulang ay mas madaling magkaroon ng impeksiyon sa tenga dahil sa pagkakabuo ng kanilang mga tenga at mahinang immune system.
  • Group child care – Ang pagkikihalubilo ng bata ay maaaring maging paraan upang sila ay makakuha ng sipon at impeksiyon sa tenga dahil sa pagkahawa.
  • Pagpapakain sa bata – Ang mga sanggol na umiinom ng gatas nang naka-higa ay mas madalas na nagkaka-impeksiyon sa tenga kumpara sa mga batang breastfed.
  • Dala ng panahon – Ang pagkakaroon ng impeksiyon sa tenga ay kadalasan nakukuha sa mga panahon na uso ang trangkaso. Ang pagkakaroon din ng alerhiya dahil sa panahon ay nagiging daan ng pagkakaroon ng impeksiyon sa tenga.
  • Hindi magandang hangin – Ang pagkaka-lantad ng bata sa usok at polusyon ay nagpapa-laki ng tsansa nila magkaroon ng impeksiyon sa tenga.
sipon sa tenga

Sipon sa tenga ni baby ang nagiging dahilan ng impeksyon sa tenga | Image from Freepik

Mga sintomas ng impeksyon sa tenga dahil sa sipon sa tenga ni baby

Kadalasan ay madaling nararamdaman ang pagkakaroon ng impeksyon sa tenga.

Sa mga bata

  • Sakit sa tenga lalo na pag-nakahiga
  • Paghila sa tenga
  • Hirap sa pagtulog
  • Pag-iyak nang higit sa karaniwan
  • Pagiging iritable
  • Hirap sa pandinig
  • Hirap sa pagbalanse
  • Lagnat
  • Paglabas ng likido mula sa tenga
  • Sakit sa ulo
  • Pagkawala ng gana sa pagkain

Maaaring ang paghila ng mga bata sa kanilang tenga ay dahil sa ibang kadahilanan tulad ng pagngingipin. Hindi rin lahat ng may impeksiyon sa tenga ay nagkakaroon ng lagnat. Dahil dito, marami ang mga magulang na nagaakala na ang kanilang mga anak ay may impeksiyon sa tenga kahit hindi pa nasusuri ng duktor.

Sa matatanda

  • Sakit sa tenga
  • Paglabas ng likido mula sa tenga
  • Hirap sa pandinig

Kailan dapat magpakonsulta sa doktor dahil sa impeksyon sa tenga?

Ang mga sintomas ng impeksiyon sa tenga o kapag may napansin na tila sipon sa tenga si baby. Maaaring dala ng iba pang sakit. Dahil dito, importante na makakuha ng tamang pagsusuri. Magpa-konsulta sa ispesyalista kung:

  • Ang mga sintomas ay tumagal na nang lagpas isang araw
  • Ang bata ay may edad 6 na buwan pababa
  • Matindi ang nararamdamang sakit
  • Hindi na nakakatulog ang bata
  • May lumalabas na na likido, nana, o dugo mula sa tenga

Natural sa mga bata ang magkaroon ng impeksiyon sa tenga. Pinapayo ng mga duktor na magpa-konsulta kapag 3 beses na nagka-impeksiyon sa tenga ang bata sa loob ng 6 na buwan.

sipon sa tenga

Sipon sa tenga ni baby ang nagiging dahilan ng impeksyon sa tenga | Image from Freepik

Mga komplikasyon

Kadalasan, ang pagkakaroon ng impeksiyon sa tenga ay hindi nagiging dahilan ng pangmatagalan na komplikasyon. Ganon pa man, ang pabalik-balik na impeksiyon ay maaaring maging ugat ng malulubhang komplikasyon.

  • Problema sa pandinig – Ang pagkakaroon ng pinsala sa eardrum o gitnang bahagi ng tenga ay maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkawala ng pandinig
  • Pagkaantala ng pagsasalita – Kung ang pandinig ng bata ay maapektuhan kahit panandalian lamang, maaari nitong maantala ang pagsasalita ng bata.
  • Pagkalat ng impeksiyon – Ang hindi paggamot sa isang impeksiyon ay maaaring maging dahilan ng pagkalat nito sa iba pang bahagi ng katawan.
  • Pagkapunit ng eardrum – Ang karaniwan ng prublema sa eardrum ay gumagaling sa loob ng 72 na oras. Sa ibang pagkakataon, maaaring kailanganin ng siruhiya.

Pag-iwas

Maaaring mapababa ang tsansa ng pagkakaroon ng impeksiyon sa tenga sa pamamagitan ng:

  • Pag-iwas sa sipon at iba pang sakit
  • Paglayo sa mga naninigarilyo
  • Pag-breastfeed ng bata
  • Tamang posisyon ng bata sa pagkain nito
  • Vaccinations

Sipon sa tenga home remedy

Ang mga sumusunod na paraan ay makakatulong para mapalambot ang earwax sa loob ng tenga. Narito ang mga gamot o home remedy para sa sipon sa tenga ni baby:

  • Baby oil
  • Mineral oil
  • Glycerin
  • Hydrogen peroxide

Para sa mga ito, maaaring drops lang ang kailangang gawin at ‘wag damihan ng todo ang paglalagay sa tenga.

 

Source: Mayo Clinic, U.S. News

BASAHIN:

Ang rason kung bakit hindi dapat cotton buds ang pinapanlinis ng tenga

Luga sa tenga: Sanhi, sintomas, at lunas para sa earwax buildup

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko