Mga bashers ng anak ni Janella Salvador na si Jude planong kasuhan ng aktres. Ito umano ang paraan niya para ma-protektahan ang anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Planong paghahain ng reklamo laban sa mga bashers ng anak ni Janella Salvador na si Baby Jude.
- Mga pagbabago sa buhay ni Janella ng siya ay maging isang ina na.
Mga bashers ng anak ni Janella Salvador
Image screenshot from Janella Salvador’s Instagram account
Nitong Abril ay sunod-sunod na nakatanggap ng pamba-bash mula sa mga netizens ang anak ng young actress na si Janella Salvador. Ang kanilang baby ni Markus Paterson na pinangalanan nilang Jude ay kinutya dahil sa itsura nito.
Nagsimula ito nang mag-share ng mga larawan ang aktres na si Erich Gonzales ng pagbisita niya kay Baby Jude at sa mga parents nitong si Janella at Markus.
Bagamat very happy at positive ang post ni Erich Gonzales sa naging first meeting nila ni Baby Jude, may mga netizens na ginawa itong negatibo. Ito’y sa pamamagitan ng pangungutya sa walang kamuwang-muwang na sanggol.
“Jusko po, poong mahabagin bat ganyan ang mukha ng batang iyan.”
Ito ang nasabi ng isang netizen tungkol kay Baby Jude.
May isang netizen naman ang humiling na sana magka-COVID ang kaawa-awang bata na noon ay 5 months old pa lang. May iba namang tinawag itong “baby na bato” at may isang netizen na sinabing “panget na baby” ito.
Buwelta ni Janella Salvador at Markus Paterson sa mga bashers ng anak nila
Image screenshot from Janella Salvador’s Instagram account
Ang pangbabash na ito sa kanilang anak ay hindi pinalampas nila Janella Salvador at Markus Paterson. Gamit ang kanilang Twitter account ay deretsahan nilang tinawag ang pansin ng mga nangungutya sa kanilang anak.
“Let’s be honest.” “I’m no stranger to bashing. But come for my son and I will come for you. People like this make me sick, wala pang isang taon anak ko and ya’ll making fun of a NEWBORN.” “Not gonna erase the names, proud niyo eh.”
Ito ang mga nasabi ni Markus sa mga bashers ng anak.
Habang si Janella naman ay ipinagtanggol rin ang anak. Ayon sa kaniya, matatanggap niya ang lahat ng pamba-bash sa kaniya pero kung anak niya na ang usapan hindi siya basta mananahimik. Ito ay kaniyang ipaglalaban sa abot ng kaniyang makakaya.
Image screenshot from Janella Salvador’s Twitter account
Janella planong kasuhan ang mga bashers ng anak
Ito nga ay pinandigan ng aktres. Dahil sa isang interview sa kaniya ng beauty doctor na si Dra. Vicki Belo ay ibinahagi ng aktres na pinagplaplanuhan na nilang magsampa ng reklamo laban sa mga bashers ni Baby Jude. Bagamat sa ngayon ay hindi pa nila ito ma-prioritize dahil sa dami nilang inaasikaso.
“We will gonna push through with the complaint. I am still planning to but I am just praying about it right now because there are so many things we are making asikaso.”
Ito ang pahayag ni Janella.
Dahil para sa kaniya, ang ginawa sa kaniyang anak ay isang uri ng bullying. Bagama’t noong una ay hindi agad siya nakapag-react dahil sa pag-aakalang maaring biro o joke lang ang mga pamba-bash sa anak niya.
“I didn’t know what to feel when I first saw the comments about Jude. I was trying to think if they were just joking or what, I realized it’s not ok.
It’s a form of bullying talaga. I had to stand up for Jude. I’m gonna make anything for my son. So I stood up for him.”
Ito dagdag pa ni Janella. Dahil para umano sa isang ina ay hindi siya papayag na may sinumang mang-aalipusta sa anak niya.
Ang ilan sa mga nang-bash sa anak ay humingi na ng sorry kanila Janella. Ito naman ay tinanggap nila ni Markus ngunit patuloy pa rin silang nagbibigay paalala sa mga nagtatakang mang-bash sa anak na hindi nila ito basta palalampasin.
Image screenshot from Markus Paterson’s Instagram account
BASAHIN:
Janella Salvador: “After giving birth, I really lost confidence in myself”
Mga pagbabago kay Janella simula ng siya ay maging ina
Ayon par in kay Janella, ang pagdating ni Baby Jude ay nagdulot ng malaking pagbabago hindi lang sa buhay niya kung hindi pati mismo sa sarili niya.
“I changed my confidence in myself, parang it made me stronger. I have this renewed strength in me every time I go out and face people I’m like I am doing this for my son. Bahala kayo diyan!”
Ito ang pahayag pa ni Janella sa panayam sa kaniya na Dra. Vicki Belo na kung saan ibinahagi niyang siya ay isang introvert sa kabila ng pagiging isang artista.
Sa pagdating nga rin umano ni Baby Jude ay mas naging close si Janella sa ina niyang si Janine Desiderio. Dahil sa ito ang tumutulong sa kaniya sa pag-aalaga kay Jude lalo pa’t ito ay walang yaya.
Kaya naman dahil sa karanasan ay may iniwang mensahe si Janella para sa mga batang ina na tulad niya. Payo pa ni Janella,
“No matter how independent you feel lalo na as a teenager, no matter how much you feel like you can do it on your own, you should always make your parents feel like somehow you still need them.
As a mom now I understand. Even if you lived your own independent life always remember your parents. Don’t completely cut them off.”
Si Janella aay 22 years old noong maipanganak niya si Baby Jude, Oktubre nitong nakaraang taon.
Panoorin dito ang buong interview ni Dr. Vicki Belo kay Janella Salvador.
Source:
Photo:
Image screenshot from Janella Salvador’s Instagram account