Bata binaril ang ama na naging sanhi ng pagkasawi nito. Ang dahilan ng pagbaril, siya at ang kaniyang mga kapatid daw ay minamaltrato ng ama.
Bata binaril ang ama niya
Isang 8-anyos na bata mula sa Sipalay City, Negros Occidental ang napatay ang sarili niyang ama. Nagawa ito ng bata gamit ang isang 38-caliber na baril na pagmamay-ari din ng tatay niya.
Base sa imbestigasyon ng mga pulis, bandang 8:30 ng gabi ng mangyari ang insidente. Umuwi daw ng lasing sa kanilang bahay ang biktima at ama ng batang kinilalang si Jessy Obas, 39-anyos. Ang una daw hinanap nito ay ang kaniyang baril na wala sa kaniyang taguan.
Kaya naman agad nitong tinawag ang bunsong anak at tinanong kung ang baril ba ay kaniyang napaglaruan. Nang hindi sumagot ang bata, pinagalitan daw siya ng ama at tinadyakan pa sa mukha. Dito na nagtatakbo palayo ang bata. Nang ito ay bumalik dala na nito ang baril. Ngunit imbis na ibigay sa ama, ito ay kaniyang itinutok dito at saka ipinutok ng tatlong beses. Nagtamo ng dalawang tama ng baril sa dibdib ang ama ng bata na agad nitong ikinamatay.
Base parin sa report ng mga pulis ay nasaksihan ng dalawa pang kapatid ng bata ang nangyaring insidente. At hindi lang daw noong gabing iyon ang unang pagkakataon na sinaktan ang bunsong kapatid nila. Sila man din daw ay sinasaktan at minamaltrato ng kanilang ama lalo na kapag ito ay nalalasing. Hindi daw ito alam ng kanilang ina na nasa Maynila at nagtratrabaho.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng DSWD o Department of Social Welfare and Development ang bata binaril ang ama niya.
Paano ito maiiwasan?
Natural sa mga bata ang pagiging curious. Kaya naman mahilig silang magtanong o kaya naman ay mangalikot ng mga bagay-bagay. Kung kaya dapat bilang magulang ay matuto tayong itago mula sa kanilang paningin ang mga gamit o bagay na maaring makapanakit. Tulad nalang ng mga gamit sa bahay na matatalim o matutulis gaya ng kutsilyo at gunting. Dapat ding iwasang makakita sila ng mga marahas na palabas sa telebisyon na maari nilang pagayahan ng hindi nila nalalamang mali. O kaya naman, tulad ng ipinapayo ay maging available sa kanila upang maipaliwanag ang kanilang nakikita o napapanood. Sa ganitong paraan ay maiintindihan nila kung bakit hindi nila dapat tong gayahin o gawin.
Higit sa lahat, hangga’t maari ay iwasang makaranas ng violence o karahasan ang iyong anak. Dahil aakalain niyang ito ay tama at normal lang kaya naman ito ay kaniyang tutularan. Tandaan, ang lahat ng kaniyang nakikita sa mga taong nakapaligid sa kaniya ay kaniyang ginagaya. Kaya bilang magulang, dapat ikaw ay laging maging mabuting halimbawa.
Source: Inquirer, GMA News
Photo: Pixabay
Basahin: Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!