Edad 15 years old pababa mas mataas ang tiyansa na tamaan ng kidlat kaysa mamatay sa COVID-19

COVID-19 hindi daw dapat ikabahala sa pagbubukas ng klase. Dahil ayon sa mga pag-aaral, mga bata mababa ang tiyansang mahawa at makahawa ng sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bata na namamatay sa COVID-19 kokonti daw ang bilang kung ikukumpara sa bilang ng mga namamatay sa tama ng kidlat.

STUDY 1: Bata na namamatay sa COVID-19 kokonti kumpara sa mga namamatay sa tama ng kidlat.

Image from Freepik

Base sa isang data analysis na isinagawa sa University of Cambridge’s Office for National Statistics maliit umano ang tiyansa ng pagkakahawa ng sakit na COVID-19 sa mga bata.

Ayon nga sa nakalap nilang statistics mula sa mga taong naninirahan sa England at Wales, ang death rate ng sakit na coronavirus sa mga batang edad 5-14 years old ay nasa isa sa kada 3.5 mullion na bata lang. Habang isa sa kada 1.17 million naman na bata na edad na 5 taong gulang pababa ang naiulat na nasawi dahil sa sakit.

Bilang ng bata na namamatay sa COVID-19 napakaliit umano kung ikukumpara sa dami ng namamatay sa tama ng kidlat sa Britain na nasa 30-60 na tao o isa sa kada 1.1 million na tao kada taon. Ito ay ayon sa Royal Society for the Prevention of Accidents.

STUDY 2: Bata mababa ang tiyansang mahawa at makaranas ng malalang sintomas ng COVID-19.

Ang findings na ito ay sinuportahan naman ng isang systematic review na isinagawa sa 47 na pag-aaral sa Sweden. Ayon sa research, ang mga bata ay may mababang risk o tiyansa na mahawa at makaranas ng malalang sintomas ng COVID-19. Mababa rin umano ang tiyansa na maihawa nila ito sa pamilya o mga guro nila.

Ang naging resulta ng dalawang pag-aaral ang tinitingnan ngayong basehan ng mga eksperto sa kung dapat na bang magbukas ang mga klase sa gitna parin ng banta ng COVID-19 pandemic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The vast majority of children do not get very sick from Covid-19 and deaths are extremely rare.”

“So there’s really no reason to close down schools and kindergartens to protect the children themselves.”

Ito ang pahayag ni Professor Jonas Ludvigsson, na nanguna sa ginawang systematic review sa Sweden.

May ilang educators naman ang nagpakita ng suporta sa pahayag na ito ni Prof. Ludvigsson. Ayon sa kanila, ay mas nag-aalala sila sa long-term impact sa education at well-being ng estudyante kung hindi pa agad na maibabalik ang klase sa mga eskwelahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Pagbabalik ng klase sa Pilipinas

Sa Pilipinas ay ganito rin ang mainit na pinagtatalunan. Ito ay kahit nagsimula na ang enrollment nitong Hunyo 1 para sa pasukan ngayong Agosto 24.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, marapat lang na magbalik na ang klase sa mga paaralan. Dahil sa ito ay para sa ikabubuti rin naman ng mga batang mag-aaral. May banta man ng coronavirus hanggang ngayon ay sisiguraduhin umano ng DepEd na magiging ligtas parin ang pagbubukas ng klase hindi lamang sa mga estuydante kung hindi pati narin sa kanilang mga guro. Ito ay gagawin sa pamamagitan ng pag-oobserve parin ng COVID-19 guidelines tulad ng pagsusuot ng mask at social distancing. At ang paggamit ng iba pang alternative learning methods. Tulad ng online learning o sa pamamagitan ng internet. Pati na ang paggamit ng broadcast media tulad ng radio at telebisyon.

“I acknowledge the fears and apprehensions of our learners, parents, and teachers, that attending schools in August might still not be safe in light of COVID-19. But I would like to assure everyone, as I have presented to the IATF, that we will observe all the guidelines of the DOH and the IATF, on whether the risks classification in a locality will allow face-to-face attendance in schools, or not.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I also acknowledge those who have expressed full faith and support for Deped. We will implement a “safe back to schools program, consisting of health standards that will ensure everyone’s safety in areas that will already allow physical attendance in schools.”

Ito ang opisyal na pahayag ni Sec. Briones ukol sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

Image from Freepik

Iba’t-ibang reaksyon tungkol sa pagbubukas ng school year 2020

Anti-poor kung ipagpapaliban ang pagbubukas ng klase ngayong taon

Sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Sec. Briones ni Sen. Sherwin Gatchalian. Ayon sa kaniya, ang panukalang pagpapaliban sa klase ngayong taon ay anti-poor. Dahil sa mga mahihirap na estudyante lang ang matitigil sa pag-aaral. Habang ang mga estudyanteng may kakayahang gumamit ng ibang alternative learning methods ay magpapatuloy parin.

“Postponing classes and not doing anything will leave our poor students left behind. They will really fall back. We already had low scores in the [Program for International Student Assessment], and now they would be left behind.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“So it’s a bad idea to completely postpone school. We can still continue to teach using innovative methods and this is using TV, radio and using other forms.”

Ito ang pahayag ni Sen. Gatchalian na chairman ng Committee on Basic Education, Arts and Culture sa senado.

Walang sapat na gamit at internet connection ang mga Pilipinong mag-aaral

Samantala, para naman sa ilang organisadong grupo tulad ng Ang Probinsyano partylist, imposible umano ang isinusulong ng DepEd na pangunahing paraan ng pagbabalik ng klase ngayong taon. Ito ay sa pamamagitan ng online distance learning  upang maiaabot sa bawat estudyante ang kanilang mga aralin. Dahil maraming lugar sa Pilipinas ang walang access sa internet. At maraming bata ang walang gadget o equipment na magagamit upang maisagawa ito.

“The (DepEd) should postpone the resumption of classes this year instead of resorting to virtual classrooms which would only prejudice students who are not equipped with e-learning gadgets and could not afford to have any internet connection.”

Ito ang pahayag ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga guro ay wala ring sapat na kagamitan na kailangan.

Samantala, ayon naman kay ACT o Alliance of Concerned Teachers Philippines Secretary General Raymond Basilio, hindi lang mga estudyante ang magkakaproblema sa isinusulong na learning method ngayong taon. Dahil ultimo mga guro mismo ay hindi handa sa bagong learning set-up na ito. At sila ay walang maayos na gamit at internet connection para maisagawa ito.

“The agency should not be lax with its survey findings that a supposed 87 percent of teachers have laptops and desktops. This does not represent readiness to conduct online classes as many teachers are complaining that their personal laptops are old, outdated, and cannot support online application.”

Ito ang pahayag ni Basilio.

DepEd sa “No vaccine, no classes” proposal

Image from Manila Bulletin

Para naman sa mga nagsasabing dapat ay maghintay na muna ng vaccine laban sa COVID-19 bago magbalik ang klase ay ito ang sagot ni Sec. Briones.

“Kung maghintay tayo vaccine, well and good, basta may alternative din, because we cannot be waiting exclusively for the vaccine.”

“We cannot have education come to a standstill in the country.”

Sa ngayon, base sa statistics na nagmula sa DepEd ay nasa 8, 666, 493 na mag-aaral na sa buong bansa ang nakapag-enroll ngayong darating na pasukan. Karamihan sa mga ito ay mga nag-aaral sa public schools. Habang 255,124 lamang sa mga ito ang nag-parehistro sa private schools.

 

Source:

Mirror UK, DailyMail UK, DepEd, Manila Bulletin, Inquirer News

Basahin:

Bihirang makahawa ang mga asymptomatic na may COVID-19, ayon sa WHO