Nakakahawa ba ang asymptomatic sa COVID-19? Ito ang tanong ng karamihan sa atin.
Nakakahawa ba ang taong asymptomatic sa COVID-19?
Mayroong dalawang klase ng pasyente kapag ito ay infected na ng COVID-19.
Ang una ay yung mga tao na nakakaranas at nakikitaan ng common symptoms ng virus katulad ng pag-ubo o pagkakaroon ng lagnat. Ang sunod naman ay ang mga taong hindi mo alam na infected na pala ng virus. Ito ang mga tinatawag na asymptomatic. Sila ang mga taong positive na sa COVID-19 pero hindi nakakaranas o nakikitaan ng symptoms ng nasabing virus.
Malalaman lang na sila ay positive sa COVID-19 kapag sila ay nasuri ng medical.
Ngunit ang tanong ng karamihan, dapat ba na ikabahala rin ito dahil nakakahawa ang mga taong asymptomatic sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization, ang pagpasa ng virus mula sa taong asymptomatic papunta sa hindi pa infected ay bihira lamang kung mangyari. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maipapasa ito ng taong asymptomatic.
Nakakahawa ba ang taong asymptomatic sa COVID-19? | Image from Freepik
Matatandaan na sa unang mga pag-aaral, ang sabi ay makakahawa ang mga asymptomatic sa mga hindi infected kahit wala silang nararamdamang mga sintomas. Ngunit ngayon, paglilinaw ng WHO na bihira lamang itong mangyari.
Dahil nakukuha ang virus mula sa taong positibo dito at ang mga maliliit na water droplets mula sa kanyang ilong ay dahilan kung bakit ito napapasa sa iba.
“It passes from an individual through infectious droplets. If we actually followed all of the symptomatic cases, isolated those cases, followed the contacts and quarantined those cases, we would drastically reduce
Karamihan na nagiging asymptomatic ay mga kabataan o yung hindi high risk sa COVID-19 katulad ng mga senior citizen, buntis o kaya naman mga may current medical issue. Kadalasan, ang mga taong hindi high risk ay nagkakaroon lang ng mild symptoms sa virus.
Nakakahawa ba ang taong asymptomatic sa COVID-19? | Image from Unsplash
Ayon sa head ng World Health Organization na si Dr. Maria Van Kerkhove, ang pagpasa ng virus mula sa asymptomatic na tao papunta sa hindi infected ay ‘rare‘ kung tutuusin.
“From the data we have, it still seems to be rare that an asymptomatic person actually transmits onward to a secondary individual.. It’s very rare.”
Dagdag pa dito, nagbigay ang WHO ng paalala na kailangang ihiwalay muna ang mga positibo sa COVID-19 na may sintomas. Alamin ang mga nakasalamuha nila at idaan rin sa pagsusuri.
Marami na ring bansa ang nagsagawa nito. Sinusuri nila ang mga asymptomatic na kaso at inaalam ang mga nagkaroon ng contact sa mga pasyente. Napagalaman rin na walang secondary transmission na naganap. Kaya naman masasabi na ang pagpasa ng virus mula sa asymptomatic na tao papunta sa hindi pa infected ay bihira lamang.
“We have a number of reports from countries who are doing very detailed contact tracing. They’re following asymptomatic cases. They’re following contacts and they’re not finding secondary transmission onward. It is very rare. And much of that is not published in the literature.”
Dagdag rin ng WHO, mas maganda na bigyang pansin ang mga taong nakikitaan ng sintomas ng COVID-19. Kung agad na ihihiwalay ang mga ito at alamin ang mga taong nagkaroon ng contact sa kanila, dahil dito maaaring mabawasan ang patuloy na pagkalat ng virus.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.
Nakakahawa ba ang taong asymptomatic sa COVID-19? | Image from Freepik
Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Source:
CNBC
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!