Nag-viral ang post ng isang concerned netizen tungkol sa isang bata minolestya sa banyo ng mall sa Maynila. Ayon sa post, nasa isang “high-end restaurant” daw sila ng mangyari ang insidente.
Nagpa-alam para mag-banyo
Ayon sa netizen, hinihintay nila ang kanilang pangalawang order nang magsimula ang kaguluhan sa kabilang table, na may layo sa 5-7 meters kung saan sila naroroon. Ipinatawag ang manager ng restaurant at ang dalawang security guards na naka-duty.
Base sa nakalap niyang impormasyon, kumakain ang grupo sa restaurant—ang 5-taong gulang na batang babae, ang nanay nito, isang matandang babae na naka-wheelchair, at isa pang babae. Nagpaaalam ang bata na pumunta sa kalapit na banyo.
“Mama, naiihi ako,” ang paalam nito.
Nang pumasok ito ng restroom, sinundan daw ito ng di kilalang lalaki. Ni-lock daw ng lalaki ang pinto ng comfort room.
Nang lumaon, nagtaka na ang nanay kung bakit natagalan sa pag-ihi ang kaniyang anak. Nagpasya siyang sundan ito. Pagpasok niya ng restroom, nakita niyang nasa isang sulok ang bata at umiiyak—at diumano ay may dugo ang ari nito.
Hindi makapaniwala
Nang bumalik ang mag-nanay sa table, tinatanong daw ng nanay ang anak kung ano ang nangyari. Hindi raw napigilan ng nanay ng bata na magwala at magalit, ayon sa netizen.
“Hindi! Hindi! Binaboy ang anak ko!”
Dinala daw ang batang diumanoy minolestya sa ospital. Wari ng netizen ay para ipa-medico legal ito.
Komento naman ng netizen na hindi raw siya makapaniwala na mangyayari iyon sa isang sikat na mall at sa ganoong kaiksing panahon. Nagbigay ito ng babala sa ibang mga magulang na bantayan ang mga batang babae dahil may nangyayaring ganitong klaseng pang-aabuso sa mga bata sa isang pampublikong lugar.
Concerned netizen
Naka-usap namin ang netizen ngunit tumanggi itong magpa-interview tungkol sa nangyari. Ngunit sambit nito na sana maging isang babala ang insidente para maging mas mapagmatyag ang mga magulang at huwag maging kampante sa mga matataong lugar.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!