Bata na umiinom ng alak video, nag-viral sa Facebook. Ilang netizens natawa ngunit sinabing ito ang isang patunay na ginagaya ng mga bata ang nakikita nila sa mga matatanda.
Mga bata na umiinom ng alak video
Naging viral sa Facebook ang mga bata na umiinom ng alak video. Sa video ay makikita ang tatlong bata na nasa edad tatlo hanggang apat na nakaupo sa gilid ng kalsada. Habang pinalilibutan ang isang maliit na mesa na may nakapatong na tatlong bote ng alak. Makikitang may hawak ding plastic cups ang mga bata na akma ring itinatagay ang bote na kunyare ay may laman. Makikita rin ang batang lalaki sa video na ininom ang kunyareng laman ng baso na itinagay sa kaniya.
Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa video na halos nai-share na ng 67,000 times sa Facebook. Natatawa man sa kanilang napanood, hindi naman napigilan ng iba na magkomento na ito na ay isang halimbawa na ginagaya ng mga bata ang nakikita nila sa mga matatanda.
Ngunit dapat lang bang tawanan ito? O dapat na nga bang ma-realize nating mga matatanda ang kalahagahan ng pagiging mabuting ehemplo sa mga bata?
Pahayag ng mga eksperto
Ayon sa kay Andrew N. Meltzoff, isang American psychologist at internationally recognized expert pagdating sa infant at child development, ang pang-gagaya o imitation ay isang powerful form ng learning na ginagamit ng mga bata at mga infants. Nagsisimula nga daw ang panggagaya na ito kapag tumungtong na sa edad na isang taong at dalawang buwan ang sanggol o 14 months. Dito ay gagayahin niya na at uulit-ulitin ang nakikita niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
Sinuportahan naman ito ng natuklasan ng isang pag-aaral na nailathala sa journal ng Association for Psychological Science. Sa ginawang pag-aaral ay ipinakita ng isang adult sa mga bata kung paano buksan ang isang box. Bagamat maraming paraan upang buksan ang box karamihan sa mga bata ay ginaya ang paraan ng pagbukas ng adult na nakita nila.
Kaya naman mula sa resulta ng naging pag-aaral ay na-realize ng psychologist na si Mark Nielsen mula sa University of Queensland sa Australia na mahalaga ang ginagampanang role ng mga matatanda sa learning at development ng isang bata.
“This willingness to assume that an action has some unknown purpose, and to copy it, may be part of how humans develop and share culture. Really, we see these sorts of behaviors as being a core part of developing this human cultural mind, where we’re so motivated to do things like those around us and be like those around us.”
Ito ang pahayag ni Neilsen tungkol sa ginawang pag-aaral.
Pagiging mabuting halimbawa sa mga bata
Ayon naman sa HealthyChildren.org, ang mga bata ay natuto sa pamamagitan ng panggagaya sa mga tao sa paligid nila. Lalo na sa kanilang mga magulang na lagi nilang nakakasama at nakikita. Kaaya naman mahalaga na magpakita lagi hangga’t maari ng magagandang gawi para ito ang kanilang kalakihan.
Base naman sa isang artikulo na nailathala sa Michigan State University website ay dapat i-apply ng mga magulang ang mga sumusunod na tips upang maging mabuting halimbawa sa kanilang mga anak.
- Una ay dapat tandaan na laging nakatingin sayo ang iyong anak. Kaya naman dapat mong piliin ng mabuti ang mga salita at hakbang na iyong gagawin. Simulan ito kahit maliliit pa ang iyong anak.
- Isipin na ang iyong bahay ay unang classroom ng iyong anak at ikaw ang nagsisilbing teacher niya.
- Isama ang iyong anak sa mga activities sa loob ng inyong bahay upang siya ay mas mabigyan ng oportunidad na matuto.
- Limitahan ang panonood ng telebisyon ng iyong anak. Dahil muli sa panonood siya ay natututo at ito ay kaniyang ginagaya.
Paano magiging mabait na bataang iyong anak
Bilang isang magulang, ang nais natin ay lumaking mabait na bataang ating mga anak. Dahil ayon sa mga psychologist at life experts, ito ang sikreto upang maging masaya at magkaroon ng satisfaction sa buhay ang isang tao.
Ngunit paano ba natin sisimulang ituro ito sa ating anak?
Ayon kay Vanessa LoBue, na isang associate professor of psychology sa Rutgers University-Newark na nag-ispecialize sa infant at child development, para maging mabait na bataang ating anak ay “empathy” ang unang kailangang nilang matutunan.
Ayon sa online Merriam and Webster dictionary, ito ang kahulugan ng empathy:
Definition of empathy
- the action of understanding, being aware of, being sensitive to, and vicariously experiencing the feelings, thoughts, and experience of another of either the past or present without having the feelings, thoughts, and experience fully communicated in an objectively explicit manner.
Sa simpleng salita, ito ay ang kakayahan ng isang taong maintindihan ang nararamdaman ng kaniyang kapwa. Kung itratranslate sa salitang Tagalog, ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.
Source: Ilabs Washington, Psych Central, Michigan State University
Basahin: Kung ayaw mong maging masama ang ugali ng anak mo, huwag mong gawin ang mga ito