Nahulog ang isang bata mula sa 27th floor ng isang condo building sa Cebu City. Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang pagkamatay ng bata.
Bata nahulog sa condo, patay
Isang apat na taong gulang na batang lalaki ang nasawi matapos na mahulog mula sa 27th floor ng condo building.
Ayon sa report ng ABS-CBN News, sinabi ni Mabolo Police Station chief PMaj. Romeo Caacoy na natutulog diumano ang batang lalaki nang iwan ito ng kaniyang ina sa kanilang condo unit sa Barangay Lahug upang kumuha ng kape. Naganap ito bandang alas-6 ng umaga nitong Abril 8, Lunes.
Sa ulat ng mga awtoridad, nahulog ang bata mula sa 27th floor ng building at bumagsak ito sa 3rd floor canopy ng condominium. Agad namang dinala ng mga mediko sa pinakamalapit na ospital ang bata kung saan ay idineklara itong dead on arrival.
Sa ngayon ay hinihintay pa umano ng mga pulis na makuha ang CCTV footage ng condominium. Para matiyak na walang foul play sa nangyaring insidente.
Samantala, ayon sa pamunuan ng condominium kung saan naganap ang insidente, nakatanggap sila ng incident report bandang alas-6:50 ng umaga. Ikinabigla at ikinalungkot umano ng management ang nangyari. At ipinaaabot nila ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng bata.
“The management is deeply shocked and saddened by this recent incident as our thoughts and prayers go out to the family of the child,” anila.
Makikipag-ugnayan naman umano ang pamunuan sa masusing imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyari.
“The safety and well-being of our residents, visitors, and staff have always been of greater importance to us, and we are fully cooperating with the condominium corporation and authorities in their investigation into the matter,” dagdag pa ng pamunuan ng condo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!