7-year-old na bata patay pagkatapos kumain ng fried chicken na inorder online

Iligtas sa peligro ng food poisoning ang iyong pamilya sa pamamagitan ng pag-alam sa sintomas nito at paraan upang ito ay agad na malunasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bata patay dahil sa kinain na fried chicken na inorder online. Food poisoning tinitingnang dahilan ng kaniyang pagkamatay. Narito ang sintomas ng food poisoning at ang food poisoning first aid na maaring gawin upang maiwasan itong mangyari sa iyong pamilya.

Bata patay dahil sa kinain na fried chicken na inorder online

Hustisya ang sigaw ng mga magulang ng 7-anyos na batang si Zara Louise Lano. Si Zara ay nasawi sa Kuwait noong Marso 21 matapos kumain ng inoder na fried chicken online. Ito ay base sa pahayag ng kaniyang mga magulang na sina Dax at Faye Lano.

Kuwento ng kaniyang ina na si Faye, gabi ng Marso 20 ng umorder sila online ng fried chicken sa isang fast food chain. Habang kinakain ito ay napansin niya na umanong may kakaiba na sa itsura at lasa nito.

“Habang kumakain kami, nagko-complain ako sa kanila, sabi ko parang hindi na maganda kasi yung chicken. Parang masyado nang oily, parang ininit na lang at dark na yung kulay niya.” Ito ang pag-kukuwento ng ina ni Zara na si Faye.

Tinigilan nila ang pagkain ng fried chicken. Paglipas ng mga oras, madaling araw ng Marso 21 dito na sila nakaramdam ng pagkahilo, pagsusuka at LBM. Dahilan upang sila ay mag-punta at sumugod sa ospital.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Food poisoning tinitingnang dahilan ng kaniyang mga magulang

Sa ospital ay kinuha umano ang mga vital signs nila at isinailalim sa X-ray. Lumabas na maayos naman daw ang lagay ng mag-inang si Faye at Zara. Kaya naman sila ay agad na na-discharged at pinauwi ng ospital. Habang ang ama ni Zara na si Dax at panganay na kapatid ay nanatiling naka-confined.

Pero ilang oras matapos pauwiin ay nakaramdam ulit ng pagsusuka, pagkahilo at LBM sina Zara at Faye. Kaya naman bumalik sila sa ospital na kung saan nailagay na si intensive care unit o ICU ang inang si Faye. Habang ang kaniyang anak na si Zara ay idineklarang dead on arrival.

Base sa ginawang obserbasyon at imbestigasyon ng ospital na pinagdalhan kay Zara, siya ay nasawi dahiil sa acute failure of blood circulation and respiration at septic shock. Pero naniniwala ang mga magulang niya na ito ay dahil sa food poisoning at may naging kapabayaan ang ospital na pinagdalhan nila sa anak kung bakit ito nasawi.

Kaya naman sa pag-uwi ng bangkay ni Zara sa Pilipinas ay sinailalim ito sa re-autopsy. At kung sakaling lumabas sa resulta nito na ito nga ay biktima ng food poisoning ay sasampahan nila ng kaso ang fast food chain na pinagbilhan ng fried chicken at ang ospital na pinagdalhan kay Zara upang panagutin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang food poisoning?

Ang food poisoning ay ang sakit o kondisyon na nararanasan ng isang tao na may kaugnayan sa contaminated na pagkain o inumin na kaniyang na-consume. Ito ay dulot ng bacteria, parasites o viruses na napupunta sa pagkain na kapag nakapasok sa katawan ng tao ay nagdudulot ng negatibong reaksyon sa katawan.

Image from Freepik

Sintomas ng food poisoning

Ayon sa CDC ang sintomas ng food poisoning ay maaring maiba-iba depende sa lala ng food poisoning na nararanasan ng isang tao o sa dami ng germs na nakain niya na. Pero madalas ang mga sintomas ng food poisoning na mararanasan ilang oras matapos maka-consume ng contaminated na pagkain o inumin ay ang sumusunod:

  • Upset stomach o masamang timpla ng tiyan
  • Stomach cramps o pananakit ng tiyan
  • Nausea o pagkahilo
  • Vomiting o pagsusuka
  • Diarrhea o pagtatae
  • Fever o lagnat

Habang ang mga sintomas ng food poisoning na life-threatening o nangangahulugan na dapat ng dalhin sa doktor ang isang biktima nito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Labis na pananakit ng tiyan.
  • Diarrhea na tuloy-tuloy na nararanasan sa loob ng 3 araw.
  • Maitim na dumi.
  • Lagnat na higit sa 101.5°F o 38.6°C.
  • Hirap makakita o makapagsalita.
  • Sintomas ng severe dehydration tulad ng panunuyo sa bibig, pag-ihi ng kaunti o halos walang ihi at hirap na makainom o makalunok ng tubig.
  • Dugo sa ihi.

Food poisoning first aid

Image from Freepik

Ayon sa CDC, ang unang dapat gawin upang malunasan ang food poisoning ay ang masigurong hindi ma-dedehydrate ang taong nakakaranas nito. Ang mga paraan na dapat gawin upang masiguro ito ay ang sumusunod:

  • Uminom ng tubig o clear fluids. Dahan-dahanin ang pag-inom habang unti-unting dinadagdagan ang dami ng fluids o tubig na iniinom sa pagdaan ng oras. Ang mga sports drinks na high in electrolytes ay makakatulong upang maiwasan ang dehydration. Habang ang mga fruit juice at coconut water ay maaring mai-restore ang nawalang carbohydrates sa katawan at makakatulong na maibsan ang fatigue na dulot ng dehydration.
  • Iwasang uminom ng inumin na may caffeine dahil maari nitong ma-irritate ang tiyan. Sa halip ay uminom ng mga decaffeinated teas na may herbs tulad ng chamomile, peppermint, at dandelion na nakakatulong pakalmahin ang masamang tiyan.
  • Kung nagsusuka o nagtatae ng higit sa isang araw o 24 oras ay uminom ng oral rehydration solution.

Para naman makontrol ang pagkahilo at pagsusuka ay gawin ang sumusunod:

  • Iwasan ang mga solid foods hanggang sa matigil ang pagsusuka. Saka unti-unting kumain ng hindi malalasang pagkain tulad ng crackers, saging, kanin at tinapay.
  • Ang paunti-unting pag-inom ng tubig ay makakatulong ring maiwasan ang pagsusuka.
  • Iwasan ang mga prito mamantika, maanghang at matamis na pagkain.
  • Huwag basta iinom ng anti-nausea o anti-diarrhea medication ng walang reseta ng doktor. Dahil maaring mas palalain nito ang mga sintomas ng food poisoning.

Madalas ang food poisoning ay maari namang malunasan sa bahay na kung saan ang sintomas nito ay maaring unti-unting mawala sa loob ng 3-5 araw. Ngunit para makasigurado makabubuti na magpunta na agad sa doktor lalo na kung nakakaramdam o nagpapakita ng sintomas na nakakabahala.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

GMA News, WebMD, Healthline, CDC

Basahin:

Kaning lamig, posible raw magdulot ng food poisoning

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement