1-year-old na bata patay matapos maputol ang swab stick na ginamit sa COVID-19 test

Isang 1 year old na bata ang patay nang naputol ang swab stick sa loob ng ilong nito habang siya ay nasa ilalim ng COVID-19 testing. | Lead image from Al Arabiya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang 1 year old na bata ang patay nang naputol ang swab stick sa loob ng ilong nito habang siya ay nasa ilalim ng COVID-19 testing.

1-year-old na bata patay matapos maputol ang swab stick na ginamit sa COVID-19 test

Hindi nagawang makaligtas ng isang 1 year old na batang lalaki mula Saudi Arabia nang maputol ang ginamit na swab stick sa kaniya habang ito ay sinasailalim sa COVID-19 test.

Bata, patay dahil sa naputol na swab stick sa kanyang COVID-19 test | Image from Unsplash

Ayon sa Al Arabiya, dinala sa Shaqra General Hospital ang batang lalaki dahil sa iniinda nitong mataas na lagnat. Walang nakitang ibang sintomas ngunit dahil sa kalagayan, nagpasya ang ospital na isailalim ito sa COVID-19 testing.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang swab stick na ipinapasok sa ilong ay naputol sa loob ng ilong ng bata. Upang maalis ang naputol na stick sa ilong ng bata, kailangang gumamit ng general anaesthesia ang mga doctor ng nasabing ospital para makuha ito sa kanyang lalamunan.

Natanggal naman ang naputol na stick sa loob ng ilong. Ngunit dahil sa nangyari, agad nawalan ng malay ang bata dahil sa naging  problema nito sa kanyang baga. Ayon sa kwento ng mga magulang nito, nais sanang ipatingin nila ang kanilang anak sa mga doctor kinagabihan. Ngunit hindi rin nasuri agad ang bata dahil wala daw available na doctor ng mga oras na ‘yon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nais rin sanang ilipat ng tatay sa ibang ospital ang kanyang anak ngunit halos inabot ng ilang oras ang paghihintay nila sa ambulansya. At pagkalipas nga ng maraming oras, agad binawian ng buhay ang batang lalaki.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang pangyayari.

Bata, patay dahil sa naputol na swab stick sa kanyang COVID-19 test | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nahahawa sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.

  • Hindi makagalaw
  • Hindi makapagsalita
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib

Bata, patay dahil sa naputol na swab stick sa kanyang COVID-19 test | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Khaleej Times , Arabiya

BASAHIN:

Skin rashes, bagong sintomas ng COVID-19 ayon sa pag-aaral

Mga paraan para makaiwas sa mga asymptomatic COVID-19 patients

Sinulat ni

Mach Marciano