Isang ina ang nagbahagi ng kaniyang karanasan tungkol sa mga posibleng maging panganib ng paglalaro sa swing. Aniya, ito raw ay naging sanhi upang pumutok ang blood vessels ng kaniyang anak.
Ating alamin kung paano ito nangyari, at kung ano ang magagawa ng mga magulang upang maiwasan ito.
Paglalaro sa swing, mapanganib nga ba sa bata?
Ayon sa inang si Rebecca Jordan, mahilig raw magpaikot-ikot ng kaniyang anak habang naglalaro. Tipikal na ang ganitong behavior sa ilang mga bata, at madalas ay wala naman itong masamang epekto sa kanila.
Ngunit habang naglalaro raw sa playground ang kaniyang anak, ay nakikipaglaro ito sa swing kasama ng ilang mga bata. Ang swing raw na ito ay kakaiba dahil sa halip na pataas at pababa ang paggalaw ay puwedeng ikutin ang swing na ito.
Sinabi raw ng kaniyang anak sa mga kalaro na bilisan at lakasan pa ang pag-ikot sa kaniya. Nang umalis raw sa swing ang kaniyang anak ay bigla na lang itong nahimatay.
Napansin rin ng mga kalaro niya na tila ay may pasa sa ulo ang bata, ngunit hindi naman ito tumama sa kahit anong bagay. Nang puntahan ni Rebecca ang anak, ay nanghihina pa ito, at sinabing masakit raw ang kaniyang utak. Dito na napansin ni Rebecca na parang may namuong dugo sa mata ng kaniyang anak, at sa ulo nito.
Ngayon lang nakakita ng ganitong kaso ang mga doktor
Dali-dali nilang dinala ang bata sa ospital, at noong una ay hindi pa makapaniwala ang mga doktor sa kanilang nakita. Ito raw ay dahil kakaiba ang marka sa ulo ng bata, at inakala pa nilang pintura raw ito.
Matapos magsagawa ng pagsusuri ay napag-alaman nilang nagkaroon ng pumutok na blood vessels sa ulo ang bata, dahil sa mabilis na pag-ikot sa swing. Dahil raw sa tindi ng pressure ay pumutok ang mga ito at naging sanhi upang mahimatay siya. Ganito rin daw ang mga sintomas ng shaken baby syndrome na ikinamamatay ng mga bata.
Nagsagawa rin ng CT scan ang mga doktor, at sa kabutihang palad ay wala naman raw naging brain damage. Ngunit simula ngayon ay magiging mas maingat na raw sila, lalo na kapag nagpapaikot-ikot sa swing ang kaniyang anak.
Heto ang post ni Rebecca:
Nawa’y magsilbing aral ito sa mga magulang pati na rin sa mga bata. Importanteng maging maingat rin ang mga magulang, at huwag hayaang maging sobra sobra ang likot sa paglalaro ng kanilang mga anak.
Minsan ang mga inaakala nating simpleng laro, ay posible na palang magdulot ng matinding pinsala sa mga bata.
Source: Facebook
Basahin: 3-buwang sanggol patay matapos maiwan sa baby bouncer
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!