Batang babae, mag-isang hinarang ang mga armadong magnanakaw!

Mabilis nag-viral at kumalat sa buong mundo ang katapangan ng batang bayaning ito. Ano nga ba ang nangyari, at bakit niya hinarap ang mga magnanakaw?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakatakot isipin ang mga panganib na posibleng mangyari sa atin araw-araw. Puwede tayong maging biktima ng holdap, manakawan, o kaya ng kung anu-ano pang karumal dumal na krimen. Ngunit para sa batang bayani na si Brielle Minia, hindi siya nagpatinag o natakot nang hinarap niya mag-isa ang mga armadong magnanakaw.

Ating alamin ang kaniyang kuwento.

Brielle Minia: Isang tunay na batang bayani!

Naglalaro malapit sa kanilang tahanan ang walong-taong gulang na si Brielle Minia nang may mga lalakeng nagkunwaring nagbebenta ng DVD ang lumapit sa kaniyang ama. Kakarating lang ng kaniyang ama galing sa trabaho nang mangyari ang insidente.

Bigla na lang naglabas ng baril ang mga suspek at tinutukan ang tatay ni Brielle upang siya ay pagnakawan. Ang iba namang kasama ng lalaki ay pumunta sa bahay nila upang nakawin pa ang ibang kagamitan.

Nang paalis na sila, bigla silang hinarang ni Brielle. Nahila ni Brielle ang bag ng isa sa mga lalaki, at tumapon ang mga laman nito sa kalsada. Sinubukang pulutin ni Brielle ang pera, ngunit nang makita niyang paalis na ang mga suspek, ay dali dali niya itong hinabol at sinugod!

Sa kasamaang palad, sinipa ng isang suspek si Brielle at siya ay nahulog sa kalsada. Buti na lang walang napahamak sa kanila, at bagama’t may mga pasa at bali sa ilong si Brielle, maayos naman ang kaniyang kalagayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panoorin ang video ni Brielle dito:

Hindi raw siya natakot sa mga magnanakaw

Source: Facebook

Matapos ang insidente, dalawang araw namalagi sa ospital si Brielle dahil sa tinamong pinsala. Mayroon siyang mga pasa at sugat sa mukha at kamay, at posible din daw na nabali ang kaniyang ilong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagama’t nasaktan, sabi ni Brielle na hindi daw siya magdadalawang-isip na ulitin ang ginawa niya kung pagnakawan ulit ang kaniyang ama.

Dagdag pa niya, kung makita daw niya ang mga magnanakaw, ay sisiguraduhin niyang pagsisisihan nila ang kanilang ginawa.

Ayon naman sa tiyahin ni Brielle na si Bhing na kasama niyang nakatira sa compound, mabuti raw at pera lang ang nakuha sa kanila. Aniya, ang pera naman daw ay puwedeng ipunin at kitain. Karma na lang daw ang bahala sa mga magnanakaw. Bilib din daw siya sa katapangan ng kaniyang pamangkin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring pagnanakaw. Ayon sa kanila, posible daw na planado ang pagnanakaw dahil alam nila anong oras umuuwi ang ama ni Brielle.

Aaralin din daw nila ang CCTV footage upang makilala kung sino ang mga magnanakaw.

Panatilihing ligtas ang iyong pamilya

Nakakabilib ang ipinamalas na katapangan ng batang bayani na si Brielle. Pero masasabi natin na masuwerte siya at hindi siya gaanong nasaktan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakalungkot man isipin, pero may posibilidad na baka nabaril si Brielle ng mga holdaper. Kaya’t ipinapayo pa rin ng mga eksperto, mabuting umiwas na lang sa panganib kaysa maging matapang at sumugod sa mga holdaper.

Heto pa ang ilang mga tips na makakatulong upang mapanatiling ligtas ang iyong pamilya:

  1. Kilalanin at kaibiganin ang iyong mga kapitbahay. Magtulungan kayo upang panatilihin ang kaayusan sa inyong lugar.
  2. Magbigay ng mga cellphone number, pangalan, at mahahalagang contact number sa iyong pamilya na puwede nilang tawagan kapag nagkaroon ng problema.
  3. Kapag ikaw ay naholdap o kaya ay pinagnakawan, huwag na manlaban. Mabuting ibigay na lang ang pera sa halip na ilagay sa panganib ang iyong buhay.
  4. Alamin ang mga taong nasa paligid mo. Tingnan mong mabuti kung may mga taong kahina-hinala ang kilos, at mag-ingat.
  5. Turuang mag-ingat ang iyong pamilya at palaging alamin kung nasaan sila, lalong-lalo na ang mga bata.

 

Source: MirrorNCRPO

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Basahin: Burglar caught on CCTV attempting to break inside home

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara