LOOK: Street kids nagbebenta ng kanilang drawing imbis na manglimos

Narito ang nakaka-inspire na kuwento ng mga batang lansangan na ibinibenta ang artwork nila para magkapera kesa manlimos at magmakaawa sa iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Batang lansangan man sila kung maituturing pero pinatunayan ng mga batang ito na pagdating sa sining hindi basehan ang estado sa buhay ng isang tao.

Naging viral sa social media ang larawan ng mga batang lansangan na nagdra-drawing at ibinebenta ang kanilang artwork sa kalsada.

Sa larawan ay makikita ang mga drawing ng bata sa maliliit na piraso ng karton na naka-display sa labas ng isang mall na may nakalagay na “Art for Sale.”

Sa caption ng mga larawan na sa salitang Cebuano, sinabi ng uploader ng larawan na si Adrian Moslares na:

“Salute to this Calbayognon artist!

“Tinururan niya ang mga batang palaboy na mag-drawing at ibenta ang kanilang artwork kesa manglimos. Kaya kung makita ninyo ang mga batang ito sa gilid ng Gaisano bilhin ninyo ang artwork nila sa halagang P1-P5 bilang tulong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nakakainspire ang mga kabataan at artist na ito ng Calbayog. Isang artist na may passion na isheshare ang nalalaman niya ng walang limitasyon, kahit maliit ngunit mula at bukal naman sa kaniyang puso.”

Ayon kay Adrian Moslares, ay napadaan lang siya sa nasabing mall sa Calbayog, Eastern Samar ng makita niya ang mga drawing ng mga bata na kanilang ibinebenta.

Sa halagang piso hanggang limang piso kada isang artwork ay nagkaroon diumano ng pagkakakitaan ang mga bata na dati lang namamalimos sa paligid ng mall.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Adrian ay na-inspire siya sa artist na napag-alaman niyang nagtuturo sa mga bata na mag-drawing at nakaisip ng ideya na gawin itong pagkakitaan nila.

Bilang isang student-artist ay na-touch daw si Adrian sa simpleng gawing ito ng isang artist na piniling i-share ang talento niya kesa magpabayad lang sa iba.

Pero mas humanga raw siya sa mga bata na nagpapakita ng interes sa sining o arts sa mura nilang edad at hirap na estado sa buhay.

Ang post nga na ito ni Adrian ay naging viral na umani ng magagandang komento mula sa netizen na kung saan ang iba ay nais magparating ng tulong sa mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“For sure someday they will become great artists. 🙂 <3”

“The art fair we need to support!”

“Nice. Kesa nagmamakaawa ung mga bata. Atleast nashshowcase nila ung potential nila.”

“God bless mga bata! Mas maganda ang mag bisyo sa pag guhit kesa sa mag bisyo sa masamang bagay.Sana may sumalo dito sa mga batang ito :)”

“Gusto ko magdonate ng mga kailangan nila!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kung Nandyan Lang Ako kahit Bilin ko yang Gawa nila ng Tig 20 Pesos Ayus lang Eehh 😊”

Sa ngayon ang viral post ng mga batang lansangan na nagbebenta ng artwork nila ay mayroon ng mahigit 6,100 reactions at mahigit 7,100 beses naring ishineshare sa Facebook.

Batang lansangan artist inspiration

Ayon naman sa artist na nagturo sa mga bata at nag-request na huwag ng banggitin ang kaniyang pangalan ay na-impress daw siya sa initiative at creativity ng mga bata.

Sa isang interview ng The Asian Parent sa nasabing artist ay ‘kinuwento nito kung paano nagsimula ang drawing workshops niya sa mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Matagal ko nang plano yan many years ago pa.

“Pero one day nagmu-mural ako for a commission tapos namangha sila kaya tinanong ko kung gusto nila matuto.

“Yung plano ko talaga is kaunting workshop lang tapos sell artwork for 5days para masanay sila. Kailangan kasi nila matuto ng sila lang. Hindi naman puwede umasa na every day tutulungan sila kaya need ko lang talga i-open mind nila sa potential nila for being creative.”

Sa loob nga ng isang oras kada araw pagkagaling sa eskwelahan ng ibang batang lansangan ay ginugugol ng naturang artist ang oras niya upang turuan ang mga bata.

Minsan nga raw ay inaabot sila ng dilim dahil napapasarap ang mga bata sa pagdra-drawing.

Hindi niya raw inakala na seseryosohin ito ng mga bata na talagang makikitaan daw ng initiative at focus sa ginagawa nila.

“Mga bata pa kasi sila, plus lives in poverty pa, not all are street children pero lahat nasa impoverished level.

“Kaya di ko ini-expect na seryosohin ‘yong pag-a-art. Basta gusto ko lang i-open mind nila na need talaga nila maging creative kahit ano pang state ng life nila kasi creativity will get them a long way.”

Dahil nga daw sa effort at initiative ng mga bata ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga ito na dati ay namamalimos at iniiwasan ng mga taong napapadaan sa kanila.

“Parang social experiment din kasi itong ginagawa ko kung ano din effect ng mga bata na nagbebenta ng art sa mga tao, and so far very positive naman like mas pinapansin na sila ngayon kaysa nung una na dinadaan lang.”

Mula nga sa paggamit ng karton at crayola ngayon ay sa malinis na bond paper na nagdradrawing ang mga bata. Ito ay matapos madiskubre ng Rotary Club Greater Calbayog ang ginagawang ito ng mga batang lansangan na nagpamangha sa kanila.

Ayon parin sa artist na nagturo sa mga bata, sa ngayon ay marami pang nais na magpaabot ng tulong sa mga ito.

Ikinasaya niya naman ito dahil nabigyan ng pansin ang creativity at effort na ibinibigay ng mga bata sa mga drawing nila.

Bagamat maraming humahanga sa ginawa niyang pagtuturo sa mga batang lansangan ng walang kapalit ay sinabi ng artist na hindi naman siya ang dapat hangaan dito. Kung hindi ang mga bata na nagsisikap at nagpapakita ng kanilang talento sa kabila ng hirap na dinadanas sa buhay.

Pero sana daw ay gawin din ng ibang artist ang ginawa niya sa lugar nila. Para naman matulungan pa ang ibang batang lansangan na madiscover ang talent nila sa art at gawing inspirasyon ito para magsumikap at maabot ang pangarap nila sa buhay.

 

Source: GMA News

Basahin: Street kid nagpupursige mag-aral kahit nababasa ng ulan